Saved by the Bell

2115 Words
"Kumusta ang date kagabi?" bungad sa akin ni Tin "Oh! no..ang aga-aga.." reklamo ko "Pero bago ka magkwento, may importante akong sasabihin sayo.." bulong ni Tin at luminga-linga pa ito "Ano ba yun?tsismis ba yan at conscious ka na baka may makarinig?" sabi ko "I'm just making sure wala si Brian, baka kasi marinig niya.." inform ni Tin "Alam mo ba kahapon ng niyaya ka ni Kian, hindi ba hinila ko na si Brian para sumama sa amin? Sumama naman siya pero alam mo yun, worried siya sayo.." "Kesyo hindi mo pa daw lubusang kilala si Kian baka kung saan ka dalhin...yun ang sabi niya" "Sabi nga ni Jeff mukhang harmless naman si Kian at malapit lang naman ang pupuntahan ninyo pero nag-insist siya na sundan ka daw namin.." namimilog ang mga mata na kwento ni Tin. Hindi naman ako nakakibo sa kwento ni Tin. Hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko. Ayoko naman isipin na sinundan niya ako kagabi dahil sa mga kwento ni Tin. Hindi ko na din plano banggitin iyon pa kay Tin at baka malagyan lalo ng kulay. "Hindi ba siya sumunod sayo?"tanong ni Tin sa akin "Ha? ewan ko.."pagsisinungaling ko. "Gurl.. iisa ang naging assumptions namin ni Jeff kagabi..mukha nga may gusto sayo si Brian.." inform ni Tin. "No! imposible yang sinasabi mo..kapag concern, may gusto agad? hindi ba pwedeng nag-aalala siya as friend?" maikli kong depensa "Yung pag-aalala kasi niya parang may halong selos.." dagdag pa ni Tin "Yun ang nakikita mo kasi nga ikaw mahilig maglagay ng kulay sa kabaitan 'nong tao.." katwiran ko "Hay, basta..yun ang nakita ng mga mata namin ni Jeff.." pagtatanggol ni Tin "Mabuti nga at hindi natin nakasabay siya ngayon..atleast naikwento ko sayo before mo makatagpo mamaya sa classroom.." "Sige, maiba ako..kumusta naman ang dinner date ninyo ni Kian..?" muli nitong pangungulit "Dinner treat iyon, hindi date..mukhang magiging good friend ko si Kian kaya pwede ba tigilan mo yang panunukso mo sa amin ni Kian. Baka magkaroon lang ng awkwardness yung friendship namin kaka-ganyan mo.." "Uy! ang nini ko,hindi ko kinaya..dalawang lalake agad ang na-hook!" walang pakialam pa din na comment ni Tin. "Hindi ka talaga nakikinig sa akin.."reklamo ko. Gaya ng dati, nakita namin si Brian sa waiting area ng gate at kasama si Sheena. Nakayapos si Sheena at humalik sa lips ni Brian na nagtagal yata ng ilang segundo. "Nakita mo yun? yan ba ang sinasabi mong may gusto sa akin..may kapalitan ng laway kaaga-aga.." bulong ko kay Tin Natawa si Tin sa tinuran ko pero nangatwiran ito. "Eh nakita mo ba ang reaction ni Brian? nakalingon siya sayo habang tinutuka ni Ms. Beauty Pageant..tila napipilitan lang baka ayaw mapahiya yung girl.." "Hay naku, gumawa ka na naman ng kwento..Mag-shift ka na kaya ng course? Hindi pa late para kumuha ng Journalism or MassCom kaya.. mukhang mas linya mo yun" naiinis na sabi ko kay Tin. "Ang init naman ng ulo ng nini ko ang aga-aga..or nagseselos ka noh?" "Oh Lord, pagkalooban Niyo po ako ng madami at mahabang pasensiya sa babaeng ito na nini. ko kuno pero walang ginawa kundi asarin ako.." usal ko na ikinatawa ni Tin at sinakyan din niya. "God, nawa po ay maging honest na ang aking nini at hindi laging in-denial sa kanyang feelings.." parinig ni Tin sa akin. ******* Dumating kami sa classroom na tila fiesta ang kaganapan. Maagang nag-inform ang aming first subject prof through checker na absent siya for today. May naiwan man na seatwork na nakasulat sa whiteboard, hindi iyon naging hadlang sa pag-iingay at kanya-kanyang kwentuhan ng aming block. Seryoso naman kami ni Tin na nagsusulat at nagsasagot ng seatwork ng lumapit sina Jeff at Brian sa tabi namin. Si Jeff siyempre ay automatic na tumabi kay Tin and no choice si Brian kundi tumabi sa akin. "Tapos na kayo?" bungad ni Tin kina Jeff. "Ongoing pa lang, dito na lang muna kami ni Brian, hindi kami makapag-concentrate sa likod ang iingay nila.." reklamo ni Jeff Habang sweet na nagtatanungan at nagtuturuan sina Tin at Jeff, kami naman ni Brian ay tila may sari-sariling mundo sa pagbubuklat ng libro at pagsusulat until nagtanong siya sa akin.. "Ella, anong page ang reference mo sa question number 3? Natapos ko na basahin yung covered lesson parang wala akong makitang sagot sa tanong na iyon.." tanong sa akin ni Brian. At dahil doon ay luminga ako sa kanya at binuklat ko ang aking libro.. "I-try mong basahin 'to, dito ko kasi kinuha yung sagot ko..check mo din kung tama nga" instruction ko sa kanya sabay patong ng libro sa armchair niya..at dahil doon ay nagdikit ang mga braso namin dahil sa pagkakalapit ko. Hindi din nakalampas sa ilong ko ang mabangong scent niya..yung amoy presko at malinis na masarap singhutin dahil hindi masangsang sa ilong or matapang ang kanyang pabango. Habang nagsasalita ako sa pagbibigay ng data sa tanong niya, napansin ko na nakatingin lang siya sa akin ..hindi sa libro na inilagay ko sa harapan niya. Dahil ayoko makaramdam ng pagkailang, hindi ko na lang iyon pinansin at kunwari'y di ko iyon alintana ngunit.. "Ehem...!" biglang singit ni Tin at dahil don ay luminga kami pareho ni Brian sa kanya. Ngumiting aso naman si Tin at kunwari'y nagtanong. "Tapos na kayo?Sabay- sabay na tayo mag-submit.." palusot nito "Hindi pa nga eh..kaya nagpapaturo na ako kay Ella.." sabat ni Brian. "Maganda yan, ganyan nga ka-close para mas magkaintindihan kayo.." pasaring ni Tin at dahil don ay pasimple akong dumistansiya kay Brian at bumalik sa aking pagsasagot..Hindi ko naiwasang mag-roll ng aking mga mata na siya namang ikina-ngisi lalo ni Tin. Kasalukuyan kong binabalikan basahin ang mga sagot ko, double-checking kumbaga ng tanungin ako muli ni Brian. "Ella, tapos ka na?" "Oo, double check ko lang mga sagot ko..ikaw?" "Ok na ako, sabihin mo kapag ok ka na din..ako na magsubmit.." inform ni Brian. "Eto na yung akin, wala na din naman akong maisip pa na idagdag isagot.." sabi ko sabay abot sa kanya ng aking papel. "Tin, yung sa inyo?"baling ko kina Tin na wala ng ginawa kundi magbulungan at hagikgikan. "Kunin ko yung sa inyong dalawa at ipasabay na natin sa iba ng hindi na kayo tumayo diyan.." saad ni Tin. Marami pang time para sa period na iyon kaya ibig sabihin ay mahaba pa ang petiks ng aming block lalo na at halos lahat ay tapos na sa isinagawang seatwork. Hindi ko alam kung paano ako magstart ng conversation casually kay Brian dahil wala naman akong maisip na topic aside sa facts na ang tahimik din niya. Gusto ko na lang sana magpaka-busy sa cellphone ko pero hindi ko naman magawa..feeling ko ang rude na katabi ko siya at hindi ko man lang siya kinakausap? Pero naisip ko din, bakit hindi kaya siya ang mag-initiate, bakit kailangan ako ba talaga? At kung kelan naman nagkalakas loob na ako makipag-usap, sabay pa kami nagsalita.. "Pupunta ka ba sa library mamaya?" tanong niya "First Choice mo ba ang course na accounting?" out of the blue question ko.. Dahil sabay kami, medyo gumaan ang sitwasyon at nabawasan ang awkward moment dahil pareho na kaming natawa pero siya na din muli ang nagsalita.. "What are you saying again?" tanong niya "Hindi naman ganon ka-importante..ikaw ano yung tanong mo?" tanong ko sa tanong niya "Ladies first.." hirit niya "Sus" bulalas ko with pairap ng simple pero nakangiti "Hindi nga, ikaw na..ano yung sinasabi mo?" kulit niya "Sige na nga..sabi ko lang naman kung first choice mo ba ang Accountancy na course?" "Ah..Actually, No.." maikli nitong sabi "Ha? eh ano ang first choice mo kung ganon?" pangungulit ko "Nakakahiya eh.." "Bakit naman? may course ba na nakakahiya?" dagdag ko "Ahm, sige na baka medyo personal matter kaya ayaw mong i-share..hindi na ako mangungulit.." "No, hindi naman..ok ahm gusto kasi actually maging professional singer sana.." nahihiyang confess niya. "Talaga?!" excited na reaction ko at medyo napalakas yata at napatingin sa amin sina Tin. "So, bakit kumuha ng BSA?" pabulong ko na kasunod na tanong "Gusto ko kasi muna i-accomplish yung pangarap para sa akin ng dad ko..tsaka na yung pangarap ko sa sarili ko..Ok lang ba na tayong dalawa lang muna ang nakakaalam nito?" may pakiusap sa tono niya. "No problem" sabay zip mouth gesture ko. Ngumiti naman lalo si Brian sa ginawa ko, at napansin ko na ang sweet pala ng kanyang smile..hindi ko alam bakit yung ang definition na nakita ko sa pagkakangiti niya dahil marahil bihira ko lang makita yun ng sarilinan? I mean yung smile na for me lang.. "Uh-oh" biglang preno ng isip ko.. "So, yung tanong ko kanina ..pupunta ka ba mamaya ng library?" tanong ni Brian na nagbalik sa aking katinuan ..tila kasi nakatitig na lang ako sa smile niya, wish ko lang hindi niya iyon nahalata. "Ah..oo naman..yun lang naman ang routine ko eh, after class..kakain then library, then if nagutom kakain na uli then uwi na ng bhouse then aral-aral pa din..ang boring noh?" pagbibiro ko. Ngumiti lang siya and hindi na nag-comment ---na hindi ko alam kung compliment ba or not "Parang medyo matagal na tayong magkakilala pero parang pansin ko ngayon ka lang naging ganito ka-cheerful sa pakikipag-usap sa akin..I mean sana pala from the start ganito na tayo.." "What do you mean?" tanging nasabi ko "Like, yung nakapag-kwento ka na ng routine mo for the whole day,unlike sa mga past conversation natin parang alam mo yun, question and answer lang.." explain niya "Ah..depende kasi sa kausap ko, kung alam ko naman na hindi interested na umupo at makipag-kwentuhan sa akin eh ayun nga.." biro ko "Ah, ganon? ikaw kaya itong parang ayaw ako kausap.." biro din niya "Here we go again.." sabay roll ko uli ng aking mata "tsaka yan oh, lagi akong suki ng irap mo.." reklamo pa niya. "Ikaw kaya itong moody..minsan friendly and approachable then the next day snob na.."sabi ko " lalo na kapag kasama yung kanyang Ms Beauty Pageant.."habol ko pero pabulong na lang pero narinig din niya "What?! Hindi ah.." deny niya "Sus" kahit itanong mo pa kina Tin..gusto mo itanong ko?" hamon ko sa kanya At narinig naman ni Tin ang kanyang pangalan at luminga siya sa amin mula sa kanilang simpleng harutan ni Jeff. "Yes? narinig ko ang maganda kong name.." pa-cute na tanong ni Tin "Sabi ko i-confirm namin sayo na suplado at moody 'tong si Brian, kaya hindi tayo masyado at-home siya kakwentuhan..Diba?" "Hmm..sa akin naman hindi siya ganon..Maybe dahil mabait talaga ako or maybe kasi wala naman siyang hidden desire sa akin.." nakakagulat na prangkang sagot ni Tin at dahil don ay minulagatan ko siya as sign of warning ngunit hindi siya tumigil at humirit pa talaga "Why? Sinabi ko ba na suplado siya minsan sayo Ella kasi may crush siya sayo?" Dahil sa saad ni Tin ay hindi ako makalingon kay Brian kaya hindi ko nakita ang reaction niya..at literal na saved by the bell ang awkward moment na iyon dahil tumunog na ang bell at mabilis na nagsitayo na ang ilan naming mga classmates. Gusto kong magpahuli na lamang sa paglabas ng classroom ngunit tila hindi din tumatayo pa si Brian kaya minabuti ko ng mabilis kumilos para sumabay sa mga nakararami na lumabas. Ngunit, mabilis din itong nakasunod sa akin kasama sina Tin.. "Ella! wait for us.." sigaw ni Tin "Babaeng ito talaga ang sarap hilahin ang buhok eh.." bulong ko sa isip ko Paglapit ni Tin sa akin ay binulungan ko siya "Ang laki ng kasalanan mo sa akin, at wala pa akong plano na patawarin ka.." Niyakap niya naman ako at naglambing.. "Nini naman eh, wala naman masama sa ginawa ko eh, ikaw lang naman kasi yung grabe maka-react.." katwiran ni Tin "Ah, so ako pa pala ang may kasalanan ganon? Harap-harapan mo naman ako ipahiya.." maktol ko Lalo pa yumakap sa akin si Tin at panay naman ang pagpupumiglas ko ng marinig namin si Jeff sa aming likuran.. "Ano yan ah? nagseselos na ako.." biro nito "Ayaw niya sa yakap mo Tin, ako na lang..Come to Papa" biro ni Jeff sabay open arms pa. Dahil doon ay hindi namin maiwasan ang matawa, pati si Brian ay umiiling pa. "Ew! ang cringy naman dito oh..kinikilabutan naman ako.." parinig ko "Tingnan ko Ella pag nagka-lovelife ka ha..kainin mo yang cringy cringy mo.." joke din ni Jeff "Ewan ko sa inyo..ako na lang lagi ang nakikita niyo.." dagdag maktol ko 'Kapag nagka-lovelife ako hinding hindi ko ipapaalam sa inyo.." kung bakit nasabi ko pa ang mga salitang iyon "Whoa! mukhang may pahiwatig na.." biro pa din ni Jeff At sa pagkakataon na iyon ay nawala ang ngiti ni Brian..ngunit hindi ko na pinag-isipan pa kung bakit at baka mag-assumed lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD