Boardmates

1425 Words
Mukhang ginabi na talaga ako, dahil pagdating ko sa aming room ay kumpleto na ang aking mga ate s***h ka-boardmates. Patapos na silang kumain ng dinner at tila may magandang pinagku-kwentuhan.. "Ay dumating na ang galing sa date.." saad ni ate Tess ng makita ako mula sa pintuan. "Halika ka nga dito dali magkwento ka..anong nangyari sa first date mo?" excited na usisa naman ni ate Beck "Kelan mo naman plano siya ipakilala sa amin..?" kinikilig na tanong naman ni ate Chi. "Sino may sabi na galing ako sa date?" sagot ko sa mga tanong nila. "Nadaanan namin kanina sa harapan ng gate nila si Tin, tapos inform niya kami na baka daw gabihin ka dahil nga daw may dinner date ka.." si ate Tess "Talaga naman si Tin and her big mouth.." bulong ko "Dali na, saan ba kayo kumain?" si ate Chi "Nag-kiss na ba kayo"? tanong ni ate Beck na nakapagpa-asim ng mukha ko. "Ano ba naman yang reaction na yan..parang hindi galing sa date.." si ate Beck uli "Kasi naman, sino ba kasi nagsabi na date yon?" reklamo ko "Si Tin!" sabay-sabay silang tatlo sa pagsagot "Nagpapaniwala kasi kayo masyado kay Tin eh.." "eh ano ngang tawag don?" bweltang tanong muli ni ate Tess "Dinner treat from a friend.." katwiran ko "Friend?" malakas at sabay-sabay muli nilang reaksiyon. "Hello, ilang araw ko pa lang nakilala si Kian.." "So Kian pala ang name.." mga kinikilig na sambit nila "Lahat naman nagsisimula as friends.." "Tama..maliban na lang sa sitwasyon ni Beck.." pilyang pahayag ni ate Chi "Anong meron?" takang tanong ko "Hay, ikaw muna ang mag-kwento, sunod ako.." si ate Beck "Wala naman kasi akong iku-kwento..Kumain lang kami, nagkwentuhan..yun lang.." "Ay! ang boring naman maging story teller nito.." si ate Tess "Kasi naman, mali talaga ang iniisip ninyo..wala nga akong naramdaman na spark or kilig, di gaya nung magkasama kami ni Brian......" natakpan ko bigla ang aking bibig dahil dito "Aha, so may ibang gusto pala itong si bunso natin..at nagkataon naman na hindi iyon ang ka-date niya..at ano nga uli ang name?" si ate Beck "B..r..i...a...n.....!" sabay-sabay muli silang tatlo Patay na talaga, huli na para bawiin ko pa ang sinabi ko. "It's not what you think.." pilit kong palusot "Naku, naku! kami pa ang paiikutin mo ah..i-kwento mo na lang kung sino si Brian para kami ang mag-judge kung mali or tama ang hinala namin.." si ate Chi "Mag-promise muna kayo sa akin na NEVER as in NEVER ninyo mababanggit ito kay Tin..pls?" pagsusumamo ko.. Somehow gusto ko din ma-ishare kung ano nga ba itong nararamdaman ko towards Brian. Gusto ko din makarinig ng advice or comment na pwedeng hindi bias. Kaya sinimulan ko ang aking kwento .. "Si Brian, classmate namin ni Tin..first day of class pa lang napansin ko na parang aloof siya sa akin or parang nagsu-suplado siya sa akin. Like siya lang yung hindi nagre-react kapag ako na ang involve.. "paanong hindi nagre-react? tulad ng?"putol ni ate Beck "Halimbawa na lang noong Acquaintance Party, halos lahat na-appreciate yung pagsasayaw ko, samantalang siya,akala mo ba may ginawa akong krimen..yung parang disgusted siya? Basta ganon siya sa akin..pero ang nakakapagtaka naman lagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin.." "Meaning lagi ka din siguro tumitingin sa kanya kaya nahuli mo.." Oyyyyyyyy!!!! malakas na comment ni ate Chi at nakigulo na din sina ate Beck at ate Tess kaya ang ingay na namin dahil nagdadahilan ako pero di sila tumitigil sa kaka..OYYYYYY! nila with matching kiliti pa. Kaya naman nagulat kami lahat ng may nagsalita sa intercom. "Room 4! gabi na, hinaan na ang mga boses..may mga natutulog na..!" si Lola na aming landlady "Sorry po lola, hindi na po mauulit.." si ate Beck agad ang humingi ng paumanhin. Kaya naman medyo pabulong na kami mag-usap which is parang lalong nagpu-push sa amin para maghagik-gikan.. "Ssssssh...baka marinig uli tayo ni lola,lagot tayo"remind ni ate Beck na hindi din naman mapigilan ang pagtawa. ''So ituloy mo na ang kwento mo.." excited na sabi ni ate Tess 'Yun nga, madalas kami magkahulihan ng tingin..even sila Tin napapansin yun..kaya panay din ang pang-aasar niya sa akin..Hindi ko alam ang dahilan niya, pero hindi ko masasabi na gusto niya ako kaya siya tumitingin kasi meron na siyang girlfriend na hindi na lang basta maganda..as in pang beauty pageant ang ganda!" kwento ko "Bakit maganda ka din naman ah.." singit ni ate Tess "ate Tess alam ko magpinsan tayo kaya sinasabi mo yan.."sita ko at magre-react pa sana sila pero nag warning si ate Beck na makinig na lang muna sila sa kwento ko. "Ibang level yung ganda niya as in pati katawan..hot and sexy!" "So, sige..to cut the story short or sabihin na lang natin na wala ngang gusto sayo si Brian dahil taken na siya..eh ikaw? anong feelings mo?ano yung sinasabi mo kanina?" si ate Chi "Na-compare ko lang naman kasi yung time na magkasama kami ni Brian vs Kian...Nagkasabay kasi kami minsan ni Brian sa 7/11 tapos biglang umulan nag-share kami sa payong niya pauwi.." "Teka, akala ako ba hindi ka niya pinapansin?paano nangyari yun?"takang tanong ni ate Beck "'Yun nga eh, that time kinausap niya ako and then nag-offer pa na sukob na lang kami sa payong niya..then noong pauwi na kami biglang may dumaan na sasakyan at mabilis niya akong hinila, napayakap siya sa bewang ko..."parang kinkilig pa na kwento ko.. "Ooooooyyyyyyyy!" kinikilig ding reaction nila "And yun nga, parang bigla na lang bumilis yung t***k ng dibdib ko tsaka parang hindi ako makahinga..hindi ko ma-explain...pero pag kami naman ni Kian ang magkasama walang ganon..komportable lang ako.." "ahhhhhh.." tanging nasabi nila "So?ano bang ibig sabihin non?" tanong ko "Pwedeng crush mo nga si Brian or infatuated ka lang kasi dati hindi naman kayo close or nag-uusap dati tapos biglang may ganon payakap pa sa beywang..." nanunuksong advice ni ate Beck. "Then yung kay Kian naman, baka malay mo ma-develop yung feelings lalo na komportable ka na sa kanya.." "Wala naman hint na ganon si Kian, si Tin lang naman kasi yung malisyosa." inform ko "Baka naman hindi dahil malisyosa si Tin kung hindi dahil baka kamo manhid ka lang.." biro ni ate Tess "Or hindi pasok sa banga mo si Kian.." dagdag pa ni ate Chi Nag-kibit balikat lang ako..at naalala ko kulitin naman si ate Beck sa kanyang kwento. "So tapos na ang kwento ko..your turn ate Beck.." "Ay, makinig ka mabuti Ella..magugulat ka sa kwento niyan ni Beck.." inform ni ate Tess Although mukhang may idea na sina ate Tess at ate Chi, masusing nakinig pa din sila. "Kami na ni Sir Galang!" confess ni ate Beck Ihhhhhh! sabay-sabay silang tatlo sa kilig. Hindi ko man kilala pa kung sino si Sir Galang ay natutuwa ako at nahawaan ng kilig sa kanila pero hindi ko natiis magtanong. "Sino ba si Sir Galang?" "Yung gwapong prof namin sa Comp. Sci" tiling pigil ni ate Chi "Wow!" talaga? okay lang yun?" bulalas ko "Okay lang basta secret.." si ate Tess "So, anong feeling na dine-date ang prof mo?" usisa ko.. "Kakakilig pero challenging..dahil kapag nalaman ni Dean or ng admin, patay siya.." inform ni ate Beck "Ano ng level ang narating niyo?Nakipag makeout ka na?" prangkang tanong ni ate Chi "Uy! Chi ang bibig mo..naririnig ni Ella bata pa yan.."remind ni te Tess "Sus! Dala-dalawa na nga ang lalaking umaaligid sa kanya, kaya mas maganda ma-educate na natin siya sa mga ganyan at ng hindi siya ma-take advantage ng mga lalake.." katwiran ni ate Chi "Balik tayo kay Beck..ano na?" si ate Chi uli. "Yun nga eh, bagay na bagay sa kanya ang apelyido niya.." reklamo ni ate Beck "Imagine, hinalikan niya ako sa noo lang?ni hindi man lang sa lips..ano ako lola niya?"bugnot ni ate Beck na ikinatawa naman naming lahat. "Kaloka ka Beck, atleast gentleman si Sir Galang.." si ate Tess "Malay mo, bumubwelo lang.." singit naman ni ate Chi "Hay ang mga luma-lovelife nga naman oh..Tayo Chi kelan ang time natin?Maunahan na tayo ni Ella.." sabi ni ate Tess "Hindi ko muna sila priority, mga buset sila mga pa-fall..tapos mang-iiwan!" gigil na komento ni ate Chi "Grabe! wag mo naman lahatin madami pa ding matino.." katwiran ni ate Beck. "Hay naku, matulog na nga tayo..mapupuyat si Ella, maaga pa naman ang klase niyan.." si ate Tess. Nag-shower na ako at naghanda sa pagtulog pero ang mga ate ko ay kanya-kanya namang harap sa kanilang mga libro. Isa sa masayang part kapag nagbo-board ay may makakasama na tulad nila at natututo din maging independent at marunong makisama sa iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD