No Place Like Home

2060 Words
Araw ng Friday.. Tila naging light lang ang klase sa araw na ito..release lang ng results ng exams and konting introductions sa mga susunod na lessons. Na-miss ko ang pag-uwi sa aming bahay. Pagkagaling ng school ay mabilis akong naggayak ng mga gamit ko na iuuwi..Mostly ay mga labahin, na naipon dahil hindi ko na maharap sa sobrang busy sa pagrereview. Kung dati-rati ay sabay kami ni Tin na pupunta ng terminal, today ay may date pa sila ni Jeff. Niyayaya naman nila ako sumama, pero alam ko naman na mas gusto nilang masolo ang isa't-isa. Habang naglalakad ako dala ang backpack ko patungo sa sakayan ng tricycle which is nasa harapan lang ng university..naabutan ko si Jeff na naghihintay sa gate ng boardinghouse nila Tin. "Matagal ba gumayak ang date mo?" biro ko sa kanya. "Nag-aayos na din kasi siya ng mga iuuwi na gamit..more or less ganyan kadami sa mga dala mo..?"sabi ni Jeff sabay turo sa siksik kong backpack. "Sige, mauna na ako..enjoy sa date niyo" paalam ko "Ingat" tanging nasabi ni Jeff. Pahakbang na ako para lumakad, biglang bumukas ang gate nila Brian. Hindi na ako lumingon at nagpatuloy sa aking paglakad. Narinig ko na binati siya ni Jeff at namalayan ko na lang na tumatakbo siya na humabol sa akin. "Ella!"sigaw nito. Bumuntong-hininga na naman ako at pumikit bago lumingon "Ano naman kaya ang kailangan ng lalakeng ito? Masyado naman yata nagiging friendly.." bulong ko "Sabay na tayo maglakad hanggang sakayan.." "Ok!" Cool na sabi ko. "Mukhang mabigat yang dala mo ah..ako na magdala.." offer nito "No,thanks! Kayang-kaya ko na ito,tsaka ayan oh lapit lang ng lalakarin.." sabi ko Tahimik na kami pareho pero nakikita ko sa gilid ng aking mga mata ang madalas na pagsulyap niya sa akin. Hanggang sa nakarating na kami ng sakayan.. "Ahm, pano mauna na ako.." paalam ko din sa kanya. "Ingat ka.." sambit nito Bago makaalis ang tricycle na sinasakyan ko ay nakita ko si Sheena na galing sa loob ng school na medyo patakbong sinalubong si Brian. "May date din siguro sila.." nasambit ko na medyo napalakas pala na umabot sa tenga ng driver. "Ineng, bakit uuwi ka na ba? Wala ka bang date gaya ng karamihan ng sakay ko..?"usisa nito sa akin. "Wala po eh, tsaka andito po ako para mag-aral,hindi para makipag-date.." biro ko "Akala ko nga ay ka-date mo yung lalakeng kasabay mo..yun pala ay may ibang naghihintay sa kanya.." comment pa ni manong driver "Si manong ma-issue din eh.." mahina kong biro "Ano ineng sabi mo?" tanong nito "Sabi ko po, malabo mangyari na maging ka-date ko iyong lalake na iyon dahil taken na po yun.." explain ko. "Ay, ganon nga..kaganda nga ng girlfriend niya..pero bagay din naman kayo kung sakali.." hirit pa ni manong "Showbiz ka talaga manong.." biro ko "Ay totoo nga, hanggat hindi pa naman sila kasal ay may pag-asa pa.." Natawa naman ako sa tinuran ni manong driver "Ang layo na manong ng narating ng iniisip niyo ah..nakasabay ko lang naman siya sa paglalakad.." pagdadahilan ko "Mukha kasi kayo mag-nobyo kung makatingin siya sa iyo.." katwiran pa nito "Hay manong guni-guni niyo lang iyon.." pilit ko "Ay sa tanda ko ng ito alam ko ang mga ganong galawan naming mga lalake.." proud na kwento nito. Naisip ko,bakit ba lahat sila pinipilit na may something kami ni Brian? May girlfriend nga yung tao eh.. Fresh na fresh ang kanilang relasyon at nasa sweetest stage pa. Namalayan ko na lamang na huminto na ang sinasakyan kong tricycle sa gitna ng aking pagmu-muni muni. Inaabot ko ang aking bayad at masayang nagpaalam kay manong driver. "Thank you po manong, ingat po sa biyahe.." masaya kong sabi "Mag-iingat ka din ineng..." "Ella po ang pangalan ko.." inform ko sa kanya. "Ah, Ella..tawagin mo na lang akong Mang Karding. Sigurado ako na madadalas ang pagku-krus nag ating landas dahil sa eskwelahan niyo ang aking toda.." Kumaway pa ako bago tuluyang maglakad patungo sa paradahan ng bus pauwi sa aming bayan. Pagpanik sa bus, sinalubong ako ng nagtitinda ng mani na si Aling Rita..naging suki na niya ako, bibili ako sa tinda niya, in-return pagse-save niya ako ng upuan na hindi nasisikatan ng araw sa buong biyahe.. Swabeng diskarte at modus ni aling Rita sa pagtitinda. Hindi naman harmful huwag lang may ma-encounter siya na pasaherong hindi maintindihan ang diskarte niya kagaya na lamang ngayon. "Hindi ako naupo diyan dahil okupado mo na..akala ko pasahero ka din. Yun pala sa bibili lang ng tinda mo naka-save yang upuan na yan.. Aba! Hindi yata tama yan.." reklamo ng babae na nakaupo sa kabila kung saan mamaya sa biyahe ay matindi ang sikat ng araw. Hustong sasagot sana si aling Rita ngunit pinigilan ko siya. Tumayo ako at nagsalita "Kayo na lang po ang maupo dito, nilalamig po kasi ako kaya gusto ko mamaya sa biyahe ay sa gawi ako ng may araw.." "Sigurado ka ba diyan ineng?baka naman gusto mo lang pagtakpan yung ginagawa ng tindera na iyan..hindi kasi tama.." dagdag reklamo pa din nito. "Ino-offer na nga yung upuan sayo, dami mo pa reklamo.." gusto kong sabihin ngunit dahil alam kong nakakatanda siya ay naging mahinahon ako at instead sinabi ko.. "Ok lang po, maupo na po kayo dito baka po may mauna pa.." Mabuti na lamang ay nag work ang convincing power ko. Paglingon ko kay aling Rita, nabasa ko sa pabulong na bigkas niya na "thank you". Agad napuno ang bus at lumakad na ito. Tila gusto kong magsisi na nakipag-palit ako ng upuan..Napaka-init talaga sa pwesto ko. Gusto kong ibaba ang bintana at kurtina ngunit gusto ko din ang hangin na humahampas sa mukha ko. Hindi kasi aircon ang mga mini bus patungo sa amin. Since mahangin naman, tiniis ko na lang ang hapdi ng araw. Inabala ko ang aking sarili sa mga tanawin na nadadaanan..may mga malalaki at nag-gagandahang bahay, may part na maluwang na bukirin at munting burol. Dahil paroot-parito ako ay kabisado ko na din ang mga lugar na dinadaanan namin. Mayroon na nga akong minarkahan na isang bahay na "dream house" ko. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa aming bayan. Nakita ko ang aking tatay na naghihintay sa kabilang kalsada. Masaya akong tumawid at nagmano sa kanya. Tila naman super na-miss niya ako at niyakap pa niya ako. "Parang bigla kang pumayat ah.." puna niya "Hindi ba mas tamang sabihin tay na sumeksi ako?" biro ko "Ikaw talaga, kumusta ang exams mo?" Baka naman pinababayaan mo masyado ang sarili mo, nagpupuyat ka masyado.." umpisa na ng kanyang sermon. "Tara na tay, nagutom po ako sa biyahe.." pilit kong twist ng topic "Ay ganon ba, halika na at tamang-tama madaming inihanda ang nanay mo na mga paborito mong pagkain.." masayang kwento nito sa akin Excited ako lalo pa at na-miss ko talaga ang luto ng aking nanay. Wala pang 15 minutes ay nasa aming bahay na kami. Tuloy-tuloy ako sa kusina matapos magtanggal ng aking sapatos at ihagis ang aking bag sa sofa. Naabutan ko ang aming mesa na sagana sa mga paborito kong kainin. Mayroong lechon kawali, tortang talong, pritong boneless na bangus at hinog na mangga. Siyempre hindi ko nakalimutan magmano muna sa aking nanay. Na sobrang na-miss din daw ako kaya niyakap at hinalikan pa ako. Sabi ko nga, unica-hija ako pero it doesn't mean na spoiled brat ako. Sa pagkain siguro tamang sabihin fully pampered ako kaya ang katawan ko although hindi naman mataba, hindi din kasing sexy kagaya ng kay Sheena.. "Sa dami talaga ng sexy kay Sheena ka nagcompare?" sita ng isip ko "Bakit nga ba? " muli kong tanong "Dahil ba kay Brian?" sagot ko subconsciously Mabilis akong umiling sa takbo ng iniisip ko. "Shake it off Ella..ikaw din, alam mo na nga na taken yung tao hinahayaan mo na may umusbong na damdamin para sa kanya.." warning ko sa aking sarili "Hindi mo ba nagustuhan ang mga inihanda ko?" tanong ng aking nanay na nagbalik sa aking kaisipan. "Pwede bang hindi ko po ito magustuhan eh, lahat ito paborito ko.." katwiran ko "Bakit mukhang ang lalim ng iniisip mo at hindi ka kumakain?"pag-aalala ng aking nanay "Siguro inlove na ang dalaga natin.." biro ng aking tatay "Hindi po ah, may naalala lang ako.." palusot ko Pansamantala kong isinantabi ang "confused feelings issue" at magana akong kumain. Ayokong mag-isip ng isang bagay na hindi naman big deal.. "In denial stage" muling sita ng kabilang isip ko at mariin kong pinabulaanan iyon.. Matapos ang masarap na kainan naming pamilya, pumanik ako sa aking kwarto ..naligo at nagbihis na ng pantulog. Nahiga ako sa aking bed na tila na-miss ko sa aking hindi pag-uwi ng nakaraang weekends. Kinuha ko ang aking cellphone at nag-start mag scroll sa aking sss account. Napa-upo ako ng makita ko si Brian na may friend request sa akin. Wala naman dahilan upang hindi ko iyon i-accept..sila nga ni Tin ay friends na. Nag-stalk ako sa account niya at recently mostly tagged post ni Sheena ang nasa wall niya. Mga pictures nila na sweet sa school, sa restau at may nakita ako na isang picture from movie s***h hangout namin sa bahay nila Brian. Samantalang ang wall ko mostly shared post lang..Hindi kasi ako mahilig magpost ng about sa personal life ko. "Ang sabihin mo wala ka naman kasi jowa na ipe-flex sa fb.." muling bulong ng isip ko. Napa-buntong hininga ako..Sabi ko studies ko ang priority ko pero bakit nakakaramdam ako ng lungkot or pag-iisa lalo na si Tin ay meron ng Jeff.. Nasa kalagitnaan ako ng pagse-senti ng tumunog ang Messenger alert tone ko. Pagkakita ko nito ay meron akong message from Brian. Binasa ko agad iyon "Hi! Kumusta ang biyahe mo pauwi sa inyo?" "Hello" "Ok naman, nakarating naman ako dito sa amin..safe and sound" reply ko Nakikita ko na tumatalon talon ang ilang dots meaning nagta-type muli ito at naghintay naman ako ngunit wala ng dumating pang message mula sa kanya hanggang sa nakatulog na lang ako. Kinabukasan Sabado... Maaga pa din akong nagising, dahil nasanay na ang body clock ko. Ngunit hindi pa din papatalo ang aking nanay sa paggising ng maaga. Ang mga iniuwi kong labahin ay mga nakasampay na at may nakahanda na ding breakfast sa mesa.Ibang klase talaga ang aking nanay, ang aming wonderwoman ni tatay at aking wondermom. Nakakatakam man ang amoy ng mga pagkain na nasa aming mesa ay pinili ko muna mag-exercise. Simula nag-umpisa ang klase ay hindi ko na magawa kahit simpleng stretching at crunches. Nagpalit ako ng aking work-out clothes, itinali ko ang aking buhok at nagsimulang mag stretching bilang warm-up. Binuno ko ang isang oras ng aking umaga para sa aking body fitness---stretching, crunches, at pag i-skipping rope. "Mukhang seryoso ang aking dalaga sa pagpapaganda ng katawan ah.." bati ng aking tatay na may hawak na kape. "Tay, hindi naman bago sa inyo na nagwo-work out ako ah..Simula po kasi nagsimula ang klase hindi ko na maisingit 'to lalo na po pang-umaga ang schedule ko sa school" explain ko. "Baka nga totoo ang kutob ko na napapabayaan mo na ang sarili mo?" "Dapat isinisingit mo iyang pag-eehersisyo mo sa schedule mo.." Gusto kong i-consider ang suggestion sa akin ng aking tatay, sana nga lang ay mahanapan ko ng time at schedule sa pagiging busy ko bilang kolehiyala. "Every Saturday and Sunday na lang po siguro 'tay ko ito maisisingit dito sa bahay.." "Hindi ka pa ba tapos diyan?" tanong din ng aking nanay "Tapos na po nay,pero maliligo na po muna ako..mamaya na din po ako kakain.."abiso ko sa kanila. Masarap sa pakiramdam na nakapag body work-out and then mag-shower after..tila magandang way para simulan ang umaga. Kaya kinabukasan ng Sunday ay muli akong nag-work out pagkagising ko. "Luluwas ka na ba mamayang hapon anak?huwag ka masyado magpapagabi sa daan.." tanong ng aking nanay. Dahil nga medyo malayo ang aming bayan at 7am ang start ng klase ko, nakasanayan na namin na aalis ako ng Sunday ng hapon. Ngunit tila inatake ako ng katamaran at gusto ko pang pahabain ang komportable kong buhay sa aming bahay. Sigurado naman ako na magkasama na naman sina Tin at Jeff kaya hindi din ako makakatambay sa bhouse nila . Magkaroon man ng chance makasama ko si Tin, mentally absent naman ito dahil sa cellphone ito nakatutok. Kaya napagpasiyahan ko na lumuwas na lang kinabukasan Lunes ng madaling araw.. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD