Matapos ang slack period ay naging kabaligtaran naman ang mga sumunod na subjects namin..Tila binawi ang lahat ng pagre-relax namin kaya naman pagdating ng lunch ay tila nagutom kami ng husto.
Kasama din namin si Brian na kumain at masaya na kaming nagku-kwentuhan dahil minabuti ko na din isantabi ang tila never-ending awkward moment namin dahil sa matabil na dila ni Tin.
Sa gitna ng masayang kwentuhan, out of the blue naman nagtanong si Jeff kay Brian.
"Brod, hindi mo yata kasama nag-luch si Sheena today.." usisa nito
"Medyo busy siya eh..ok lang ba na ampunin niyo muna ako sa lunch.." explain ni Brian
"Ofcourse naman brod, no problem..ikaw pa ba naman? diba Ella?" hirit na naman ni Jeff pero hindi ko gustong mapikon kaya sasakyan ko na lang ..
"Sure, no problem..ngayon lang ako na-inform na ako pala ang decision maker sa group na ito?" baling ko
Nagtawanan naman sila sa joke ko pero para sa akin eh sarcastic iyon pero nabili naman pala as joke so go na lang..
Maya-maya pa napansin ni Jeff sa aking likuran na papalapit sa amin si Kian..
"Ella..ang lovelife mo parating na.." saad niya
"Ha?!" confuse na respond ko
At sinundan namin ang pagnguso ni Jeff at pagbaling ko ay nakita ko si Kian na malayo pa lang ay ang ganda na ng smile.
"In-fairness bakit ngayon ko lang napansin na gwapo pala talaga itong si Kian!!.." di mapigilang bulalas ni Tin.
"Bumusina ka naman babe, remember nasa harap mo lang ang boyfriend mo.." biro ni Jeff
At dahil don ay hindi ko napigilang makipag- high five kay Jeff habang natatawa..
"Hi! mukhang nagkakatuwaan kayo ah.." bungad ni Kian
"Hello!" mabilis na bati ni Tin
Pero bumaling na din agad sa akin si Kian
"Upo ka.." offer ko
"Hindi na...dumaan lang ako dito para iabot sana sayo ito.." sabay lahad sa akin ng bitbit niya na something na naka-box na nakalagay sa plastic.
"Wow! may dalang gift" bulalas na naman ni Tin
"Naku nag-abala ka pa.." simpleng saad ko at nagpasalamat ako pagkaabot niya ng box
"Ahm, sakto yan pwede dessert or snacks..idinaan sa akin ng mom ko kagabi, mahilig kasi siya mag-bake kapag hindi busy.." inform ni Kian
"Buksan na namin ah, amoy masarap.." di makapaghintay na sabi ni Tin
Pagbukas namin ng box ay bumungad sa amin ang ibat-ibang klaseng flavors ng brownies..
"Para kay Ella lang ba ito? pahingi ako ah.." paalam ni Tin sabay dampot sa isang slice ng brownies
"Sure..madami yan, para sa inyong lahat.." sabi naman ni Kian
"So, pano? kailangan ko na muna umalis..iniabot ko lang talaga ito eh.." paalam ni Kian, at magsasalita sana ako ngunit na-interrupt ako sa ungol ni Tin.
"Hmmmmmm...grabe ang sarap! Mom mo talaga may gawa nito?Grabe..guys tikman niyo...dami ng flavors..mukhang may peanut itong natikman ko.." si Tin
"Hindi ba allergic ka sa peanut Ella?" sabad ni Brian na tahimik lang kanina kaya nagulat pa ako ng magsalita siya..
"May allergy ka sa peanut?" sabay na tanong naman nina Jeff at Kian.
"Ay..oo nga pala.." sabad naman ni Tin
"Di bale, may iba pa naman, meron din classic lang if hindi mo magustuhan yung may flavor.." si Kian
"Oy, lahat ito sigurado kong magugustuhan..kung hindi lang ako allergy baka nga pati may peanut ubusin ko eh.." salo ko
"Sana magustuhan mo, sabihan mo lang ako if gusto mo pa..so pano mauna na ako baka kasi ma-late ako..kapag may time, habol ako sa library mamaya" si Kian
"Sure..same time and spot" sabi ko
"Thanks uli ah and pakisabi din kay tita.." habol ko habang kumakaway.
"Ehem! kagabi lang may dinner date, ngayon may gift pa.." parinig na naman ni Tin
Pero kunwari'y hindi ko iyon narinig at instead dumampot ako ng brownies at kumagat..
"Hmmm..tama ka nga masarap!"
"Kuha kayo.." offer ko kina Jeff at Brian
Kumuha si Jeff ngunit si Brian ay nagdahilan na busog na daw kaya hindi ko na pinilit pa. Although lahat naman kami ay napadami talaga ng kain ng lunch sa sobrang gutom namin.
After namin matikaman ang brownies na bigay ni Kian, napagkasunduan na namin dumerecho na sa library. Habang naglalakad ay hindi na naman ako tinantanan ni Tin sa kanyang pambubugaw sa akin kay Kian.
"Uy, ang bilis naman ng progress ng" friendship" mo kay Kian.." si Tin na talagang in-emphasized ang quote sa word na friendship.
"Ano na naman ang gusto mong ipahiwatig?" lalagyan mo na naman ng meaning ang pagiging thoughtful 'nong tao?" sita ko
"Nanliligaw na ba siya sayo Ella?" singit na tanong naman ni Jeff at tila hinihintay nilang tatlo ang magiging sagot ko.
"Kapag mabait na yung tao, ibig sabihin ba non nanliligaw na?Ganon ba ang kalakaran ninyong mga lalake?"baling ko kina Jeff at Brian.
"Uy, sagutin niyo yan..ikaw Brian sa tingin mo ba papunta na sa ligawan ang friendship kuno nina Ella at Kian?" pilyang tanong ni Tin.
"Si Ella lang ang makakasagot niyan at siya ang nakakakilala kay Kian. Iba-iba din naman kasi ng style ang mga lalake.." safe na sagot ni Brian.
"Hanggat hindi nagtatapat ng feelings, siguro huwag pangunahan ang kagandahan loob.." sabat ko.
"Aysus! yung mga manhid at bulag-bulagan sa pagpaparamdam ng lalake ay ganyan ang mga motto.." katwiran ni Tin.
"Whatever..!" simpleng sagot ko dahil nasa entrance na din kami ng library pero hindi pumayag si Tin na hindi makagante sa sinabi ko kaya bumulong ito sa akin..
"Supladang Manhid"
Binelatan ko na lamang siya at tsaka ako ngumiti..
Thirty-minutes na kanya-kanya kami ng pagbabasa even Jeff and Tin ay kapwa seryoso at focus ng bumulong sa akin si Brian na ikina-gulat ko din dahil hindi ko namalayan ang paglapit niya.
"Meron ka ba notes sa CE natin kanina?"
Hindi ko malaman dahil siguro sa sobrang tahimik ng paligid kaya parang ramdam ng bawat himaymay ng katawan ko ang boses niya? Kaya minabuti ko na lang magsulat sa note sa sagot ko dahil mukhang hindi ko kakyanin na bumulong din sa kanya.
"Yes, meron.." why?"
Pagka-abot ko ng note, inaasahan ko na susulat din siya ngunit muli na naman siyang bumulong sa akin.
"Ok lang ba mahiram?"
Hindi na ako sumagot at kinuha ko na lamang ang notebook ko at iniabot sa kanya ngunit bumulong na naman ito.
"Thank you"
Naramdaman ko na nag-iinit ang mga pisngi ko dahil sa sobrang close namin dahil sa pagkaka-bulong niya..Kaya pa-simple kong sinita ang sarili ko dahil feeling ko ay ipinagkakanulo ako ng sarili kong katawan. At ng mapalingon ako kay Tin ay hawak nito ang kanyang cellphone at may pilyang ngiti nakapaskil sa kanyang mga labi.
"What?" I mouthed
"Later" saad nito ng pabulong.
Nagiging malisyosa na yata ako sa bawat kilos ni Brian towards sa akin at hindi ko iyon nagugustuhan or mas magandang sabihin na natatakot ako. Hindi ko naman kasi mapigilan ang biglang pagkabog ng dibdib ko...pag-iinit ng mga pisngi ko tuwing meron kaming close encounter. Hindi tulad ng kay Kian kahit siguro magka-holding hands kami komportable ako.
Lumipas ang mahabang sandali na seryosong pag-aaral at pagbabasa, napansin ko si Brian na patagong naging busy sa kanyang cellphone. Maya-maya pa ay biglang may humawak sa balikat ko na ikina-gulat ko na naman.
"Ano ba itong nagyayari sa akin, nagiging magugulatin na yata ako.." naisip ko
Si Kian! Gaya kaninang lunch ay maganda ang smile nito. Tumabi ito sa akin at bumulong din
"Mukhang tapos na kayo magbasa?"
Bumulong din ako sa kanya..
"Paano mo nasabi?"
"Kasi, hindi na kayo nagbabasa..sila busy sa isa't-isa, turo niya kina Tin at Jeff, siya naman mukhang busy sa cellphone niya- turo niya kay Brian, at ikaw naman...." at pagdating sa akin ay tila nag-pause ito at parang nagdadalawang-isip sa kanyang sasabihin.
"Ako Ano?" kulit ko na pabulong din..at sa pagkakataon na iyon ay napansin na kami ni Brian sa aming pagbubulungan at hindi ko mawari ang mukha nito na bigla na lamang naging gloomy..
Hindi pa din ako sinasagot ni Kian at biglang change topic ito.
"Nagustuhan mo ba yung brownies?" tanong nito
"Oo naman, super masarap pero hindi ko pa nauubos kasi gusto kong ipatikim sa mga ka-boardmates ko.." explain ko pero kinulit ko pa din yung na-hang na tanong ko
"Ano ako?Pano mo nasabi na tapos na akong magbasa..dali na..bakit ayaw mo kasi sabihin?"
"Promise me hindi ka magagalit?" si Kian
"Bakit naman ako magagalit? Sige na kasi, baka mapansin na tayo sa pagbubulungan natin..mapagalitan pa tayo.." pangungulit ko.
"Hindi siguro, tingnan mo nga sila..nagtatawanan pa.." katwiran ni Kian sabay turo muli kina Jeff at Tin na pasimple at pabulong na naghaharutan.
Natawa kami pareho sa sinaad niyang iyon at dahil doon at napalingon na din sina Jeff, Tin lalo na si Brian na mukhang umiral na naman ang pagka-moody .
Bubulong muli sana sa akin si Kian pero narinig ko ang tunog ng upuan ni Brian sa pagtayo nito at mahinang nagsabi na mauuna na daw siya. Nakatingin lamang ito kina Jeff at Tin na nagpaalam tsaka umalis ng hindi man lang lumingon sa akin..
"Suplado syndrome strike again.." bulong ko habang tiningnan ang papalayong si Brian.
Pagbaling ko ay naka-tingin pala sa akin si Kian at sigurado akong narinig niya yung sinabi ko..
"ganyan, kaya alam kong tapos ka na magbasa.." usal ni Kian na hindi ko naman naiintindihan ang ibig sabihin nito kaya confused face ko siyang hinarap
"What do you mean?"
"Promise hindi ka magaglit if sasabihin ko?" kulit ni Kian
"Hindi nga, ang kulit mo din pala.." natatawa kong respond sa kanya.
"Pagdating ko kasi nakita ko na busy si Brian sa cellphone at ikaw naman mukhang busy sa pag-aaral ng mukha niya?" alanganing saad ni Kian.
Mariin ko namang itinanggi iyon.
"No way! After ko magbasa napalingon lang ako sa kanilang tatlo, just checking kung busy pa din sila kasi gusto na sana silang yayain umuwi..nagkataon na siguro ang nakita mo yung time na napatingin ako kay Brian and then ayun nga nakita ko busy siya sa cellphone niya kaya hindi ko na siya inistorbo pa" depensa ko.
"Ok" maikling sabi naman ni Kian.
At bigla kong naalala ang notebook ko na hiniram ni Brian, umalis ito ng hindi naisauli sa akin..
Nagyaya na sina Tin and Jeff at nagpa-iwan na din si Kian at kailangan daw nitong makapagbasa. After mag-thank you muli sa brownies na bigay niya ay umalis na kaming tatlo.
Paglabas namin ng library, biglang umakbay sa akin si Tin.
"hmmm..ano na naman yan?" sita ko
"Ilabas mo yang cellphone mo may ise-send ako sa'yo" kinikilig na sabi nito
Ng wala ng mahabang diskusyon ay kinuha ko ang cellphone ko at maya-maya pa ay may na-received na akong picture mula kay Tin.
Picture ko at ni Brian habang may ibinubulong sa akin si Brian
"Ano 'to?" sita ko kay Tin
"Ikaw at si Brian" pilosopong sagot nito sa akin
"Oo alam ko, ibig mong sabihin kinuhanan mo kami, kaya iba yang ngiti mo kanina eh..sinasabi ko na nga ba.."
"Ang cute niyo kasi tingnan..ang sweet ng gesture niyo sa isa't-isa.." kinikilig na sabi ni Tin
"Ano ba talaga Tin?kanina lang kay Kian mo ako tinutukso, ngayon kay Brian naman?" reklamo ko.
"Simula ngayon Team Brian na ako.." usal ni Tin
"Ako Team Kian.." singit naman ni Jeff.
"So, eto naman ang pakulo niyong dalawa ngayon?"Bakit ba pinipilit niyo akong i-link sa kanila?" kunwaring napipikon na sabi ko.
"Uy, ikaw naman nini nagiging sensitive ka na..dati jolly person ka" lambing ni Tin
"Jolly pa din naman ako, nakakasawa lang din marinig yang paulit-ulit niyong pambubuyo sa akin sa mga lalake na wala naman intensiyon sa akin kundi friendship..kayo lang ang naglalagay lagi ng kulay.."
"Team Brian ka kamo?Alam mo naman na may girlfriend yung tao..Ikaw naman Team Kian? super bait lang sa akin 'nong tao at komportable akong kasama siya..Yun lang kaya please? itigil na natin yang issue niyo?" frustrated na sabi ko
Para naman nakunsensiya sina Tin at Jeff kaya humingi din sila ng sorry.
"Sorry na nini, akala ko kasi makikisakay ka lang sa mga joke namin..nasabi lang naman namin yun kasi kami ang nakaka-observe sa mga ikinikilos nila....ayaw mo kasi buksan ang mata at puso mo" pilit na hirit ni Tin.
"Sorry din kung nagiging pikon na ako..gusto ko kasi smooth lang yung pakikisama ko sa kanila..once may nagparamdam sa kanila gaya ng sinasabi niyo which is I think impossible..., sige sa inyong dalawa ko unang-una sasabihin.." natatawa ko ng sabi as sign na din na okay na ako..
"Ayan..welcome back my nini Ella.." yakap naman sa akin ni Tin
"Ang drama niyo talagang mga girls.." biro naman ni Jeff
"Ah ganon?" sabay na saad namin ni Tin at si Jeff naman ang napagtuunan namin ng pansin na asarin hanggang sa makauwi na kami ng kanya-kanya naming boarding house.
Pagdating ko sa bhouse ay inilapag ko ang bitbit kong brownies sa mesa at nahiga sa aking bed. Binalikan ko ang picture na send sa akin ni Tin at hindi na ako nag-dalawang isip na burahin iyon,pero hindi ko din nagawa.
"Ni-remind ko ang aking sarili na focus ako sa aking pag-aaral at pangangatawanan ko ang sinabi ko kina Tin na pure friendship ang meron ako with Brian and Kian.