After ng Acquaintance Party na mukhang kinagiliwan ako ng lahat .. well, except sa isang kakilala ko na may KJ Syndrome na si Mr. Domingo, tumatak ang pangalan ko bilang "Ella the dancing queen", "Queen of Booty Bop", at ang nakakalokang " Giling Girl".
Acquaintance Party Fever is real dahil bigla akong naging instant famous sa aking mga ka-blockmates and almost everyone cheerfully greets me..except kay Mr. Domingo. Since then, tila naitayo ang great wall of China between us. Hindi na din ako binu-bully ni Tin tungkol sa kanya dahil napansin na din niya ang cold war namin.
There are certain times na makikita ko siyang masayang nakikipag-usap at nakikipag-tawanan kina Jeff or sa iba pa naming mga ka-blockmates, pero when I got involve bigla na lamang siya tatahimik at magiging seryoso na tila hindi ako nakikita or naririnig dinaig ko pa ang invisible at siyempre ganon na din ako sa kanya with intentional irap pang kasama.
***********
PE namin ay afternoon schedule. Medyo lihis sa mga paborito kong gawin ang activity namin for today. Dahil physical activity, magpe-perform kami ng ilang mga exercises para sa aming muscle strength, balance and flexiblity. Wala naman akong nakikitang mga problema sa mga activities na iyon maliban sa pag-tumbling. Hindi ko nga mawari sa aking sarili dahil kahit may husay ako sa pasayaw, pagdating sa tumbling ay takot ako.
"Esteban Marinella" tawag ng aming PE instructor sa akin.
"Go Ella" narinig ko na cheer ni Tin sa akin.
Biglang kumabog ang aking dibdib ng pumuwesto na ako sa aming exercise padded mat. Pikit-mata kong ipinuwesto ang aking katawan at ulo para simulan ang pag-tumbling, ngunit gaya ng inaasahan ko ay hindi ko iyon nagawa ng tama dahil gumulong lang ako sa aking side. Lahat ay nagtawanan dahil don ngunit hindi ko na ninais lumingon dahil sa naramdamna kong kaba at takot.
Gustuhin ko man maki-join sa pagtawa dahil sa aking ginawa pero tila ninenerbiyos ako at mukhang napansin iyon ng aming PE instructor at mabilis siyang lumapit sa akin.
"I will guide you..at the count of three, tutulungan kita i-push and roll forward ang body mo..one..two..three.."
Babae ang aming PE instructor at dahil siguro hindi ako sure sa ginagawa ko at sa bigat na din ng katawan ko, nawalan kami pareho ng balanse sa simpleng forward roll na pinapagawa sa akin.
Narinig ko ang mga nagulat na sigaw mula sa aking mga kaklase at ganon na lamang ang pagkabigla ko ng pagmulat ng aking mga mata , katabi ko si Mr. Domingo. Paglingon ko sa aming PE Instructor, si Jeff at ilang mga kaklase naming boys ang dumalo dito.
"okay ka lang?" tanong niya sa akin.
Hindi naman agad ako nakapag-salita, instead ay humugot ako ng malalim na paghinga.
In-offer niya ang kanyang kamay para alalayan ako sa pagtayo at hindi na din ako nag-atubili na abutin iyon.
"Kinabahan ka siguro, ang lamig ng mga kamay mo.." inform sa akin ni Mr. Domingo.
"Thank you.." simpleng sagot ko na lang sa kanya.
Tipid siyang ngumiti at mabilis na bumalik sa kanyang upuan.
Mabilis naman akong nilapitan ni Tin upang kumustahin.
"nini ok ka lang?" tanong niya sa akin na may pag-aalala.
"Ok na, thanks! mukhang babagsak pa yata ako sa subject na ito.." worried na sagot ko.
"Ano ka ba, prelim lang naman ito..meron din swimming sa midterm... at dancing sa finals..Kakayanin mo yun" console sa akin ni Tin.
"Mabuti kamo, mabilis na nakatakbo si Mr. Domingo at ikaw talaga ang inuna niya.." umpisa na naman ni Tin..
"At kahit pala meron kayong silent war..he still cares for you!" dagdag pa niya.
"Hmm, ayan ka na naman..kahit sino naman siguro ang malagay sa sitwasyon na kagaya kanina, tutulungan niya.." pagdadahilan ko.
"Sabagay.." pagsang-ayon ni Tin
"Pero, sayo talaga siya dumiretso, nilampasan pa nga niya si Ma'am". kwento ni Tin with silly smile.
"Hay naku...umpisahan mo naman yan kakareto mo sa akin.." reklamo ko.
"Sabagay, alam mo na ba? mukhang sila na daw ni Ms. Beauty Pageant.." inform ni Tin sa akin.
"Given naman na iyon..ano pa ba ang ine-expect mo?"maikling sagot ko pero tila may konting kurot sa dibdib ko.
Natapos ang PE period namin, binigyan ako ng chance para bumawi sa pamamagitan ng ibang version ng exercise. Pero tila ganon pa din sa dati ang turing sa akin ni Mr. Domingo..invisible. Gusto ko pa naman sana muli siyang pasalamatan sa ginawa niya, pero nahalata ko na umiiwas siya sa akin, at dahil don hindi ko na pinagpilitan pa na makausap siya. Back to being stranger kami sa isa't-isa. Dahil sa pinakita niyang kabaitan sa akin, although hindi kami nagpapansinan, inalis ko na din yung intentional kong pag-irap irap sa kanya kung may chance na magtagpo man ang aming mga paningin.
******
Naging routine na din namin ni Tin na instead sa boarding house kami sabay mag-aral at mag- advance reading ng lesson, sa Library na ang aming bagong hang-out. Mas tahimik at wala kaming nasasayang na oras sa pagkukuwentuhan. Pero bago kami umuwi ay nakagawian na din namin muna kumain at tumambay sa cafe upang doon mag-chikahan.
"Akala ko after ng PE incident ok na kayo ni Mr. Domingo" biglang brought-up na naman ni Tin.
"Bakit, never naman kami naging friends in the first place, kaya after ko mag-thank you sa ginawa niya..back to normal kami.." sagot ko
"Daig niyo pa ang mag-ex na bitter sa inyong past .." komento ni Tin.
Nagkibit balikat na lamang ako para matuldukan na din ang topic namin. Hindi ko din in-expect ang turn out ng relationship ko kay Mr. Domingo. Ni hindi nga kami civil sa isa't-isa bilang mag-classmates . Siguro sa past life namin, mortal kaming magka-away.." naisip ko na lang.
Mabilis na lumipas ang mga araw...Prelim exams na namin sa susunod na week. Napag-usapan namin ni Tin na hindi kami uuwi sa aming kanya-kanyang bahay sa darating na weekends. Gusto namin paghandaan ang exams kung kaya mag-istay kami sa boarding house nila Tin upang magsunog ng kilay.
Naghahanda ako ng ilang mga gamit at damit na dadalhin ko kina Tin ng makatanggap ako ng text mula dito.
"Ella, aalis lang ako sandali..i-text kita pagdating ko dito sa bhouse.." maikling message nito.
"Saan naman kaya ang lakad nito at hindi na ako isinama.." tanong ko sa aking sarili pagkabasa ng message.
Natapos akong mag-ayos at magbasa basa, wala pa din text mula kay Tin. Dahil nagugutom na din ako at gusto ko din lumabas para maalis ang inip sa paghihintay, pumunta ako ng 7/11 para bumili ng mga makakain na babaunin ko kina Tin. Matapos makapamili, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Dahil wala akong dalang payong, wala akong choice kundi magpatila at ayokong suungin ang lakas ng buhos ng ulan at lalo ng ayokong mabasa dahil baka sipunin ako kung kelan harapin ng exams.
