Sudden Change

2669 Words
"Hello" sagot ko sa tawag ni Tin. "Nasaan ka na? Hindi mo ba nareceived yung text ko at hindi ka nagre-reply?tanong ni Tin. "Inabutan kasi ako ng malakas na ulan sa 7/11, kauuwi ko lang.." maikling kwento ko . Napagdesisyunan ko na sarilinin na lamang muna ang unexpected encounter ko kay Brian pati na ang sudden change ng pakikitungo namin sa isa't-isa. Kung hindi kasi, baka kung anu-ano naman ang pumasok sa malikot na imahinasyon ni Tin. "Magpapalit lang ako ng damit, nabasa kasi ako ng ulan, then after pupunta na ako agad diyan.." inform ko kay Tin. Habang nagbibihis, tila naririnig ko pa ang boses ni Brian habang sinasabi niya na magpalit na agad ako at ng hindi na ako sipunin..Teka, Brian na nga ba ang tawag ko sa kanya..nawala na bigla ang formal na Mr. Domingo. Naiiling na lang din ako sa itinatakbo ng isip ko. Pagdating sa bhouse nila Tin, bigla kong naramdaman ang gutom..Sakto naman na may inihanda palang pagkain si Tin at masaya na sabay na kaming kumain. Bilang pasasalamat ko ay hindi ako pumayag na hindi ako ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin. Napilit ko naman si Tin at binantayan niya pa ako habang naghuhugas ako ng pinggan habang tuloy-tuloy ang aming kwentuhan. "Ubusin na natin ang mga chika natin ngayon at mamaya pag nagreview tayo..galit-galit muna,bawal ang chika." Inform ko sa kanya. "Tama" sagot niya pero nasa cellphone ang atensiyon na walang ginawa kundi mag-vibrate. "Dapat pati cellphone off-limit, maiistorbo ka niyan.." dagdag ko sabay nguso ko sa cellphone niya. "I can manage naman.." pagdadahilan niya. Hindi ko na siya kinulit sa maya't-mayang dutdot niya sa kanyang cellphone. Gusto ko din naman bigyan siya ng some privacy not unless gusto din niya i-share sa akin. Since tikom naman ang kanyang mga bibig, pero obvious ang mga ningning ng kanyang mga mata..hahayaan ko na lang muna siya.. "kung saan siya masaya, suportahan ko na lang siya" sabi nga. Nagsimula kami sa pagrereview at tila tukso na dumalaw sa isip ko ang eksena kung saan yakap ni Brian ang bewang ko. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako sa isiping iyon at hindi iyon napansin ni Tin dahil busy din ito sa pagkakangiti habang hawak ang cellphone niya. Tila pareho kami ni Tin na maganda ang mood dahil after namin makapag basa ay ni-review namin ang isa't-isa at masaya kami na bawat tanong na ibinabato namin sa isa't-isa ay mahusay naming nasasagot. Natulog ako na may mga ngiti sa mga labi.. and in some weird reason, si Brian ang huling laman ng isip ko. Kinaumagahan, maaga pa din ang set ng alarm namin ni Tin..sabi nga namin "time is gold" kaya maaga kaming bumangon. Nakagawian ko ng maligo agad pagkagising kaya naman feeling fresh na fresh ako sa umagang iyon at ng makita ko ni Tin ay naligo na din siya. "Hindi naman ako papayag na amoy laway pa ako samantalang ikaw ang bango-bango na.." biro pa nito bago pumasok ng banyo upang maligo. Dahil busy kami sa pagrereview, ayaw namin igugol ang iba pa namin oras sa pagluluto ng aming pagkain, kaya napagkasunduan namin bumili na lamang ng lutong pagkain. Tutal madami naman ang naka-paligid na kainan sa aming bhouse at meron naman din kaming suking karinderya na masarap at mura ang mga tindang pagkain. Matapos makaligo ni Tin at makapag-ayos, lumabas kami upang bumili ng aming almusal. Ngunit pagdating sa kainan ay napag-kasunduan namin na doon na lamang kumain upang bawas oras din sa paghuhugas ng plato. Pagbalik namin, napansin namin na bukas ang gate ng bahay nila Brian. Mukhang may mga bisita silang dumating. Nilampasan ko ng tingin kung ano man ang meron sa bukas na bakuran nila Brian at mabilis na akong pumasok ng gate. Paglinga ko kay Tin na akala ko ay nakasunod lang sa akin, nakita ko siya na kausap si Brian. Hindi ko alam kung babalik ako sa labas upang maki-join sa kanila or mauuna na ako sa loob. Tinawag naman akong bigla ni Tin at niyayang