Last day of exams..
Gaya ng dati mas maaga kami ni Tin na pumasok but this time hindi namin nakasabay si Brian.. pagdating namin sa gate ay naroon ito at tila naghihintay.
Binati siya ni Tin at ako nama'y pasimple na umiwas ng tingin.
Himala din at hindi na ako pinansin ni Tin sa ginawi ko..dahil na din siguro sa pagtunog ng kanyang cellphone na nagbigay na naman sa kanya ng matamis na ngiti sa labi.
Mabilis na lumipas ang mga oras at natapos din sa wakas ang exams!
Nag-aayos kami ni Tin ng aming gamit at nagre-ready na para kumain sa cafe ng lumapit sa amin si Jeff.
"Kakain na ba kayo?" tanong nito
"May lakad ba kayo Tin? Sa bhouse na lang ako siguro kakain magte-take out na lang ako ng food.." maagap na tanong ko
"Actually, yayayain sana namin kayo sa bahay nila Brian.. since tapos na ang exams, tambay na lang sa kanila then kakain..Diba magka-kapitbahay naman kayo..? saad ni Jeff
Hindi ako kumibo at hinintay ko si Tin muna ang mag-react ngunit wala akong narinig na response mula dito hanggang natapos ko ayusin ang bag ko.
"Ano, game?" tanong ni Jeff na sa akin nakatingin..
"Alam ba ni Brian yang plano mo?"
"Ofcourse! Siya nga ang nag-suggest ng idea na 'to eh.."
"Baka naman all boys lang kayo, or kayo lang ang ini-invite niya tapos isasama mo pa kami.." pag-uusisa ko.
"Alam ko kasama din si Sheena at ilang friends nito tsaka tayong tatlo and ilang boys at the back kasama ang mga girlfriends nila..So bali mga more or less 10 siguro tayo na makakasama.
"Sumama ka na Tin, pass muna ako..napagod yata ako sa exams gusto kong matulog at magpahinga.." totoo na dahilan ko
"Hindi na lang ako sasama if hindi ka kasama.." banta naman ni Tin.
Iniikot ko na naman ang eyeballs ko sa narinig kong sagot ni Tin
"Seriously, kinokonsensiya mo pa ako Tin?"
"Sumama ka na kasi, hindi ka naman mapapagod na maki-join, at tsaka para namang hindi pa tayo nakarating sa bahay nila Brian.." panghihikayat ni Tin
"Yun nga eh, kakagagaling lang natin don noong weekends, tapos ano, babalik na naman tayo? hindi ba nakakahiya, ang mukha na lang natin ang laging nakikita ng mga magulang niya.." reklamo ko.
"Hindi mo ba narinig na si Brian pa ang nag-suggest?, Sige na please?, sama ka na kasi" pangungulit ni Tin
Bumuntong hininga ako bilang sign ng pagsuko ko..
"Fine! Pero sandali lang tayo ha..gusto kong matulog.."
"Yey!"sabay halik sa akin ni Tin
"Ew!" reklamo ko
"Lab you" pang-iinis pa sa akin
"Sabihin mo yan kay Jeff hindi sa akin.." wala sa loob na sabi ko
"Nasabi ko na" nabigla naman na sagot ni Tin sabay takip ng bibig.
"Whow! Talaga kelan?"hindi ako makapaniwala na tanong ko
Bigla naman umakbay si Jeff kay Tin sabay confess
"Kami na ni Tin.."masayang balita nito
Minulagatan ko si Tin bilang sign ng nagtatanong at tumango siya na akala mo mahinhin na nahihiya bilang pag-sang ayon.
"May utang kang kwento sa akin ha.." balik ko sa kanya.
"Plano ko naman ikwento talaga sayo nagkataon lang busy tayo dahil sa exams.." paliwanag nito sa akin
"Nakakatampo na talaga.."kunwaring maktol ko.
"Don't worry,hindi ko aagawin sayo ang best friend nini mo.." pagbibiro naman ni Jeff.
"Ok lang, pang third wheel yata ang role ko.."
Nagtatawanan kami ng saktong lumapit si Brian..
"Ano? tara na?" Pagayaya nito tsaka mabilis na sumulyap sa akin.
"Let's go.." masayang pahayag naman ni Jeff
Automatic naman na magka-holding hands sina Tin at Jeff ng sabay-sabay kaming lumakad papunta sa bahay nila Brian.
Isang grupo kami na naglalakad ng maingay na masaya sa kalsada.
Nasa bandang unahan naman sina Brian kasama ang Sheena niya na may kasama ding isang magandang dilag na kagaya nito.
"Tama ba na sumama ako.." tanong ko sa sarili ko ng makita ko na magka-hawak kamay din sina Brian at Sheena.
Pagdating sa bahay nila Brian ay pinatuloy niya kami sa kanilang entertainment room . Isang malaking room kung saan naroon ang 100" flat screen tv nila.
Saglit na sumilip sa amin ang kanyang mommy at bumati sa aming lahat.
"Ok lang ba kayo lahat diyan?"tanong nito sa amin
Halos sabay-sabay din kami nag-greet dito. Hindi ko inaasahan na magiging special mention pa ako..
"Ella, hija kasama ka din pala..kumusta ang exams niyo?" mabait na tanong nito sa akin
Medyo naging awkward ang moment at narinig ko may nag-comment ng "uy kilala si Ella!"
"Ok naman po tita, sa wakas natapos din po.." nakangiti kong sagot.
Pag-alis ng mommy ni Brian, ilang mga mata ang tila nagtatanong sa akin..at meron hindi na makatiis na isa at naging vocal sa pagtatanong..
"Ella, bakit kilala ka ng mom ni Brian?"
"Andito kami noong weekends, naki birthday sa daddy ni Brian..nakikain kami.." sabad ni Tin
"Ah, kasama ka din pala Tin?"
"Oo, kasama ako..clear?" Paliwanag ni Tin.
Nabigla man ang lahat, si Sheena ay hindi ko nakitaan nito..dahil siguro na-inform siya ni Brian.
"At dahil confident ito.." bulong pa ng aking isip.
Habang maingay kami na nagkukuwentuhan ay kumakain kami ng pizza at chips na inihanda ni Brian.
At napagkasunduan naman na manood ng horror film after that.
At that very moment ay kanya-kanya na silang partner except sa akin at sa friend ni Sheena. Napansin din siguro nito na siya lang ang walang partner kaya umalis ito sa tabi ni Sheena at tumabi sa akin.
"Hi! Carol here.." pwede ba dito na lang sa tabi mo..as you can see tayo lang ang walang kayakap dito.." nakangiti nitong bati sa akin.
"I'm Ella..kaya nga eh, sabi ko na nga ba, mali na sumama pa ako dito.." sakay ko sa biro niya.
Natawa kami ng mahina upang hindi ma-distract ang ilan sa panonood.
Habang nanonood ay hindi ko naiwasang lingunin si Brian,malakas ang loob ko na lumingon knowing na madilim dahil off naman ang lights para movie house effect kuno..and there sabay pa yata kaming nagkatinginan sa isa't-isa. Si Sheena naman ay focus sa panonood at nakadantay ang ulo sa balikat ni Brian habang nakayakap sa mga braso nito.
Agad naman akong bumawi ng tingin at gumawi kina Tin at Jeff. Magka-holding hands naman ang dalawa at pareho ding seryosong nanonood.
Hanggang sa natapos ang movie at mabilis na binuksan nila ang ilaw.
Ilang sandali pa ang lumipas, isa-isa na din nagpaalam upang umuwi kasama na sina Sheena..at napansin ko ang entertainment room ay tila binagyo sa mga kalat.
Habang nasa labas sila Brian upang ihatid si Sheena sa gate ay inumpisahan kong ayusin ang mga throw pillows na nagkalat na sa sahig at iniligpit ang pizza boxes at mga plastic na pinag-kainan. Tinulungan naman ako ni Tin ng makita niya ako sa aking ginagawa.
Dala-dala ang mga boxes ng pizza, nasalubong namin ang mom ni Brian.
"Tita, nasaan po ang basurahan ninyo?" magalang na tanong ko
"Ella, Tin..hayaan na ninyo yan ..ililigpit yan ni Aling Maring.." inform nito sa amin.
"Ok lang po tita, konti lang po ito.." insist ko
"Ok..if you insist..sa bandang kusina, turn left, makikita ninyo yung basurahan doon.." inform nito.
Sakto naman tinawag ni Jeff si Tin..
"Give those to me, ako na lang ang magtatapon.."inform ko kay Tin.
"Sure ka?"
"Opo, napaka-gaan lang naman niyan..daluhan mo na ang newly found love of your life at hinihintay ka.." taboy ko sa kanya.
Agad ko din naman nakita ang basurahan ngunit hindi kasya ang mga boxes kaya isa-isa ko itong itinupi at isiniksik sa basurahan. Hindi ko napansin ang naka usling bakal na nagsisilbing metal frame ng basurahan.
"Ok na yan.." boses sa aking likuran na ikinagulat ko.
Dahil doon ay sumabit ang daliri ko sa naka-usling bakal at eventually nasugatan ako.
Paglingon ko ay agad akong dinaluhan ni Brian ng makita ang daliri kong dumudugo..
"May sugat ka, kasalanan ko yata at nagulat kita.." saad nito na may pag-aalala
"Ok lang ito, maliit lang..malayo sa bituka.." pagbibiro ko
Ngunit kinuha niya ang kamay ko at inakay niya ako sa gripo..Binuksan niya iyon at itinapat ang may sugat kong daliri. Matapos non ay iniakay niya ako pabalik sa loob ng entertainment room at naging sunod-sunuran lang ako.
"Dito ka lang ha, kukunin ko lang yung first-aide kit.."
"Hindi na kailangan, sa boarding house ko na lang ito gagamutin.." pagpupumilit ko
"Andito ka na din naman, gamutin na natin..sandali lang iyon.." sabi nito at mabilis na umalis
Wala na din si Tin sa loob ng bahay at ako na lang pala ang naiwan.
Maya-maya ay dumating na din si Brian bitbit ang maliit na box. Naglagay siya ng betadine sa bulak at ipinahid iyon sa sugat ko at nagulat pa ako ng hipan niya iyon.
Tahimik kami pareho at biglang sumilip ang kanyang mommy.
"Ella, nagka-sugat ka daw" tanong nito na nag-aalala
"Maliit lang naman po ito.." katwiran ko
"Kahit na..Brian lagyan mo maiigi ng betadine tapos lagyan mo gauze after non.." instructions nito
"Ok mom, ako ng bahala.." maikling sagot ni Brian.
"Sige, maiwan ko na kayo diyan.." paalam nito
Dahil pareho kaming tahimik at sa fact na dadalawa kami at hawak ni Brian ang kamay ko..bigla akong na-conscious.
"Nasaan nga pala sila Tin?"naapuhap kong itanong
"Andiyan sila sa tapat, sa gate ng boardinghouse nila.." maikling sabi ni Brian.
Matapos asikasuhin ang sugat ko nagpaalam na ako
"Ahm,ok na ito..uuwi na din ako..thank you dito ha.."
"Nakita kita kahapon sa library..parang hindi ko kilala yung kasama mo" biglang tanong niya sa akin
"Ah, si Kian? Kahapon lang din kami nagkakilala.." maikling inform ko.
"Akala ko, matagal mo na siyang kilala para kasing ang close-close ninyo sa isa't-isa tsaka inihatid ka pa"
"Mabait naman kasi siya kaya madali ding makagaanan ng loob" explain ko
"Teka, bakit ba panay ang explain ko?daig ko pa ang nasa interrogation room nito ah.." naisip kong bigla.
"So pano, mauna na ako.." namamadali na sabi ko sabay dampot ko sa bag ko.
"Hindi na ako makapagpaalam kay tita..pakisabi na din thank you.." sabi ko sabay lakad patungo sa pinto palabas.
"Ella!"tawag naman sa akin bigla ni Brian
Huminto ako at pumihit lumingon sa kanya..
"Ha?" tanong ko
"Ahm, sorry uli nasugatan ka..at tsaka..advise ko lang din..wag ka masyadong mabilis magtitiwala lalo na sa mga lalake.."
"Ha..? Di ko napigilang kumunot ang noo ko.." Ok..yun na lang ang tangi kong nasabi.
Nakasunod din siya sa likuran ko at pagbukas ko ng gate, nabungaran ko sina Tin at Jeff.
"Ella, ang tagal mo lumabas? Napano yang daliri mo? tanong ni Tin ng mapansin ang munting gasa na nakabalot sa daliri ko.
"Wala ito, nakawit lang sa basurahan.."
"Mauna na ako sa inyo..sabay tango ko kay Jeff at baling din kay Brian.
"Ella, sabay na ako.." habol ni Brian na tila ako naguluhan..
"May bibilhin lang ako diyan sa tindahan malapit sa boarding house ninyo.." explain nito.
Confused man sumagot na lang ako ng "ok"
Paglingon ko kay Tin, basang-basa ko ang mga message sa mga ngiti nito sa akin.Hindi ko na lang siya pinansin at tinalikuran ko siya agad.
Ilang bahay lang ang pagitan ng bhouse namin sa bahay nila Brian pero tila huminto ang segundo sa paglalakad namin ng sabay.
"Ahm, yung sinabi ko kanina..what I mean is huwag kang masyadong friendly sa hindi mo pa gaano kakilala.." tila nauutal na sabi nito
"So, dapat pala hindi ako masyadong friendly din sayo..sabagay, never naman yata tayo naging friendly sa isa't-isa not until now?" bawi ko
"Ahm, yun nga eh..may galit ka ba sa akin?" lakas loob na tanong nito na saktong paghinto ng aming paglalakad dahil nasa tapat na kami ng aking bhouse.
"Look whose talking.." natatawa kong bwelta
"Ako nga dapat ang magtatanong niyan, sa pagkakatanda ko, first day of classes feeling ko, inis ka na sa akin..?" pagkokompirma ko
"Ha?pano mo naman nasabi yun?" tila nabigla pa sa sinasabi ko
"Maang-maangan pa tong mokong na 'to" bulong ko
"Ha, ano sabi mo?"tanong niya
"Seriously?hindi ka aware sa mga pang-i snob mo sa akin?" Ungkat ko
"Ikaw nga ang panay ang irap sa akin eh.." reklamo niya.
Natawa naman ako..
"Ok, since nasa topic na tayo and mukhang may misunderstanding tayo from the beginning..atleast today nagkaroon tayo ng chance na linawin yun.."
"So, meaning..hindi mo na ako tatarayan?"
"Hoy! Ikaw kaya itong suplado.." bwelta ko muli..
At nagkatawanan na din kami..
"I'm Brian Domingo.." pakilala niya sabay abot ng kanyang kamay
Natawa na naman ako at hindi ko inaabot ang kamay ko.
"Sige na, start tayo ng maganda..sakyan mo na lang.." biro niya
Wala na akong choice kundi iabot ang kamay ko at umiiling habang ipinakikilala ko kunwari ang aking sarili...
"I'm Marinella Esteban..you can just call me Ella.."
"So pano,mauna na ako.." pahayag ko at dahan-dahan kong hinila ang kamay ko sa pagkaka hawak niya.
"Ok, sige..alis na din ako.." paalam niya
Pabalik na siya sa kanila ng tinawag ko siya..
"Brian!"
"May sasabihin ka?" tanong nito sa akin
"Hindi ba may bibilhin ka kamo sa tindahan?"tanong ko
"Ay oo nga pala,muntik ko ng makalimutan..buti pinaalala mo.." sabi nito sabay kamot sa batok