Bumalik ako sa loob at bumili ng instant coffee na maiinom..Tamang-tama at magpupuyat kami ni Tin, kailangan ng caffeine ng aking katawan para iwas antok. Nalipasan na din yata ako ng gutom, dahil parang wala na ako sa mood kumain mag-isa. Umupo ako sa pinaka-sulok na bahagi kung saan ko unti-unting iniinom ang aking coffee habang nagbo-browse sa aking f*******: account.
Nag-angat ako ng aking ulo ng maulinigan ko ang pamilyar na boses na tila may itinatanong sa akin.
"Hi, Ella..Pwede bang maki-upo?" tanong nito
Pagtingin ko, si Brian aka Mr Domingo ang aking nasa harapan. Kung hindi ko lang alam na ang pwesto ko ay nasa super corner ng 7/11..gusto kong luminga sa aking likuran sa isipin na baka hindi ako ang kanyang kinakausap .
Ngumiti lang ako ng simple sa kanya at sinabi
"Go ahead..hindi naman okupado yan.."
Pasimpleng sinuyod ko ang ibang upuan at nakita ko na pawang mga bakante ang mga iyon. Actually iilan lang kami na nasa loob ng convenience store.
Napansin yata niya iyon at nagsalita siyang muli bago tuluyang umupo.
"Uupo sana ako don kaso nakita kita dito.." umuulan pa naman nakakainip mag-isa" pagdadahilan nito.
"So, sa ganitong pagkakataon pala bati tayo ganon?Kasi no choice ka?"gustong isumbat ng bibig ko mabuti na lamang ay napigilan ko.
"Bakit nag-iisa ka?Nasaan si Tin?" panimula niyang tanong.
"Ahm, may lakad siya eh..inabutan kasi ako ng ulan kaya eto tambay muna.." explain ko.
"Actually nakita kita kanina pagpasok mo dito sa loob, hindi mo ako napansin mukhang ang dami mong iniisip.."inform niya sa akin.
"kahit naman makita kita, as if close ba tayo eh diba nga deadma tayo sa isa't-isa sa school?" sigaw ng isip ko..
"Ay kita ba sa mukha ko na madami akong iniisip?"medyo natatawa kong tanong.
"Malapit na kasi ang exams kaya siguro.." habol kong sabi bago nag sip sa aking coffee.
"Coffee?"offer ko sa kanya
"No, thanks!" tugon niya at simpleng ngiti.
Tila may tumawid na anghel sa pagitan namin at dumaan ang katahimikan ng ilang saglit. Kunwaring inabala ko na lang ang aking sarili sa pag-scroll ng sss account ko at siya naman ay lumilinga-linga paminsan minsan sa labas.
Maya-maya pa, dahil ilang beses ko ng nabalik-balikan ang newsfeed ng aking sss, lumingon ako sa kanya at saktong nagsalubong naman ang aming mga mata.
"May hinihintay ka ba?" mga salitang naapuhap ko bago tuluyang maging awkward ang sitwasyon.
"Wala naman, hinihintay ko lang tumila ang ulan.." maikling sabi niya.
Save by the bell ako ng tumunog ang aking cellphone. Message iyon mula kay Tin, informing me na dumating na siya..na anytime pwede na akong pumunta sa kanilang bhouse.
Dahil gusto ko na din kumawala sa napaka-awkward na moment na iyon with Mr. Domingo, nagpaalam na ako sa kanya na uuwi.
"Mauna na ako umuwi kasi hinihintay na ako ni Tin.."sabi ko.
"May payong ka ba?Malakas lakas pa din ang ulan, mababasa ka niyan.." concern na tanong niya sa akin? iniisip ko
"Bibili na lang ako..." maikling sabi ko at tumayo na ako papunta sa counter upang magtanong kung may available pa silang payong.
Hindi ko namalayan na nasa likuran ko lang pala siya kaya nagulat pa ako sa mabilis kong pagharap ng mabangga ako sa katawan niya ng siyang naging dahilan ng pagkawala ko ng balanse. Maagap naman niya akong nahawakan at feeling ko parang sinulid lang ang pagitan namin at tila nasu-suffocate ako.
"I need to go back to my senses.." tila mabilis na command ng aking isip kaya pasimple akong dumistansiya sa kanya.
"Wala na yata silang tindang payong.." tanong niya sa akin.
"If you want, sumabay ka na lang sa akin..malaki 'yong dalaa kong payong.." offer niya.
At tila nakita niya ang hesitation sa mga mata ko kaya..
"Or if you want, ikaw na lang ang gumamit..dito na lang muna ako.." mabilis na saad niya ng mapansin ang pag-aalinlangan ko.
"Nakaka-guilty naman kung ako lang ang gagamit ng payong niya..at tsaka bakit ba ako maiilang kung magsusukob kami sa iisang payong?" tumatakbo sa isip ko sa moment na iyon. Kaya bago pa mas maging malala ang sitwasyon, kailangan kong pairalin ang pagiging cool ko.
"Ok lang ba makisukob ako sa payong mo? Alam mo na, medyo malaki ako, baka hindi kayanin ng payong tayong dalawa.." tanong ko.
Ngumiti siya sa akin at pakiramdam ko first time ko nakita ang ngiti na iyon sa ilang buwan na kilala ko siya.
"Unang-una, hindi ka naman malaki..at sabi ko nga malaki naman yung payong ko..hindi tayo niyan mababasa hanggang makauwi tayo..promise!" saad niya
At nagpasiya na nga kaming sumuong sa ulan.
"Ako na magdala niyan, mukhang mabigat" sabi niya sa mga pinamili ko
"Hindi na, ikaw na nga ang may bitbit ng payong eh..tsaka magaan lang ang mga ito.." pagdadahilan ko which is true naman.
Nakailang hakbang pa lamang kami mula sa 7/11, biglang bumuhos ang mas malakas na ulan! Tendency, ay napasiksik kami sa isa't-isa dahil mababasa kaming pareho. Nagdikit ang aming katawan at naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi. Umiwas ako ng tingin sa kanya upang hindi niya iyon mapansin ngunit nagsalita siya at nagtanong sa akin.
"Gusto mo bang bumalik tayo or dumerecho na tayo ng uwi?"tanong niya.
Dahil gustong-gusto ko ng matapos ang sandaling iyon sinabi ko na umuwi na kami.
Naglalakad kami sa kalakasan ng ulan ng biglang may dumaan na sasakyan at nagulat ako ng hawakan niya ako sa bewang at inilihis sa tubig na tumalsik mula sa kalsada. Dahil doon ay siya ang nabasa ng tubig.
"Lokong driver na yun ah, hindi ba niya tayo nakita?" naiinis na sabi ko
"Ayan nabasa ka na tuloy.." tuloy-tuloy kong litanya ng mapansin kong nakahawak pa pala siya sa aking bewang.
Bigla na naman dumaan ang anghel at pareho kaming natameme sa sitwasyon. Pasimple niyang inalis ang kanyang mga braso na nakayakap sa aking bewang.
"Ok lang yan, malapit na din naman tayo.." simpleng sagot niya.
Pagtapat sa bahay nila..
"Ihatid na kita.." maagap na sabi niya.
"Hindi na, hiramin ko na lang itong payong mo..ok lang ba?"palusot ko
"Ahm, ihatid na lang kita.."pagpipilit niya.
Dahil ayoko ng makipagdiskusyon at sa takot na baka may makakita sa amin lalo na si Tin ay mabilis na din akong pumayag tutal ilang hakbang na lang naman ay ang bhouse na namin.
Pagdating sa harapan ng bhouse namin, mabilis akong humakbang palayo sa kanya.
"Thank you uli ha..sa payong at sa paghatid.." tila nahihiyang sabi ko.
"Welcome, sige pumasok ka na sa loob at magpalit ka kaagad ng damit baka sipunin ka.." paalala nito
"Ahm sige, ikaw din..lalo na basang-basa ka na..Bye!" mabilis na sabi ko at hindi na ako lumingon pa.
Pagdating ko sa loob ng aming bhouse tila tambol ang dibdib ko sa lakas ng kabog nito. At maya-maya pa ay nag-ring na ang aking cellphone---si Tin.