"Mag-enjoy ka pero huwag mong kalilimutan mag-ingat."
"Nasa tamang edad ka na, alam mo na ang tama at mali."
"Huwag uminom ng alak lalo na kung may mga kasama kayong lalake"
Ilan sa mga kabilin-bilinan ng aking mga magulang ng nagpaalam ako para sa pool birthday party ni Jeff.
"Woohooooo" sigaw ng ilan sa mga boys ng makapasok kami sa nirentahan na resort ni Jeff.
Bumungad kasi sa amin ang malakas na music, malaking pool at isang mahabang table na puno ng mga pagkain at inumin.Mukhang pinaghandaan talaga ang birthday party na iyon ni Jeff.
Dumeretso muna kami ni Tin sa aming room at dahil special si Tin ay kaming dalawa lang ang ookupa sa gabing iyon sa room, yung iba na guest ay sama-sama na sila.
"So maiiwan pala akong mag-isa dito mamaya" bulong ko sa aking sarili
Gustuhin ko man itanong kung saan ang room ni Jeff na sigurado akong magiging love nest nila mamaya, mas pinili ko na lamang sarilinin ito.
Ng mailagay na namin ang aming gamit, excited si Tin na hinila ako sa main event. Sinabihan ko siya na wag na akong alalahanin, instead samahan niya si Jeff sa pag-iistima ng mga bisita.
Medyo hesitant man si Tin na iwan ako, binigyan ko naman siya ng assurance na carry ko ang sarili ko.
"Ano ka ba, halos tayo tayo lang naman dito, tsaka andito lang naman ako..kapag sayawan na mamaya makikita mo na lang ako humahataw sa dance floor..Kaya dont worry about me,ang alalahanin mo yung birthday boy" pagkukimbinsi ko kay Tin.
Natatawa lang si Tin sa tinuran ko na hataw sa dance floor, at tuluyan na niya akong iniwan muna sa isang tabi.
Halos lahat naman ng bisita ni Jeff ay classmates namin, may mga ilan lang na hindi ako pamilyar sa mukha na according kay Tin ay mga friends din ni Jeff.
Nakaramdam ako ng gutom ng maamoy ko ang mga nakalatag na pagkain kaya tumayo ako at kumuha at bumalik sa aking table.
Bago ako sumubo ay may mga lumapit sa akin. Itinanong kung pwede daw sila maki-share sa table. At sa pagkakataon na yun, tsaka ko lang napansin na okupado na pala lahat ng table.
Naisip ko tuloy, nasaan ang mga classmates namin at wala man lang ako ka-share sa table. Napansin ko na kanya-kanya na pala sila ng pwesto with their partners.
Para naman ako biglang outcast sa part na iyon at hindi yata naiwasang mapalakas ang buntong hininga ko.
"Ahm Miss, ok lang ba?" Follow-up na tanong na pala ng lalake na nasa harapan ko. May kasama itong girl at isa pang guy.
Bigla naman akong tinubuan ng hiya ng hindi agad ako nakasagot kaya bumawi na lang ako muna sa pamamagitan ng matamis na ngiti sabay pag offer ng upuan at mesa.
"Sure, no prob..wala naman akong kasama.."
Uumpisahan ko na sana ang aking pagkain ng magtanong ang girl na kasama nila.
"Classmate mo siguro si Jeff?"
"Ay, oo tsaka yung girlfriend niya, bestfriend ko" sabi ko sabay turo kay Tin na mukhang hindi napapagod sa pagngiti buhat kanina.
"Ah, sabi ko na eh..ako nga pala si Annie. Eto naman si Jerry boyfriend ko.. actually siya yung friend ni Jeff na invited..kami,sabit lang netong si Lester" pakilala nito
"Ella" maikling sagot ko sabay abot ng kamay ko with friendly smile at offer na din kumain.
"Sabayan ka namin kumain, kuha lang kami ng food" inform nito bago sila tumayo upang kumuha ng pagkain
Kahit sobrang gutom ko, tiniis kong hindi sumubo kahit konti upang hintayin ang mga bago kong aquaintances. At hindi naman nagtagal ay bumalik na sila dala dala ang food.
Nalaman ko na gay pala si Lester, at dahil ako ay isa ding bakla sa katawang babae, mabilis kaming nagkapalagayan ng loob ni Lester. Lalo na at busy din ang dalawa sa isa't-isa.
"Matanong ko lang girl, bakit mukhang ikaw lang ang walang jowabells na kasama" Tingnan mo sila oh, mukhang mayuyugyog ang lugar na ito mamaya"
prankang sabi ni Lester.
Pagkatapos marinig ang pag-uusisa ni Lester tungkol sa jowa, biglang hinanap ng mga mata ko si Brian. Naalala ko na hindi ko pa nakikita ang presence nito sa lugar na iyon.
"Ay! Nagkamali ba ako? May hinihintay ka ba na bufra?"sambit ni Lester ng mapansin niya na tila may hinahanap ang mga mata ko.
"Wala, may naalala lang ako bigla" palusot ko.
"Hindi kaya aattend ang mokong na iyon? Isa siya sa nag convince sa akin na pumunta pero siya pala ang mang-iindian" naisip ko
Lumipas ang ilang sandali at hindi ko naramdaman ang pagiging outcast at inip dahil kay Lester. Patok sa akin ang sense of humor nito at super like daw niya ang personality ko.
Maya-maya pa, nag-umpisa na ang munting birthday program..may konting message from birthday boy, at blowing ng cake candle.
Siya na din ang nagpasinaya ng dance floor since mahusay din sa pagsayaw si Jeff . Game na game naman si Tin at suportado all the way si Jeff.
Magpapahuli ba ako? Kaya naman nagkayayaan na din kami ni Lester na i-invade ang dance floor.
Infairness kay Lester,may husay din sa pagsayaw, pero may halong pakikipag flirt sa mga gwapong bisita ni Jeff ang sayaw nito na nakadagdag saya sa aming pagsasayaw.
"Bongga ka girl, husay mo sumayaw!" hiyaw ni Lester sa akin.
Kinindatan ko lang siya at lalo pa akong nagpakitang gilas. Maya-maya, lumalapit na din sa akin yung mga nilalandi ni Lester na mga "chopopo" guys.
"Ayan na sila!" tuwang-tuwa na tumitili na sambit ni Lester
Since birthday party naman iyon, bawal ang "KJ" kaya naki-go na ako sa flow.
Natapos ang dance craze mania, biglang naging slow ang beat ng music..pang sweet dance kumbaga.
On cue, nagkatinginan kami ni Lester..
"Sorry girl, allergic ako sa ganyang music kapag girl ang ka-partner ko.." pagbibiro nito.
Natawa naman ako at niyaya ko na muna siya kumuha ng maiinom. Since naglabasan na ang mga lovebirds,even yung mga sinasabi "chopopo" ni Lester ay mga taken na din pala.
Pagbaling ko bigla akong nabunggo sa isang katawan na pamilyar sa akin ang pabango . Bigla na parang may kabayo na sumipa sa dibdib ko ng napagtanto ko na si Brian pala iyon.
"Can I have this dance?" Usal nito
Siniko naman ako ni Lester ng hindi agad ako nakasagot at kinuha ang mga kamay ko at iniabot kay Brian.
"Have fun ang daya mo may chopopo ka din pala" bulong pa nito sa akin na may pilyong munting halakhak.
Bigla akong naka-conscious dahil pawisan ako galing sa puspusang pagsasayaw..pasimple kong inamoy ang sarili ko. Mabuti na lamang at naligo muna ako kanina at nakapaglagay ng cologne.
Tila nabasa ni Brian ang iniisip ko at walang alintana na hinapit niya ako palapit pa sa kanya. Kinuha niya ang mga kamay ko at inilagay iyon sa dibdib niya at siya naman ay mahigpit na pumulupot sa bewang ko habang titig na titig sa akin.
"Totoo ba itong mga nangyayari or nanaginip ako?" nalilitong bulong ng isip ko.
Walang naglakas loob sa amin na magsambit ng kahit anong salita. Patuloy lang kami sa aming pagsayaw sa ganoong posisyon hanggang sa matapos ang naunang sweet music.
Dahil hindi na ako makatagal sa sitwasyon, ako na ang unang nagsalita at niyaya siyang maupo dahil feeling ko wala pa siya planong tumigil sa pagsayaw dahil tuloy-tuloy naman ang saliw ng musika para sa mga magsing-irog.
Since malayo kami from being a couple, minabuti ko ng wakasan ang lumalalim na magandang panaginip ko, dahil baka kapag nagkataon, hindi ko na gugustuhing gumising mula dito.
Nauna akong lumakad patungo sa mesa kung saan si Lester ay masayang may kakwentuhan.
"Tapos na ang sweet dance niyo agad-agad?" Namimilog at pilyong sita ni Lester.
"Ahm, si Brian nga pala, classmate din namin ni Jeff.." Brian si Lester, friend siya ng girlfriend ng friend ni Jeff..." Mahabang pakilala ko sa kanila.
"Classmates nga lang ba kayo?" pang-uusisa ni Lester.
Sa puntong iyon, sa kadahilanan na ayoko ng lumawig pa ang diskusyon kung anong meron kami ni Brian, mabilis kong kinuha ang baso ni Lester na may lamang alak at nagtanong agad ng mabilis.
"Masarap ba ito? Pa-try nga.."
"Girl, malakas ang tama niyan..kakayanin mo ba?" warning na sabi ni Lester.
Pero walang alinlangan na ininom ko iyon at tila nagustuhan ko naman or tila gusto kong magpaka lasing yata this time.
"Masarap ito ah..tara kuha pa tayo.." yaya ko kay Lester sabay hila sa kanya ng mabilis.
"Eksaherado namang nagpahila si Lester sa akin at nagpaalam muna kina Brian at sa kausap niya na hindi na niya nakuha pa na ipikilala.
Pagdating namin sa mga inumin, mabilis niya akong sinita
"Girl, yung totoo? Anong meron? Pls enlightened me, naguguluhan ako..ano yung eksena after ng mahigpit ninyong yakapan sa saliw ng romantic music?.." may pagtaas pa ng kilay na tanong ni Lester.
"Haist, sa maniwala ka at hindi...walang something sa amin ni Brian, may girlfriend yung tao at super ganda as in pang beauty pageant...! Walang say ang beauty ko don, tsaka nagsayaw lang naman kami..big deal ba iyon?" mahabang depensa ko
"Hmm, maniniwala na sana akong hindi big deal yun pero may nahihimigan akong iba sa pagkakabigkas mo? Alam mo yun, himig selos sa pang beauty pageant niyang girlfriend" balik niya sa akin
Hindi ko na nga din alam bakit nagkakaganito ako..nasaan na si Ella na cool lang? Naisayaw lang ba ako, nawindang na naman ang isip at puso ko...
Straight kong ininom ang nakuha kong alak na hawak hawak ni Lester na ikinagulat nito.
"Girl, dahan-dahan lang, maaga pa, baka malasing ka na agad niyan..goodluck sa hang over mo bukas kapag itinuloy-tuloy mo yan" concerned na warning muli sa akin ni Lester
But instead kumuha pa ako at bottoms-up muli kong ininom yun..
Sakto ang pagpalit muli ng music mula sa slow romantic to nakakaindak na tugtog.
"Halika na nga, sumayaw na lang muli tayo or maligo na kaya tayo at ng ma-sober ka.." yaya muli ni Lester
"Let's go..!!!" game na game na sabi ko sabay kuha pa ng isang bote ng alak na dala ko sa pool.
Naupo kami sa gilid ng pool kung saan nakadawdaw lang ang aming mga paa sa tubig.
"Mabuti na lang sumama ka kay Annie, na-saved mo ako this night at tsaka nagkaroon ka ng chance na makilala ako.." pagbibiro ko kay Lester
"Jusmiyo, maliit na bagay girl..pero mukhang ako yata ang mao-o.p. tonight, papunta dito si chopopo mo girl..kailangan ko na ba mag-exit?" may konting kilig sa boses ni Lester
Hinawakan ko siya bilang pagpigil.
"Dito ka lang pls? Sabi ko nga sayo, walang kami..gurl hindi ko na kaya na kaming dalawa lang na magsolo..baka makalimot ako... charot" biro ko
Nagkatawanan kami sabay kurot ni Lester sa aking tagiliran ..
"Sinasabi ko na nga ba..may kalandian ka rin babae ka..!" dagdag biro pa ni Lester
"Hi!" pede ba maki-join?"bungad ni Brian
"Ok, basta ba ako naman ang isasayaw mo ng sweet mamaya.." hirit ni Lester
"Ikaw pala itong malandi girl" pasimpleng bulong ko kay Lester.
Ngumiti lang si Brian sa joke ni Lester at tsaka muling bumaling sa akin. Nakatingin siya sa hawak kong bote ng alak.
"Mukhang madami ka na yata naiinom?"
"Kung makasita naman akala mo protective na jowa ko siya.." bulong ng isip ko
"Hindi naman, sakto lang..tsaka para masulit ko ang pa-birthday party ni Jeff, itry ko ang mga inihanda niyang alak, sayang naman diba?" kumbinsi ko
"Ikaw? Hindi ka ba umiinom?" tanong ko
"Umiinom din, pero maaga pa naman..mamaya ko siguro sulitin ang mga inihanda ni Jeff na mga alak.." balik biro nito sa akin at ikinatawa naming dalawa at di sinasadya na magkatinginan kami.
"Ehem..!" Malakas na pahaging ni Lester na siyang ikina balik ng huwisiyo ko.