Complicated

2455 Words
First trip ng schedule ng bus pabalik ng city ang nasakyan ko, madaling araw ng Lunes. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, nasira ang bus na sinasakyan ko...Dahil Monday at punuan ang halos lahat ng dumadaan na sasakyan, nahirapan ako sa pag transfer. Sigurado na hindi na ako makakahabol sa first period namin, wala na akong magawa kundi humabol na lang sa susunod na subject. Matiyaga akong naghintay ng bus at nagkataon na may dumaan na maluwag at wala masyadong pasahero. Narinig ko ang aking cellphone na nagri-ring ngunit hindi ko na nasagot agad. Maya-maya pa ay narinig ko na may na received akong message. Malamang galing kay Tin iyon. Pagdating ng bhouse, mabilis akong nag-ayos ng sarili at naglakad patungo sa school. Nag-stay ako sa corridor dahil ongoing pa ang first subject pero mga 5 minutes remaining na lang ay matatapos na din. Tumunog ang bell at ng makita ko na lumabas ang aming prof mula sa aming classroom ay nagtago ako sa gilid upang hindi niya mapansin. Maya-maya pa ay pumasok na ako ng room at hinanap ko si Tin. Asusual ay kausap nito si Jeff kaya hindi niya napansin ang pagdating ko.. Nilampasan ko naman si Brian na tila nagmamasid sa mga kilos ko..na tila nagtatanong na "bakit ngayon ka lang?" or yun ang gusto ko isipin na sinasabi nito.. Pagka-upo ko sa tabi ni Tin ay tila nagulat pa ito. "Ella! Anong nangyari sayo bakit absent ka kanina?tsaka bakit hindi mo sinasagot ang tawag at text ko?" "Nasiraan yung bus na sinakyan ko.." maikling explanation ko "Bakit kasi hindi ka lumuwas kahapon?" "Tinamad ako eh..so anong ganap kanina?meron bang homework or quiz or anything important?" usisa ko "Wala naman kahit ano, konting discussion lang and then reminder sa mga kukuha ng remedial exams.." "Mabuti na lang.." relieved na saad ko. Lumipas ang buong schedule for the day at gaya ng dati nag-lunch muna kami nila Tin with Jeff sa cafe. "Pupunta ako ng library after this lunch, sasama ka ba or do you have any plans?" tanong ko kay Tin. "Ofcourse! Baka kasi magtampo ka na sa akin eh.." biro ni Tin "Sus, ako pa ba naman? understanding naman ako lalo na alang-alang sa kaligayahan ng aking nini.." "Sweet naman ng aking nini.." lambing ni Tin sa akin. "Ew! Ayan si Jeff ang lambingin mo oh.."kunwaring pang-aasar ko. "Punong-puno na at umaapaw ang sweetness niya sa akin.." saad naman ni Jeff. "Ew, ang cringy naman ng mga tao sa paligid ko..kinikilabutan ako.." sabi ko sabay kunwaring nasusuka Sabay naman natawa sina Tin at Jeff. Nasa kalagitnaan kami ng pag-aasaran me vs Tin and Jeff ng may tumawag sa aking likuran Paglingon ko ay si Kian na may bitbit na pagkain sa tray. "Kian!" masayang bati ko "Hi, ok lang ba maki-join kahit mukhang matatapos na kayo?wala kasing vacant table eh.." "Sure" sabi ko sabay offer ng upuan na nasa tabi ko. "Ehem!" obvious na parinig ni Tin kaya ipinakilala ko sila sa isa't-isa. "Hindi ako aware na may kakilala pala si Ella sa campus na guy bukod sa aming mga classmates.." comment ni Tin "Nagkakilala kami sa library last week?right?" baling ni Kian sa akin "Oo,yung mga panahon na nag-iisa ako dahil yung friend nini ko kuno busy sa pakikipag date.." bwelta ko naman. Mukhang na-gets naman ni Kian kung sino yung friend nini ko na tinutukoy kaya ngumiti lang siya. "Kahit naman busy yung friend nini mo,mukhang busy ka din.." hindi magpapatalong saad ni Tin na nakangiti ng pilya. Kaya pa-simple ko siyang kinurot sa ilalim ng mesa. "Aray!" exaggerated na reklamo ni Tin. Pareho na lamang umiiling na nakangiti sina Jeff at Kian. Habang patuloy ang aming pag-aasaran at pagtatawanan, tuso naman ang aking mga mata na napalingon sa table nila Brian at Sheena kung saan tila intimate ang pagbubulungan ng dalawa at manaka-nakang tawanan. At hindi ko namalayan na sinundan ako ng tingin ni Kian patungo sa direksiyon kung saan ako nakalingon. "He's the guy at the library..right?" nagulat pa ako ng sambitin iyon ni Kian So eventually lumingon na din sina Tin at Jeff sa tinutukoy ni Kian at hindi iyon pinalampas ni Tin upang mag-usisa. "What about him?" tanong ni Tin kay Kian na parang anticipated na niya ang isasagot nito dahil ang mga mata niya ay bumaling sa akin. "Ah..I thought he had a thing for Ella..I mean the way he stared at Ella.." sagot ni Kian "Which is not true!" napalakas na depensa ko "Kalma nini..wala naman kaming sinasabi.." remind ni Tin "Girlfriend niya yung kasama niya.." info naman ni Jeff. "Yeah, yun din ang sabi ni Ella sa akin eh.." "So, malinaw na..pwede tuldukan na natin yang fake news na yan..Ok?" naiirita kong komento. "Pero,napansin ko din dati yung mga sulyap sayo ni Brian.." humabol na katwiran ni Jeff. "Pwede naman kasi na kahit may girlfriend na siya baka crush ka din niya.." gatong pa ni Tin "So, kahit pala kayo na ni Jeff, pwede siyang sumulyap at magka crush sa ibang babae?Ganon ba Tin?" bwelta ko "Ah, ibang usapan na yon.." sagot naman ni Tin. "Ano na, ipagpapatuloy niyo pa din ba ang mga walang basehan na assumptions niyo or baka pwede po na burahin niyo na lahat yun sa isip niyo.." gigil na pakiusap ko "Highblood ka naman nini..yung puso mo..pwede kay Kian na lang?" pambu-bully sa akin ni Tin. "Sure!" mabilis na sabad naman ni Kian "Ay, ewan ko sa inyong lahat..pinag-kakaisahan niyo ako..konti na lang mapipikon na ako.." warning ko sa kanila. "Sorry na..pls?" lambing na naman sa akin ni Tin. "Mabuti pa,tapusin na natin itong lunch na ito at ng makapag-library na tayo.." bugnot ko. Sa pagkakataon na iyon si Kian naman ang binalingan ni Tin. "So, Kian..since hindi ka naman na-ikwento sa akin ni Tin, ikaw na lang ang interview-hin ko.." "Sure! Anything" Basta huwag lang about politics ha..?"biro ni Kian. "Your full name? Age? Course? In relationship?" sunod-sunod na tanong ni Tin "Whow! submit ka na lng ng resume mo Kian at ng masiyahan si Tin sa information mo.." singit ko "Pwede din.." pag sang-ayon ni Tin "Pero wala naman don kung may girlfriend or wala..yun ang pinaka importanteng impormasyon na gusto kong malaman.." habol ni Tin. "Ok! first, wala akong girlfriend 6months na.." pahayag ni Kian "Ow!? Medyo fresh pa.." sambit ni Tin na namimilog pa ang mga mata. "Eh willing ka na ba muling pumasok sa relationship?" makulit na busisi ni Tin "Depende, kung may darating ba eh.." simpleng sagot ni Kian. Tila alam ko na kung saan patungo ang mga tanong ni Tin kaya bago pa man maisagawa ang maitim na balak niya ay umeksena na ako. "Ay, naku tama na iyan..hindi na naka-kain mabuti si Kian sa dami ng mga tanong mo.." "Ok lang, busog na din ako..tsaka magpapaalam na din muna ako at may klase pa ako.." inform ni Kian Sabay-sabay na din kaming tumayo at nilisan ang school cafe..Si Kian ay dumiretso na sa Com-Acc ( Commerce-Accountancy) Building, at kaming tatlo naman ay sa library.. Habang naglalakad, siyempre magka-holding hands ang dalawa pero itong si Tin ay hindi pa din ako tinatantanan sa pagtatanong at pangungulit about kay Kian. "Alam mo nini, bagay din kayo ni Kian.." "Inobserbahan ko ang facial features niya, in-fairness kahit naka-eye glasses siya noticeable ang ganda ng mga mata niya..tsaka ang ganda ng mga ngipin niya. Mukhang gentleman at mabango.." "Napansin mo lahat yun?" singit ni Jeff "Hahahahaha" malakas na tawa ko "Oh Jeff alam mo na..si Tin daig pa ang galawang imbestigador.." biro ko "Ano ka ba, lahat naman yun para sayo.." katwiran ni Tin "At paanong para sa akin naman? Tigilan mo si Kian, nakakahiya yang ginagawa mo.. instead na maging palagay ang loob niya sa akin as friend kung ano-anong malisya yang itinatanim mo.." sermon ko. "Kaya nga, hayaan mo na siya sa diskarte niya para kay Ella.." sabad ni Jeff "Alam niyo,kayong dalawa bagay na bagay talaga.." sabi ko ng marinig ko ang opinion ni Jeff. "Bakit hindi mo ba siya type kung sakali?" curious na tanong ni Jeff. "Baka kasi iba ang type ni Ella..." sabad ni Tin. "Maloloka ako sa inyong mag-jowa.." reklamo ko. "Uy, iba ang type niya at mukhang kilala ko kung sino.." hindi matapos-tapos na pang aasar ni Tin "Sino?share mo sa akin.."curious na tanong naman ni Jeff. Bubulong na sana si Tin kay Jeff ng may tumawag sa aming likuran. Si Brian.. "Jeff, brod! mag library ka ba?" tanong nito Bago sumagot si Jeff ay sumingit si Tin. "Speaking.." "Ha?" tanong tuloy ni Brian. Mabuti na lamang ay nagsalita na din agad si Jeff "Oo brod, alam mo naman ang dalawang girls na kasama ko mga studious..Join ka ba? "Oo sana,mas maganda magbasa kapag may kasama.." saad ni Brian na wala na naman ginawa kundi sumulyap sa akin kaya etong si Tin ay panay ang kalabit sa akin. "Hindi mo kasama si Sheena?" tanong ni Jeff. "May practice sila para sa darating na Pageant ng department nila.." "Ow!Ms Beauty Pageant talaga" bulong na komento ni Tin "Ano na nga uli course niya brod?Nursing?" tanong ni Jeff Tumango naman si Brian bilang pag sang-ayon. Sama-sama kaming apat na nagpunta ng library. Sa aming table ay magkatabi ang mag bf na sina Tin at Jeff..ako at si Brian naman ang magkatabi.. Although strictly no talking sa loob ay walang ginawa ang dalawang mag jowa kundi magbulungan at maghagikgikan ng mahina. Kumuha ako ng papel at nagsulat. "Bawal po dito ang maglandian, madaming maiingit este magagalit.." at iniabot ko kay Tin. Pagkabasa ay hindi nito napigilan na matawa ng may pagpipigil. Nagsulat din ito at iniabot sa akin. "Don't mind us, yung katabi mo ang asikasuhin mo" Pagkabasa ko ay tinaasan ko siya ng kilay at nagsulat din ako. "Sa totoo lang nakaka-distract kayo ng mga seryosong nag-aaral..kaya pls be quiet. Nag-peace sign na lang si Tin at pare-pareho na kaming tahimik at seryoso sa pagbabasa. Feeling ko ay magkakaroon ako ng stiff neck at pinanindigan kong hindi lumingon sa gawi ni Brian. Sa kabila ng mga paglilinaw ng misunderstanding namin, tila hindi ko magawa na masyadong maging friendly sa kanya. Parang natatameme ako at ibang Ella ang nasa katawan ko. "Natatakot ka kasi baka mabasa niya yang damdamin mo towards sa kanya.." banta pa ng isip ko. Nagtakip ako ng libro upang makapag-hikab at hindi pa din lumilingon sa kanya. Maya-maya nagsulat si Tin sa papel at iniabot muli sa akin. "Tara na?" "Ok" reply ko "Inform mo katabi mo" sabi nito At ng walang mahabang usapan sinunod ko na lang si Tin. Ayokong bumulong kay Brian para sabihin na tapos na ang library period namin kaya nagsulat ako sa papel at iniabot sa kanya "Let's go?Nagyaya na sila Tin" Pagkabasa nito ay hindi ko akalain magsusulat pa ito dahil nagliligpit na din kami ng libro. "Ok?" simpleng reply lang naman niya. Dahil bawal naman mag-iwan ng kalat ay inipit ko na lang sa libro ang note na iyon. Naglalakad na kami palabas ng gate ng mapansin ko si Kian na papunta sa direction namin. "Hi Kian!" masayang bati ni Tin "Tapos na ang klase mo?" habol na tanong pa ni Tin "Oo, papunta sana ako ng library baka kako abutan ko pa kayo doon.." sabi ni Kian "Pauwi na ba kayo?" tanong nito. "Oo" maikling sagot ko "Kami ni Jeff, mauuna na umuwi kasama si Brian..ay Brian si Kian nga pala.."naalala na ipakilala ni Tin ang dalawa sa isa't-isa. "Saan ang lakad mo? Punta ka pa ba ng library?" naalala ko naman itanong "Hindi na siguro..yayain ko sana kayong kumain. Magsasalita pa lamang ako ngunit pinangunahan na ako ni Tin. "Naku mas maigi, kayo na lang ni Ella ang kumain may lakad din kami eh.." at hinila ni Tin sila Jeff at Brian. Si Brian naman ay tila against na lumakad ng mauna at tumingin pa ito sa akin na tila naghihintay ng isasagot ko pero wala na din ito nagawa ng hilahin siya ni Tin. "Ok lang ba yayain kita kumain tutal konting oras na lang dinner time na din ..dito lang sa malapit na fast-food." tila nahihiya na sabi nito Wala naman akong dahilan para tanggihan ang offer nito kaya para mawala na din ang medyo naging awkward moment ay nagbiro din ako. "Basta ba ililibre mo ako eh.." At sa pagkakataon na yun ay ngumiti ito at nasilayan ko nga ang sinasabi ni Tin na magagandang ngipin nito. "So, let's go?" Inilahad pa niya ang kanyang kamay at nakisakay naman ako sa ginawa niya. Iniabot ko din ang aking kamay at nagbow pa na tila prinsesa. Walking distance lang din ang mga hanay ng fastfood na nakapaligid sa aming university. Agad din naman kami nakapag-order at masayang kumain habang nagkukwentuhan. Nalaman ko ang konting background ng kanilang pamilya..Negosyante ang pareho niyang magulang at may nakababata siyang kapatid na babae na 8years ang gap sa kanya. Nalaman ko ang buong pangalan pala niya ay Markian Chavez. Ako din ay magkwento ng basic details about me and my family and my real name. Nagulat pa siya ng malaman niya na nag-iisang anak ako. Hindi daw kasi ako mukhang spoiled brat. Nasa kalagitnaan naman kami ng pagtatawanan at kwentuhan ng mapalingon si Kian sa aking likuran at nagsalita. "Hindi ba siya si Brian?" Lumingon ako at nakita ko nga si Brian na tila may hinahanap "Mukhang may ka-tagpo dito.." maikli kong pahayag Hindi na din kumibo si Kian at ipinagpatuloy namin ang aming pagkain. Napatanaw ako sa labas at nakita ko ang pagdaan ni Brian na mukhang seryoso na nakatingin din sa akin. Binawi ko naman bigla ang aking tingin at ibinaling ko iyon kay Kian. Paglingon ko muli sa labas ay wala na si Brian. Matapos kumain ay inihatid ako ni Kian sa boarding house at ilang sandali pa din kami nag-stay sa harap ng gate dahil hindi matapos-tapos ang aming kwentuhan. Pareho kasi kami mahilig sa mga boy-band ng '90s and early 2000's . Sa mga kaedad ko mostly mga k-pop ang mga idol nila. Napatingin ako sa relo ko at napansin ko din na medyo late na.. "Baka gabihin ka na sa pag-uwi mo..papasok na din ako sa loob..thank you sa dinner treat ah.." sabi ko na nakapag udlot ng usapang music namin. "Ok..mauna na ako..sana masundan pa ng madami ang paglabas natin.." saad nito.. "Bye.." sabi ko at kumaway pa ako. Masayang kasama si Kian at bukod sa gentleman na ay knowledgeable pa.. Ngunit wala akong makapa na t***k sa dibdib ko or paru-paro sa tiyan ko. Bigla ko tuloy naalala si Brian..sa saglit na nakasama ko ito tila nabibingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko.. Isa lang ibig sabihin yata non..I'm in big trouble!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD