The Unexpected

1727 Words
May tama na yata ako dahil sa alak at lalo na ng dahil kay Brian. Lumalakas ang loob ko tingnan siya at salubungin ang mga titig niya. "Hi guys! Kumusta kayo dito, enjoy ba?" si Jeff na halatang masayang-masaya sa gabing ito. Magka-holding hands sila ni Tin na dumalo sa amin. "Ella! Ang pula-pula ng mukha mo, madami ka na yata nainom ah.." nag-aalalang bati ni Tin sa akin. "Wala ito, natural na mapula talaga ang cheeks ko uy!" biro ko "Siyanga pala si Lester.." maikling introduction ko kay Lester. "Nag-meet na kami kanina, mabuti pala si Ella ang naka-bonding mo.." hirit ni Tin "Hay naku, akala ko nga pareho kami ng kapalaran nitong si Ella kaya kami ang magkasama..yun pala ako lang talaga ang alone sa party na ito, lahat kayo may chopopo na bufra." kunwari ng hinaing ni Lester Tumingin naman ng makahulugan sa akin si Tin. Mabuti na lamang hindi na niya yun ginatungan pa. Sumalo sila sa group namin at masaya kaming nagkukuwentuhan habang umiinom. Maya-maya pa ay nagkayayaan na maligo sa pool. Naunang nag dive ang mga lalaki at tila biglang nagkaroon ng swimming competition dahil mabilis silang nagkakarera sa paglangoy. Bigla din parang may Mr Body Phils event dahil pag-ahon nila ng tubig, kanya-kanya silang flaunt sa matitikas nilang katawan. "O.M.G!!!" tili ni Lester. "Ito talaga ang pinaka-magandang part ng event na ito eh.." dagdag ni Lester "Gurl, need mo tissue? Laway mo oh tutulo na.." pagbibiro ko Infairness, hindi ko masisi si Lester dahil ako mismo hindi ko din napigilan mapalunok ang laway sa nakikita kong mga katawan. Sa PE swimming kasi namin, lahat kami nakasuot ng rush guard, hindi gaya ngayon all out-- shirtless talaga ang mga boys at trunks kung trunks ang ilan sa confident talaga sa mga katawan nila. Bigla lalo nanuyo ang lalamunan ko ng mamataan ko si Brian. Bakit ba sa gabing ito tila palaban ang landi ko sa katawan. Naparami na yata talaga ang nainom ko..pero tila hindi naman ako maawat sa paglagok ng alak. "Tara, join na din tayo.." yaya ni Lester at Tin. Pagtayo ko, naramdaman ko ang hilo,mabuti na lamang at mabilis akong nahawakan ni Lester. "Girl, ok ka lang ba?lasing ka na nga! Ang dami mo na kasing nainom.."worried na saad ni Lester. "Hindi no... nabigla lang ako sa pagtayo" pagdadahilan ko Sa kagustuhan kong mawala ang init ng katawan ko dahil sa alak, ninais kong lumublob na din sa pool. Ayoko naman maging kj at ugat ng burden lalo na sa part ni Tin na pinaghandaan talaga ang gabing ito. Walang gatol na hinubad ko ang aking damit..kung tutuusin nga mahihiya pa si Maria Clara sa outfit ko dahil karamihan sa mga babae dito ay super hot at sexy ang mga outfit. Hindi pahuhuli don si Tin. "Haist..!" narinig kong malakas na buntong hininga ni Lester na nakamata sa akin "What?" takang tanong ko "Girl, ano ba naman yang suot mo? Ok na sana yang pa-halter effect mo, sexy na..bakit naman ang haba yata ng pang- ibaba mo?ano yan long cycling?" sabay roll ng mata ni Lester "Anong problema dito sa suot ko? Atleast komportable ako no..may hadhad kasi ako.."pabulong na biro ko "Yuck! Seryoso?" tila fifty-fifty na pag-aalinlangan ni Lester sa joke ko "Uy, bakit nandidiri ka na sa akin? Nakaka-hurt sis ah.." dagdag ko sabay tawa ng malakas. "Tigilan mo ako girl..hindi mo ako mapapaniwala diyan sa sinasabi mo..ang gusto ko lang naman eh sana gayahin mo yang mga classmates mo tsaka tingnan mo nga yung bestfriend mo..kabog ang outfit.." litanya ni Lester na may kasama pang pag pout ng lips "Ibang usapan naman kasi yan si Tin, imagine mo naman boyfriend niya ang celebrant so siempre given na paghandaan niya ito no.." eh sabit lang naman ako dito, ayoko nga sana sumama.." pagmamaktol ko. " Weh, hindi nga..if I know ka-date mo yung si Mr Sweetguy.. at tantanan mo yang kaka-deny mo at may mga mata ako na matatalas na nakakakita ng mga desires sa inyong mga mata na pilit ninyong itinatago sa isa't-isa. Mangangatwiran pa sana ako pero nakita ko ang pilyong ngiti ni Lester bago nagpaalam sa akin.. "Speaking...exit muna ako girl..bigyan ko kayo ng space.." "Here he comes.." bulong niya sa akin bago ako iniwan ng makita ko na palapit si Brian. "Hi! bati niya "Uy," bati ko..gusto kong dagukan ang sarili ko dahil feeling ko ang laki masyado ng smile ko. "Saan ang punta ni Lester? Baka naistorbo ko kayo ah.." saad nito "Hindi naman, hahanapin lang niya yung mga friends niya, kanina pa kasi siya nahiwalay..." palusot ko "Ah.." maikling reaction ni Brian Tila may munting anghel na dumaan sa pagitan namin na nakaka-awkward..kaya minabuti kong maging jolly at cool lang "Ahem.." pag clear ko ng throat "Tingnan mo si Jeff oh, halatang masayang-masaya tonight.." turo ko kay Jeff na masayang nakalublob sa pool kasama si Tin. "Oo nga eh, lalo na kasama niya si Tin.." sang-ayon lang ni Brian. "Yung mga boys at the back ha, di ko akalain na kabog ang mga swimwear tonight.." nangingiti kong sabi habang nakatingin sa mga kaklase namin. At iyon na nga, lumipas ang ilang sandali, para kaming mga auditor s***h judgemental na observer sa mga tao sa aming paligid. Sa gitna ng aming "pagsusuri" ni Brian, nagulat pa ako ng biglang naging dim ang mga ilaw.. "Naririnig yata nila tayo kaya ayan, inalisan tayo na libangan" joke ko kay Brian Pero mukhang may mas matinding rason kaya naging dim ang paligid. Ang kanina lamang na puno ng energy na ambiance ay naging cozy na dahil kanya-kanya na ng puwesto ang mga magjo-jowa. Bigla naman akong nailang sa sitwasyon at napansin yata iyon ni Brian. "Gusto mo maglakad-lakad?" yaya nito sa akin. Dahil nagsisimula ng maging romantiko ang paligid, sumang-ayon ako. Umahon kami pareho sa pool. Nag-excuse ako sandali kay Brian upang kunin ang towel at binalot ko sa basa kong katawan. Nagawi kami ni Brian sa maliit na garden at may swing chair na pang dalawahan. Naupo kami pareho don at naghari na naman ang katahimikan kaya minabuti ko na lang na lumagok ng alak na kinuha ko on our way sa garden. Napansin ko ang kalangitan na punong-puno ng bituin sa pagtungga ko ng alak. Literal na na- star struck ako sa mga bituin sa na tila isinabog at nagni-ningning sa kadiliman. "Ang ganda!" bulong ko Dahil dadalawa lang kami ni Brian at tahimik ang paligid, ang simpleng bulong ko ay umabot sa kanyang tenga. " Ang ganda nga" sang-ayon niya. Lumingon ako sa kanya, at naghihinala na baka sa akin siya nakatingin habang sinasambit iyon. Pero, nakakahiya man sabihin, hindi siya sa akin nakatingin gaya ng ine-expect ko na napapanood ko sa mga romantic movies. Dahil na din siguro sa alak , nagiging wild yata ang imagination ko or masyado yata akong nagiging asyumera. Mababakas din sa mukha niya ang pagkamangha sa ganda ng mga stars sa gabing iyon. Sa gitna na aming pag star-gazing, mas lalo kami na-amaze ng may biglang lumitaw na shooting star. Mabilis kong naalala na mag-wish kaya dali-dali akong pumikit para sa aking hiling. "Wish ko, maabot ko lahat ng mga pangarap ko sa buhay at makasama ng mahaba pang panahon ang aking mga magulang.." tanging hiling ko sa aking isip Mukha ni Brian ang bumungad sa pagmulat ko ng aking mga mata. At hindi ko inaasahan ang sumunod na pangyayari. Lumapit ang mukha niya sa akin, at feeling ko hahalikan niya ako? Tila tuod naman akong naghihintay na di malaman kung magpapadala ba ako sa agos or magre-resist ako sa bilis ng mga pangyayari. At ayun na nga, mas nagwagi ang curiosity ko--ang matikman ang matamis na unang halik. "Curiosity nga lang ba? O yung sigaw ng damdamin mo?" siksik ng isip ko Sa pagdampi ng mga labi ni Brian sa akin, para akong napapaso sa init.. Sa una ay tila hesitant din si Brian at pinakikiramdaman ang reaction ko. Wala naman akong ipinakita na pag-hadlang sa ginawa niya kaya nagpatuloy siya---at parang may sariling isip ang mga labi ko na nag-respond sa mainit niyang mga halik. Lumalim iyon hanggang sa nabitawan ko na ang hawak kong bote ng alak dahil napa-kapit ako kay Brian. Mabining hinawakan naman ni Brian ang aking mukha at leeg habang patuloy na nakalapat ang aming mga labi. Tunog ng nabasag na bote ang nakapagpa-gising sa nalulunod kong isip at damdamin. May humihiyaw na din na babae at tila hysterical ito. Awkward moment ang dumaan ng napatigil kami pareho sa aming paghahalikan. Mabilis din akong kumalas sa kanyang pagkakayapos. Bago siya nakapagsalita, mabilis akong tumayo at tumalikod.. "Tingnan natin kung anong nagyayari don, mukhang may nag-aaway.." iwas ko sa kanyang sasabihin tsaka ako mabilis na lumakad palayo. Halos nakatipon ang mga bisita ni Jeff malapit sa pool area. Nakita ko si Lester at mabilis na tumabi sa kanya. "Girl anong nangyayari?"usisa ko "Girl, may warla! Si guy na-Julie Andrews may kalafyok na iba. Kaya exsenadora etong si ate girl.." explain ni Lester sa beki language. Although hindi ko halos maintindihan ang mga salita ni Lester, gets ko naman na ang nangyayari. "Hoy girl, saan ka nga pala galing?kanina pa kita hinahanap.." naalalang itanong sa akin ni Lester. Tila ngayon lang tuloy nag sink-in sa akin ang nangyayari sa amin ni Brian. Paano pala kung biglang dumating si Ms Beauty Pageant at nahuli kami sa akto ni Brian.. "Oh! No.." wala sa loob na nasabi ko na siyang nagpalingon kay Lester "May problema ka girl?" tanong nito Nanlalambot ang tuhod ko sa takbo ng iniisip ko at feeling ko,ako yung kino-confront ng babae "Malandi kang babae ka, hindi mo ba alam na yang kahalikan mo ay may girlfriend na..!" sigaw ng babae sa nahuling kahalikan ng kanyang bf. Hindi ko na matiis ang naririnig ko sa paligid at tila nako-konsensiya ako sa nagawa ko---sa nagawa namin ni Brian! Kaya dali-dali akong umalis at tumakbo..narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Lester na tila naguluhan sa inakto ko. Sa pagtakbo ko, nakasalubong ko pa si Brian pero mabilis akong umiwas at dumeretso ng takbo patungo sa room namin ni Tin. Pagpasok ko sa loob, mabilis akong nag-lock ng pinto at wala sa sariling napa salampak ng upo. "I'm a bitch...nakikipaghalikan ako sa lalakeng alam kong may gf na.." bulong ko sa aking sarili habang nag-unahan ang mga luha ko sa pagtulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD