Consistent Resquer

1875 Words
Ella! tawag ni Brian sa akin Humahabol ito sa amin ni Tin sa pagpasok sa school ng araw na iyon. "Himala yata at hindi siya waiting sa kanyang prinsesa sa harap ng gate.." puna din ni Tin. Kaya naman automatic na napahinto kami ni Tin sa aming paglalakad dahil sa kanyang pagtawag. "Heto nga pala yung notebook mo na hiniram ko sayo kahapon...Hindi ko na naisauli sa sobrang pagmamadali..Thank you nga pala" explain nito "Ok, no problem" saad ko Hindi naman napigil ni Tin ang mag-usisa sa nakasanayan namin na nakikita na morning routine nito.. "Late ka yata today sa susunduin mo?" simple at naninimbang na tanong ni Tin. "Busy siya eh.." maikling saad lamang nito. Kung pag-aaralan ko mabuti ang mood ni Brian today akala mo hindi ako sinupladuhan kahapon.. Nagpaalam kina Tin at Jeff pero pagdating sa akin wala kahit lingon man lang.. Since ayoko naman ma-spoil ang moment..sige, ako na lang ang uunawa at mag-aadjust..Bakit nga ba nagde-demand ako ng paalam? Nagka-kwentuhan lang kami at naging close konti ( feeling ko) demanding na ba agad ako? Habang naglalakad may naalala bigla si Tin.. "Ay! Siya nga pala Ella sa Friday night may pool party para sa birthday ni Jeff. Abisuhan na kita agad at ng makapagpaalam ka na sa parents mo, kinabukasan ka na umuwi sabay na tayo papuntang terminal.." "Nasabihan ka na ba ni Jeff, Brian?" baling nito kay Brian. "Oo, nabanggit na niya sa amin..Ikaw Ella makakapunta ka ba?" tanong ni Brian sa akin. Dahil hindi pa naman ako sigurado although alam ko naman na papayagan ako, hindi ako nagbigay ng assurance. "Hindi ko sure eh.." maikling saad ko "Bakit naman? Gusto mo, ipagpapa-alam kita sa parents mo?" singit ni Tin. "Sige na Ella, sumama ka na pls?" pilit na ni Tin. "Oo nga naman Ella, join ka na.." sang-ayon din ni Brian. "Ok, ok..i-convince ko si tatay na payagan ako, tatawag ako mamaya after class.." "Yehey! sure na sasama na yan..!" cheer ni Tin tsaka bumulong sa akin. "Kailangan nga pala natin ng swimwear..meron ka ba?" "Meron yung PE uniform natin sa swimming mamaya.." natatawang pahayag ko na ikinaasim ng mukha ni Tin. "Hello?! sabi mo nga unifrom yun eh, hindi naman swimming class ang pupuntahan natin, birthday party iyon.." katwiran ni Tin. "Marami bang bisita si Jeff?" usisa ko "Ang alam ko halos tayo lang, mga blockmates natin at ilang mga friends niya outside campus.." "Ayun naman pala eh, pede na yung PE uniform.." giit ko "Over my dead beautiful body" sabi ni Tin na ikinatawa namin ni Brian. Natapos ang aming klase sa am session, mabilis lang kami nag- lunch dahil kailangan na din namin pumunta sa PE class namin - swimming lesson, Medyo malayo ang area ng pool sa mga academic school building dahil katabi ito ng school dormitory. Ng makita ko ang school dorm, naalala ko ang kwento ng ilan, isa na si ate Tess about dito. Sa sobrang higpit daw ng rules sa loob nito ay mukhang nasa kumbento ang mga boarders doon. Strictly implemented daw ang girls only sa Female Dorm at hindi maaari ang bisitang lalake at ganon din sa Male Dorm. Magkabilang side ang bawat entrance at exit nito na akala mo building na magkatalikod. Bukod sa mahal pa ang fee ay madami daw ang bawal. Pero makikita naman na maintain talaga ang kalinisan at kaayusan ng facilities kaya kahit may ganoong uri ng issue ay madami pa din ang nagdecide na sa school dorm mag-stay. Karamihan sa kanila ay mga genuis nerd na galing sa malalayong bayan..or pwede din mga loner na mahilig sa tahimik na lugar or ilang mga may kaya sa buhay. Naisip ko.. hindi ako babagay dito, bukod sa hindi ko gugustuhin maubos ang pera ng magulang ko taas ng fee dito ay baka hindi ako magtagal or mapalayas ako dahil sa ingay at lakas ng boses ko.. Matapos kami makapag-palit ng swimwear uniform ay pumila kami ni Tin para sa warm-up exercises. Binigyan kami ng kaunting lecture about sa aming swimming lesson then by group ay tinatawag kami upang makapag practice ng water breathing and floating. Wala naman problema sa akin dahil marunong akong lumangoy kaya kampante ako na makakapasa dito. Nagsimula na kami bigyan ng instruction sa pag-float simula sa kabilang side ng pool hanggang kung saan namin kakayanin pero siymepre better na umabot sa kabilang side. Kaya ako naman ay determinadong magawa iyon. "At the count of three, everyone start to swim.. 1! 2! 3! go" sigaw ng aming instructor. Huminga ako ng malalim bago tuluyang nag-dive sa pool..maganda naman ang pakiramdam ko not until nasa gitna na ako ng pool..nakaramdam ako ng pulikat sa mga paa ko. Hindi naman kalaliman ang kinalalagyan ko, at sinikap kong itaas ang mukha ko upang makalanghap ng hangin at narinig ko pa ang malakas na tanong sa akin ng aming instructor.. "Ms. Esteban, what is wrong? are you ok?" na medyo worried at nagmamadali na tanong nito. Nagpa-kalma ako at nasa isip kong tapusin hanggang sa kabilang side ang aking paglangoy sa kabila ng leg cramps ng bigla kong narinig na may nag-dive ng mabilis sa pool. At sa pagkakataon na iyon ay mas tinubuan ako ng kaba sa dibdib ng makita ko si Brian sa aking paglangoy. Hinawakan niya ako sa aking kamay at inalalayan patungo sa kabilang side ng pool. Dahil sa legcramp ay hindi ako makasampa, naramdaman ko na lamang ang paghawak niya sa aking bewang at maingat akong iniangat kasabay ng pag-aalalay ng aming instructor. "Ok ka lang?" mabilis na tanong ni Brian sa akin "Leg cramps lang.." nahihiya kong sabi Bago makalapit ang aming instructor ay mabilis na kumilos si Brian at inalalayan niya ako sa pag-stretch ng aking mga paa at minasahe ito. "Aray.." mahinang reklamo ko dahil masakit talaga. "Maya-maya ok na din iyan..basta stretch mo lang mga legs mo" assurance ng aming instructor. Kahit sa kabila ng kirot hatid ng leg cramps, nakaramdam ako pagkailang sa pagkakahawak ni Brian sa aking mga binti. Kaya inabisuhan ko siya na ok na ako. "Ano ba yan Ella, sa sitwasyon mo iyan pa din iniisip mo?" sita ng isip ko "Ok na ako..tatayo na ako.." sabi ko at sakto naman ang paglapit ni Tin. "nini ok ka na?" worried na tanong nito "Oo naman, simpleng pulikat lang naman..Thank you pala Brian!" saad ko "Sure ka, ok ka na?'" paniniguradong tanong niya. Ngumiti at tumango lang ako bilang tugon. "Thank you Brian ha, ikaw lagi ang superhero ng aking nini Ella.." malambing at makahulugan na pasasalamat ni Tin. "Ahm, no worries! Sige, iwan ko muna kayo..kasama na ako sa susunod na group.." paalam nito sa amin ni Tin. Pagkaalis ni Brian ay agad akong minulagatan ni Tin ng makahulugan na hindi maalis ang kilig pero binigyan ko kaagad siya ng warning.. "Don't dare..! ano man ang sasabihin mo, paki-save na lang muna at nakakahiya kapag may makarinig.." babala ko kay Tin "Mas worried ako sa grades ko, lagi na lang akong sablay dito sa PE natin.." nababahala kong sabi. "Ano ka ba, kauumpisa lang natin..tsaka obvious naman na marunong kang lumangoy kaya lang nataon yan pulikat mo..madami ka pang time pwedeng bumawi.." encourage sa akin ni Tin. "Mabuti pa, after nitong PE natin mamaya sumaglit tayo sa Pacific Mall at bumili na tayo ng swimwear natin para sa Friday!" excited na turan ni Tin. "Seriously? yan pa din talaga ang iniisip mo? sabagay jowa mo nga pala ang may birthday dapat nga paghandaan mo.." "Ihhh..ano game ka mamaya?Magrelax naman tayo tutal hindi pa naman hectic ang schedule natin at tsaka Friday na bukas badly needed ko na ang outfit ko.." eksaheradang saad ni Tin. Pumayag na din ako, lalo na sa ikasasaya ni Tin..at wala nga din akong maisip na pwedeng isuot, mamimili na din ako kung may matipuhan, kung wala.. hindi na lang siguro ako maliligo baka pulikatin na naman ako...makiki-join na lang ako sa kainan. ************ Excited si Tin na tumingin sa mga naka-hanger na swimwear pagdating namin sa department store. Sa dami nito tila hindi niya alam ang pipiliin niya at pansin ko may pagka-revealing ang mga natitipuhan niya.. "Tin, hindi ba masyadong labas na ang skin mo niyan? ok lang ba kay Jeff na magsuot ka ng ganyan ka-expose ang katawan mo?" remind ko "Ok lang ito kasi may cover-up naman .." explain niya "Ok.." pag-sang ayon ko "Tsaka para sa kanya din naman itong isusuot ko noh.." pilyang saad ni Tin "Ano nga pala ang gift mo kay Jeff..?" tanong ko kay Tin habang tumitingin-tingin na din sa mga hanay ng swimming outfit..Napalingon ako sa kanya ng hindi ako nakarinig ng sagot niya. At ang pilyang Tin ay kakaiba ang ngiti.. "Don't tell me, 'yang katawan mo ang regalo mo..?" wala sa sarili kong joke at nagulat ako sa reaksiyon niya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang kompirmasyon sa mga ngiti niya.. "Are you sure? Ready ka ba sa gagawin mo? I mean paano kung mabuntis ka? Paano yang pag-aaral mo?" bulong ko "Meron naman mga protection at contraceptive na pwedeng gamitin gurl..and don't judge me..I really love him so willing talaga ako.." bulong din ni Tin sa akin. "May maitim ka pala na balak..huwag na kaya akong sumama? Parang hindi ko maisip na kapag wala na kayo both ni Jeff sa party, alam ko na agad ang pinagkakaabalahan ninyo.." tila kinikilabutan kong sabi "Kaya nga mas kailangan mong sumama, kasi ikaw na ang bahala sa mga bisita.." inform ni Tin "Ah yun pala ang papel ko..baka pwede kapag nakauwi or nakatulog na ang lahat tsaka mo umpisahan yang maitim na binabalak mo.." "Grabe ka, siyempre hindi naman basta-basta ginagawa yun..pwedeng matuloy or hindi.." katwiran ni Tin. "Hay naku, change topic na nga tayo..basta advice ko lang sayo pag-isipan mo munang mabuti iyang gagawin mo at future mo ang nakasalalay..Baka it's too early para ialay mo ang Bataan" sincere na remind ko kay Tin. "Ganon ko kamahal si Jeff at alam ko naman na mahal din niya ako.." katwiran ni Tin Hindi na ako nakipagtalo pa kay Tin, tutal buhay naman niya iyon..hindi naman ako nagkulang sa pag-remind sa kanya. ? Ang akin lang, yun lang ba ang sukatan ng pagmamahal? Masayang nakapili si Tin..she ends up buying a two-piece swim wear and white mini sheer dress. Ako naman ay nagkasya na sa one piece na alanganing panty brief or cycling shorts at halter na mid backless ang style..Compare sa napili ni Tin ay hamak na mas conservative ang akin.. Ifever na maisipan kong maligo, pang-ilalim ko na lamang ito sa isusuot kong ripped jean shorts at crop top na mabilis hubarin kung sakali. Hindi ko naman kailangan mag-prepare ng bongga na gaya ni Tin na there's someone to impress at pagpapagandahan. "Eh diba andon si Brian?" biglang singit ng isip ko. "So?" mabilis na depensa ko "LOve me for what I'am" tila hirit ko pa na depensa sa sarili ko. Naisipan na din namin ni Tin na doon na lamang mag-early dinner. Halata kong masaya at excited si Tin sa darating na Friday. Sino ba naman ako para kontrahin pa iyon..sa kabila ng magkaiba naming pananaw , suportado ko pa din siya bilang kaibigan niya. Hiling ko lang na hindi niya iyon pagsisisihan balang-araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD