First day of Prelim Exams, mas maaga kami pumasok ni Tin at hindi ko in-expect na makakasabay namin si Brian. Tila mas maaga pa nga itong nakagayak sa amin dahil paglabas namin ng gate naabutan na namin siya sa tapat.
"Good Morning!' masayang bati ni Tin sabay bulong sa akin..
"Girl, may lucky charm ka na, sigurado mataas score mo niyan sa exams.."
Asusual, hindi ko na lang pinansin si Tin at pasimple ko siyang siniko bilang warning..
"Hi" bati ni Brian sa amin at ngumiti na tila maganda ang gising.
In-acknowledge ko naman ang bati niya by simpleng ngiti na hindi labas ang ngipin at galaw lang ng eyebrows.
"Nakapag-review ba kayong maigi?" tanong ni Brian.
"Si Ella masipag mag-review at tsaka inspired kaya sigurado yan mataas ang grades.."umpisa ni Tin sa pang-aasar sa akin.
"Sino kaya ang inspired, yung tipong nagbabasa ng libro pero ang ganda ng ngiti.." balik asar ko kay Tin hanggang makarating kami ng gate ng school at natigil ako sa ilang sinasabi ko ng may tumawag na malambing na boses ng babae na ikinalingon naming tatlo ng sabay-sabay.
"Bae..! Si Sheena--ang Ms. Beauty Pageant ni Brian.
Masaya itong lumapit kay Brian at walang kaabog-abog na binigyan ito ng tap kiss sa labi. Nabigla man ako, pero mabilis din akong kumilos na naglakad papasok ng school. Wala naman akong dahilan para huminto at manood sa lovebirds na kaaga-aga ay nagtutukaan na..
Si Tin na tila saglit din nawala sa ulirat ay nakasunod sa akin..
"Yun ang nakaka-inspired! Yung tipong bago ka mag-exams, may goodluck kiss kang matatanggap.." tila nagde-day dreaming na saad ni Tin.
Pinili kong hindi mag-comment or react sa kanyang sinabi..Unang-una, aware ako na may Sheena si Brian, pangalawa, dalawang beses ko pa lang siya nakasama ng medyo matagal so ayaw kong i-confused ang feelings ko. Nanibago lang ako, from silent treatment namin sa isa't-isa bigla na lang kami naging friendly. Yun lang iyon, period! Paalaa ko sa sarili ko.
"nini ang tahimik mo bigla"? sita naman ni Tin
"Ganito talaga ako kapag kinakabahan.." simpleng sagot ko.
"Talaga ba? so you mean exams ang iniisip mo after mo ma-witness ang lovey-dovey couple"
"I mind my own business," maikli sabi ko kay Tin tsaka ako naunang pumasok sa room.
"Ay! taray talaga ni nini ko, Ms great pretender!" habol na pang-aasar ni Tin.
Nakaupo na kami ni Tin, ng mapansin ko ang pagpasok ni Brian sa room. Pa-simple akong umiwas ng tingin at kunwaring nagbuklat ng libro.
"Focus on your study...andito ka para mag-aral mabuti para sa magandang kinabukasan at sa iyong mga magulang" sinisigaw ko sa isip ko.
First subject pa lang ay magaan na ang pakiramdam ko pagkakita ng mga questionnaires. Iba talaga kapag nag-aaral mabuti..madaming bala pagdating ng giyera ! Tila sumikat ang araw sa kanina lamang na gloomy morning ko..
Natapos ang ilang subject na scheduled exams ay kitang-kita ang good vibes sa mukha ko..
"nini, ikaw yung nag-exam na hindi haggard instead naging blooming ka pa.." puna ni Tin
"Masaya kasi ako natapos na exams tsaka aminin mo..madali yung exams kasi yung mga pinagre-review natin almost covered ng exams.."
"True" masaya ding saad ni Tin sabay high-five namin sa isa't-isa.
Masaya kami ni Tin nagtungo sa school cafe at back to normal me ako..loud at masayahin.
Nag-order ako ng paborito kong mango shake at nachos ..na according kay Tin ay weird combination. Para naman sa akin balance lang, dahil healthy at junk combi..maalat, medyo may konting asim at matamis.
"Konting kembot pa, makakaraos na tayo ng Prelims..! Yohoo! " nagdiriwang na cheer ko.
"Uy, mukhang good mood ka Ella today ah.." boses ni Jeff
Bigla ang kinang na naman ang mga mata ni Tin.
Naupo si Jeff sa tabi ni Tin at tila wala ng nakikitang tao sa paligid.
"Ehem! Tao po..katok ko sa mesa.."
"Eh, Ella!, Whats -up? " sambit ni Jeff na tila nagising sa kasalukuyan.
Feeling ko, it's my cue para bigyan ng privacy ang dalawa..hindi naman ako manhid at lalong hindi ako KJ sa kasiyahan ng iba.
"Tin! Mauna na ako sa library..alam mo na kung saan ako makikita don" paalam ko.
"Sure ka? Sabay na tayo.."kunwaring insist ni Tin.
"Hindi na..dito ka muna para mamaya inspired ka sa pagrereview..diba Jeff" hirit ko.
Hindi ko pinansin ang warning look sa akin ni Tin, it's my turn para makabawi.
Honestly, happy ako para kay Tin..lalo na kitang-kita sa mga kilos niya at kanyang mga mata na masaya siya.
"Hindi naman kailangan ng may kasama nagrereview sa library ..matuto kang maging independent din Ella paminsan-minsan" bulong ko sa sarili ko
Pagdating sa library, ibinuhos ko ang buong atensiyon ko sa pagrereview..at hindi ko namalayan na lumipas ang oras hindi pa din dumarating si Tin.
Tila inaantok ako dahil sa mga nagdaang gabi na puyat sa pagrereview..at hindi ko maiwasang humikab ng todo..pagmulat ko mula sa bonggang paghikab, nasa harapan ko ang isang lalake na naka-eye glasses at napaka prim and proper mula sa kanyang polo shirt na naka-tucked in.
Ngumiti ako ng alanganin
"Ok lang ba maki-share ng table?" tanong nito sa mahinang boses.
"Sure" sabi ko naman.
Nagpatuloy ako sa pagbabasa at paminsan-minsan ay napapatingin sa kaharap kong lalake. Busy din ito sa pagbabasa at mukhang same ang aming course based sa hawak niyang book,ngunit mukhang nasa higher year siya.
Since naturally friendly ako at tsaka parang need ko ng break mula sa pagbabasa, naglakas loob akong tanungin siya.
"Excuse me? Accountancy ka din ba?" nag-aalangan na tanong ko with unsure smile.
"Yes, junior college..ikaw?freshman?" balik tanong din niya.
"Oo eh, tama ba yung course na kinuha ko?"simpleng biro ko
Ngumiti naman siya bago sumagot..
"Depende...ayokong maging bias sa sagot ko eh, as far as I'm concerned, nasa right track naman ako.."
"Ah..I see,mukhang matalino ka naman kasi.." medyo napalakas na boses ko kaya may mangilan-ngilan na napatingin sa gawi namin.
Nag-peace sign naman ako, bilang apology at siya namang lalong nagpa-ngiti sa lalakeng katapat ko.
Nagsulat siya sa papel at iniabot sa akin
"Mukha ba akong matalinong nerd kasi naka-eyeglassess ako?"
Sumulat din ako at nakangiting inabot ko ang reply ko
"Kinda"?
"You're so honest" reply niya
"Honesty is the best policy" sagot ko
Nagkatawanan kami at narinig namin ang paligid sa pagsaway sa amin..
"Ssssshhhhhhhh"
At lalo kaming natawa pero pigil na pigil.
"Anyway, I'm Kian and you are.....?"
"Ella"
"Kilala mo ba yung guy with hot babe sa table next sa likuran mo?"
Pagkabasa ko ng message niya, pasimple akong lumingon sa direction na sinasabi niya..And there, nakita ko si Brian, kasama si Ms Beauty Pageant.
Kumunot ang noo ko sa idea na marunong din pala sila bumisita ng library. Then pagbalik ko na tingin kay Kian, sumulat ako sa papel.
"Yes, I know him?why?"
"Ex BF?"
Pagkabasa ko, mabilis akong umiling at napangiti si Kian sa reaction ko
"just my classmate" maikli kong reply
"Kanina pa kasi ang sulyap dito, akala ko noong una nadistract lang sa ingay natin" explain ni Kian
"Don't mind him..ganyan lang talaga yan..feeling ko nga kaaway ko siya sa past life ko?"
Pagkabasa niya ng message ko, natawa na naman siya at iiling-iling na sumulat ng reply
"I like your sense of humor ?"
"Ay hindi pa ako nagpapatawa ng lagay na yun.." sabi ko
"Hahahaha"reply lang niya
"Sige, quiet na muna ako..baka naistorbo kita"
"Ok" maikli nitong reply at bumalik ito sa seryosong pagbabasa.
Naalala kong i-text si Tin at until matapos akong makapag-basa at review hindi na siya nakasunod pa. Nagdecide akong dumaan muna sa cafe at magbaka-sakali na naroon ito at yayain ko siyang kumain. Nagsulat ako ng note at nagpaalam sa new library buddy ko.
"I have to go..see you around"
"Nice meeting you..?" reply niya sa akin at sumaludo pa sa akin bago ako umalis
Nag-flying kiss naman ako bilang tugon at siya naman dahilan ng kanyang pag-ngiti sabay iling..
Pagbaling ko sa likuran ay naroon pa din si Brian ngunit wala na ang kanyang muse..
Nilampasan ko siya na tila wala akong nakita.Tumunog ang aking cellphone at may message mula kay Tin.
"I'm sorry hindi na ako nakasunod sayo sa library..kumain kami sa labas ni Jeff.."
Napa-buntong hininga ako..nagugutom pa naman ako, ayoko naman sa bhouse pa kumain at wala pa din akong makakasama..kaya no choice ako, dumaan ako ng cafe at kumain mag-isa..
Paglabas ko ng cafe ay muli kami nagtagpo ni Kian
"Hey! Akala ko umuwi ka na.." masayang bati niya sa akin
"Nagutom ako eh, yung utak ko ang napagod pero tong tiyan ko ang nagrereklamo.." pabiro kong sabi
Natawa na naman siya sa tinuring ko...
"Saan na tungo mo niyan?pauwi ka na?"tanong nito
"Yes, ikaw?hindi ka pa uuwi?" balik tanong ko.
"Pauwi na din, malapit lang naman uwian ko..dito lang sa kabilang street.." inform nito.
"Sabay na tayo sa paglabas.." pahabol nito
"Ok..malapit lang din ang boarding house ko na tinutuluyan actually.." maikling kwento ko.
"Ah ganon ba? Hatid na kita tutal malapit lang din uuwian ko.."
"Uy, wag na..baka out of way sayo.." insist ko
"Pwede naman akong bumalik, para makapag-kwentuhan tayo habang naglalakad..alam mo na usap talaga hindi sa note lang.."
"Ok, bahala ka..ikaw lang naman ang mapapagod.." biro ko
Naglakad kami palabas ng gate at sakto nakita ko si Brian mukhang pauwi na din at tila magkakasabay pa kami.
Napansin ni Kian ang direction na tingin ko at nakita niya si Brian.
"Hindi ba siya yung guy sa library?" tanong niya
"Ah, oo.. classmates kami at the same time iisang street lang ang tirahan namin, i mean yung boardinghouse ko sa bahay nila.." tila nagkakanda-bulol na kwento ko.
Bumulong siya sa akin ng halos magkalapit na kami nila Brian
"Is there something between you two?" curious na tanong niya
At alam kong nagpa-huli si Brian sa amin ng ilang hakbang..
"What do you mean?" confused na tanong ko habang mabagal kaming naglalakad.
Dahil alam naming nasa likuran namin si Brian na siyang topic namin ay nagbubulungan lang kami ni Kian. Magaan ang loob ko sa kanya kaya napaka-komportable sa akin na makipag-usap sa kanya as if matagal na kaming magkakilala.
"Sa observation ko, he likes you.."
"Ngek! nakita mo ba yung kasama niya kanina na sabi mo nga hot babe..siya lang naman ang gf niya.." inform ko dito
"Oh! But the way he stares at you..I believe na may gusto siya sayo.." pilit nito
"Sabi ko nga may gf na siya..ano ako spare tire?"
Natawa na naman siya sa tinuran ko at hindi ko mapigilang makisabay sa pagtawa..hanggang dumating na kami sa tapat ng aming bhouse.
"So, eto ang aking boardinghouse.. Sorry hindi na kita ma-invite sa loob at medyo strict ang aming landlady.."
"It's ok.."teka, nasaan na ang stalker mo?diba nasa likuran lang natin siya kanina?" hinahanap nito si Brian
"Baka pumasok na sa loob nila, yung nalampasan natin na mataas ang gate..yun ang bahay nila.."inform ko
"So pano..mauna na din ako, nice meeting you again..Ella" paalam ni Kian sabay inabot niya ang kamay niya upang makipag-shake hands.
Masaya naman ako nakipag-shake hands sa kanya na lingid sa aking kaalaman ay nakamasid pala sa amin si Brian na nakakubli sa poste.
**