lumabas saglit. Pareho silang nakatingin sa akin ni Brian paglapit ko sa kanila. "Good Morning" bati ni Brian na nag-aalangan pa yata ngumiti. "Hello" bati ko din with small grin. "Ahm, pwede ko ba kayo invite ni Tin mamaya if free kayo, lunch lang dito sa bahay." bungad ni Brian. Lumingon ako kay Tin upang manghingi ng saklolo, dahil alam ko naman na alam niya ang status ng samahan namin ni Brian except sa biglang bago ng ihip ng hangin kagabi na lingid pa sa kanyang kaalaman. "Hindi ba nakakahiya, baka kasi family gatherings niyo?" maagap na tanong ni Tin. "Hindi naman, puro kasi mga oldies ang kasama ko..ang kuya ko naman baka late na dumating.." explain ni Brian. "Sandali lang naman, lunch lang..alam ko naman na nagrereview kayo para sa darating na exams.." habol pa niya. "Wala ka bang ine-expect na bisita?hindi ka ba nag-invite?Si Miss Beauty Pageant hindi mo sinabihan?" walang preno na tanong ni Tin "Sinong Miss Beauty Pageant?"confused na tanong ni Brian pero tila na-gets na din niya. "Ah,you mean si Sheena?Busy siya eh...tsaka kayo ang malapit kaya kayo na lang ang naisip kong imbitahan" kwento niya. "Ah Sheena pala ang name ng girl.." bitter na bulong ng isip ko. Binigyan ko si Tin ng warning look upang hindi ito pumayag, at tila naman na-absorb agad niya ang pahiwatig ko ngunit hindi ko inaasahan ang sagot niya. "Since hindi darating si Ms. Sheena, Eh di sige na nga, kami na lang muna ni Ella ang Ms. Beauty Pageant mo..I mean bisita mo..pagbibiro nito kay Brian. "Yon! Sure yan ha..?" paninigurado ni Brian. "So, pano..see you later.." paalam ni Tin. Tahimik lang akong nakamasid sa kanilang dalawa at may pagkakataon na nagkaka-hulihan kami ng tingin ni Brian. Pagpasok sa loob ng bhouse nila Tin, agad ko siyang sinita. "My God Tin, bakit ka pumayag?akala ko pa naman na-gets mo yung message ko.." "Hindi mo ba narinig si Mr. Domingo mo? lunch lang at tayo lang ang kasama niyang bagets..hindi ka na lang naawa sa tao.." pagdadahilan ni Tin. "Kailangan yata meron naman tayong bitbit kahit cake lang.." naalala ni Tin. "Magsi-share ako sa pambili ng cake pero ikaw na lang ang pumunta.." sabi ko "Tingnan mo ito..remember yung time na naiinis ka kay Mr. Domingo dahil KJ siya? ngayon ikaw ang nag-iinarte bilang KJ.." sumbat ni Tin. "hello? Ibang sitwasyon naman yun girl." pakikipag-talo ko kay Tin. "Hmm, sige papayag ako hindi tayo pupunta basta bigyan mo ako ng isang magandang rason.." hamon ni Tin "Diba alam mo naman ang cold war sa pagitan naming dalawa?" "Girl, bago ako sumang-ayon sa invitation ni Mr. Domingo..nag-observe ako kanina about diyan sa sinasabi mong cold war niyo at tila nakita ko na nagwagayway na kayo pareho ng puting watawat niyo..Akala mo hindi pansin ang sulyapan ninyong dalawa sa isa't-isa..? Kakaiba ang ambiance kanina..teka nga..meron ba akong hindi nalalaman?" kinukutoban na tanong sa akin ni Tin. "Kung ano-ano na naman ang ini-imagine mo..sige na nga, payag na ako,pero sandali lang tayo ha? "Okay..so, padeliver na tayo ng cake?"tanong ni Tin Mabuti na lamang at may extra budget ako dahil bukod sa matipid naman ako..medyo malaki din ang daily allowance ko. Nag-order kami online ng cake at pumili kami ng maaring magustuhan ng daddy ni Brian. Nagbihis kami at nag-ayos konti ni Tin..yung saktong outfit lang, pinalitan namin ang pambahay na shorts at oversized shirts na suot namin. Dumating ang lunch time at nagvibrate ang cellphone ni Tin. Unregister number ang tumatawag pero mabilis din niyang sinagot iyon. "Hello?" "Si Mr. Domingo" nabasa ko na bigkas ni Tin ng pabulong habang turo ang kanyang cellphone. "Ah, Brian! ok?..sige..lalabas na kami.." mga words na narinig kong binigkas ni Tin habang kausap sa kabilang linya si Brian. "Tara, andiyan si Brian sa gate..Oh diba bongga de-sundo pa tayo.." saad ni Tin habang nakangiti sa akin. "Teka! pano niya nalaman yung number mo?" usisa ko "Ah, hiningi niya kay Jeff.." maikling sagot niya. "Ah...kay Jeff...? So meaning nga ay nakapagpalitan na kayo ng number ni Jeff at posible kaya na si Jeff ang laging nagpapatunog ng cellphone mo.." kunwaring paninita ko "Ahm..hello?normal na lang ang nagbibigay ng numbers sa panahon ngayon..wait! hinihintay na tayo ni Brian sa labas.." ngisi ni Tin sa akin "hmpf ..nakakatampo ha, kung hindi pa ako magduda at osi hindi mo sa akin ise-share.." kunwaring tampo ko "Eto naman..wala pa ngang nagyayari eh..tara na at may naghihintay sa ating gwapo sa labas" yaya ni Tin sa akin with silly smile. Naabutan namin si Brian sa gate. "Hi! pasensiya ka na medyo natagalan kami sa paglabas..kanina ka pa ba?" masayang bungad ni Tin. "Ok lang, hindi naman ako nainip..so, tara!" yaya ni Brian sa amin "Eto nga pala cake para sa daddy mo, share kami ni Ella diyan..sana magustuhan niya.." "Uy, thank you! nag-abala pa kayo.." Pagdating sa loob ng bakuran nila Brian, makikita na nakaka-angat talaga sila sa buhay dahil sa ganda at modernong structure ng kanilang bahay. Niyaya niya kami sa salo-salo kung saan nagtitipon na kumakain at nagkukuwentuhan ang 2 may edad na lalaki at 3 may edad na babae. Kahit hindi sabihin sa amin ni Brian kung sino sa kanila ang kanyang mga magulang ay kitang-kitang ang resemblance niya sa mga ito. "Dad, mga bisita ko po, mga classmates ko, si Ella and Tin..mga boarders din sila diyan sa tapat natin tsaka kina Aling Malou..eto palang cake dala nila"pakilala ni Brian sa amin ni Tin. "Happy Birthay po!" sabay na bati namin ni Tin "Thank you mga hija..nag-abala pa kayo dito sa cake.." "Sino ba sa inyo ang magiging future daughter-in-law ko?"dagdag na sabi ng daddy ni Brian na siya namang ikina-tameme ko pero mabilis na sumagot si Tin. "Ay wala po sa amin..absent po..pero pwede po ninyo i-consider din itong friend ko si Ella" pabibong sagot ni Tin na ikinabigla ko.. Nagkatawanan naman silang lahat maliban sa akin..at pakiramdam ko nag-iinit ang mga pisngi ko sa hiya. Gusto kong kurutin ng pinong-pino sa tagiliran itong si Tin..Pero pinili kong ngumiti kahit pilit. "Tara, kain na tayo.." yaya ng mommy ni Brian. "Mom, doon na lang kami sa kabilang table..hindi naman kami makaka-relate sa kwentuhan niyo eh.." paalam ni Brian. "Naku! ang sabihin mo gusto mo lang magkasarilinan kayo ng special girl mo.."biro ng mommy niya. "First time ni Brian may isinamang babae sa birthday ko" dagdag info pa ng daddy niya. Hinihintay ko na i-deny ni Brian ang mga maling iniisip nila pero hindi na ito kumibo, instead ngumiti lamang ito. "Ella, pasensiya ka na sa mga magulang ko ha.." yun lang ang tanging sinabi niya sa akin. "Ok lang, alam naman natin yung totoo eh" simpleng sagot ko na tila nag-alis ng smile sa kanyang labi. Niyaya niya kami na kumuha ng food at inabutan niya kami ni Tin ng kubyertos at plato. "Wow! ang dami naman handa ng daddy mo..may mga darating pa ba na bisita?" usisa ni Tin "Mamaya darating ang kuya ko baka may mga kasama din..tsaka mamimigay din sa mga kapit-bahay.." After kumuha ng pagkain ay nauna na akong naupo sa mesa. Si Tin ay panay ang daldal kay Brian kaya medyo natagalan ito. Habang naghihintay ay nagpaka-busy muna ako sa pag scroll ng aking IG account. Maya-maya pa ay umupo na si Tin, kasunod si Brian na may dala na extra food. "Tikman mo ito Ella nakita ko hindi ka kumuha nito, eto lang ang niluto ng mom ko, lahat yan inorder na..specialty niya kare-kare.." "Hmm, Sorry, mukha ngang masarap pero alam ko meron kasi peanut yan? Allergic kasi ako sa peanut.." "May allergy ka pala sa peanuts?" nabiglang tanong din ni Tin sa akin. "Unfortunately yes.."tipid kong sagot "Ganon ba?" maikling sabi ni Brian. Habang kumakain, nagparamdam na naman ang awkward moment. Si Tin kasi ay busy sa kanyang cellphone na panay ang vibrate. "Hay naku ang alam ko ay andito kami para maki-birthday..hindi naman ako nasabihan na meron palang text marathon dito.." parinig ko. Tumingin lang sa akin si Tin at nginitian ako "Pagbigyan mo na siya, mukhang in-love yata si Tin" sabat naman ni Brian. "Ha?sinong in-love"malakas at mabilis na deny ni Tin. "Sino pa ba ang meron "inlove syndrome" dito.. yung cellphone lang ang kaharap pero ang ganda ng mga ngiti.." sabi ko sabay roll ng aking mga mata. "Makapag-comment ang expert sa love? na-inlove ka na ba girl?' balik sa akin ni Tin. "Hello, obvious naman sayo 'no, hindi kailangan maging expert para masabi na puma-pag ibig ka..lagi ang ganda ng mood mo, smile ear to ear..and the list goes on..." explain ko with make face. "Alam mo nini, dapat ikaw ang ma -inlove..para mabawasan yang pagtataray mo..ano sa tingin mo Mr. Domingo? este Brian?" baling ni Tin kay Brian Gusto kong tadyakan ang mga paa ni Tin sa ilalim ng mesa pero nagtimpi ako..Sa akin talaga ibinaling ang usapan? "Wala pa bang nagpatibok sa puso mo?" tila seryosong tanong naman ni Brian. "Hmm..sagutin mo yan nini..wala nga ba?" gatong naman ni Tin. "Teka, bakit sa akin napunta ang usapan? Ewan ko sa inyong dalawa..at para matigil kayo..WALA!"pagtataray ko. "Eh ikaw Mr. Domingo? in-love ka ba at the moment"? tanong ni Tin kay Brian sabay tingin sa akin. "Wait, why are you always calling me Mr. Domingo? masyadong formal..Brian na lang.." singit naman ni Brian. . And can I ask what is nini? other Nickname mo ba yun Ella? "Ah! nini is short for frenny, friendship endearment namin ni Ella..and about sa Mr. Domingo code mo---itanong mo kay Ella, siya ang pasimuno don eh.." "Ako na naman talaga Tin?" warning ko kay Tin pero tila natutuwa pa siya. "Wait, gusto ko malaman ang sagot mo Brian..inlove ka ba?"pangungulit ni Tin Hindi na nasagot ni Brian ang tanong dahil tinawag siyang bigla ng kanyang mommy. "Curious ka sa magiging sagot ni Mr. Domingo ano?"pang-aasar ni Tin "Gusto mo, kulitin ko hanggat hindi niya sinasabi yung sagot niya?" dagdag pa nito "Nakakalasing ba ang being in-love? Para kang nakainom sa kakulitan mo Tin sa totoo lang.." inis na sabi ko. "eh kung sagutin ka ng mind your own business?" dagdag ko pa. "Mukhang hindi naman ganon si Brian, baka kapag ikaw , pwede pa makapagbitiw ng ganong salita.." patuloy na bully sa akin ni Tin. "Alam mo, mabuti pa bilis-bilisan na nating kumain at ng makabalik na tayo sa bhouse..remember ang dami pa natin kailangang i-review.." change topic ko bilang pagsuko. Siya naman ang pagbalik ni Brian na may mga dalang dessert kasama na ang slice ng cake na dala namin ni Tin. Naglakas loob na akong magpaalam at hindi kaya ng powers ko ang presensiya ni Brian..the more na nakakasama ko siya ng matagal, mas nakikilala ko siya at tila hindi ko gusto yung umuusbong na pakiramdam ko towards him..sabayan pa ng panunukso ni Tin. "Brian, mukhang kailangan na namin umuwi..alam mo na, need magreview for our Prelims.." paalam ko. "Ganon ba? hindi niyo ba titikman itong mga desserts?" "Busog pa naman kami, ang dami namin nakain..diba Tin? samahan mo kami magpaalam sa mga parents mo.." "Ok, pero can you wait mga 2minutes lang..balik din agad ako.." Pagbalik ni Brian, may dala itong paper bag, pero hindi ko na pinuna iyon. Magalang na nagpaalam at nagpasalamat kami ni Tin sa mga parents nito pati sa mga uncle and auntie na din.Inihatid kami ni Brian sa gate nila Tin at.. "Ibinalot ko na lang ang mag desserts para makain ninyo..tsaka naglagay din ako ng food na pwede ninyong dinner mamaya.." inform ni Brian sa amin. "Uy, hindi ko akalain na sweet and thoughtful mo pala..anyways thank you uli sa pag-invite sa amin and sa masasarap na foods..may take-out pa.." sabad ni Tin. Ngumiti naman si Brian at bumaling sa akin. "Thank you din sa pagpunta sa invitation ko.." "Sige, mauna na kami.." maikling sabi ko Hindi na muli ako lumingon pa, pero tila may kilig akong naramdaman sa mga ngiti na iyon ni Brian. Biglang 180degrees turn ang pakikitungo namin sa isa't-isa ni Brian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD