Overcoming the What ifs

2160 Words
"Asus---! Akala ko ba hindi yan date? Bakit may pa-flowers pa bukod sa de-hatid pa" biro ni ate Beck. Dumating ako ng boarding house na bitbit ang flowers na siya pa lang ibinulong ng waiter kay Brian. Tinanong pala nito kung what time nila iaabot ang flowers na kasama sa reservation package ni Brian.. "Bakit naman mukhang ang lungkot mo? Hindi akma sa kagandahan nitong flowers .." sabi naman ni ate Tess sabay amoy sa bulaklak "Baka naman hindi niya type kasi yung nagbigay.." singit ni ate Chi "Hindi nga ba?" Duet pa si ate Beck at Ate Tess "Eh diba si Brian yung guy? What's the problem? Ang natatandaan ko, crush mo yun diba?" pangungulit ni ate Beck. "Ewan ko nga eh..totoo ba itong nangyayari? Hindi kasi ako makapaniwala na wala na sila ni Sheena, ang sweet sweet kasi nila lagi--Baka kasi dahil lang sa nangyaring kiss kaya niya ginagawa 'to" tuloy-tuloy na sabi ko "Nag-kiss na kayo? Kelan?" halos mabingi ako sa boses ng tatlo kong ate sa boarding house.. "Aba, meron ka ng sinesikreto sa amin ah ." si ate Beck uli "Sa tingin niyo ba, counted yung kiss kahit pareho kami nakainom?" tanong ko sa kanila "At bakit naman hindi? Kahit naman nakainom ka, alam mo yung gusto at ayaw mo diba?"sabat ni ate Tess "Hindi ko maiwasan mag-doubt, kasi-- the time na hindi siya pinili ni Sheena tsaka lang siya naglakas loob na magtapat sa akin? Paano pala kung gusto pa din siya ni Sheena eh di tuloy-tuloy yung relationship nila with his "ideal girl or sabi nga niya every man's ideal girl " sarcastic kong kwento "Jusmiyo Marimar ! Sinasabi ko na nga ba--nagje-jelly ka noh kaya ka nagkaka-ganyan?.. Sabagay yung selos ay malaking indicator na may gusto ka din talaga sa kanya!" malakas na boses ni ate Beck sabay kiliti sa akin "Ssssh! Hinaan niyo ng kaunti ang mga boses ninyo at baka marinig tayo ni lola.." remind ni ate Tess "Ano pa ba kasi ang ikinakatakot mo? Imagine ha-- yung effort ni Brian from reservation ng restaurant---sa pagibigay ng flowers na diba universal language of love---(with feelings pa talaga at lagay ng kamay sa dibdib)... tsaka yung honesty niya sa estado ng relationship niya kay Sheena..and siempre, mawawala ba sa bilang yung KISS!!!! ( sabay-sabay silang tatlo talaga sa pagbigkas ng word na kiss ) hindi ba sign yun na may gusto talaga siya sayo?" nakangiti na speech ni Ate Beck. "Tama! hindi na importante yung past niya kay Sheena--ang mahalaga yung present-- at ikaw yun..Ayie!"si ate Tess naman. Eh, what if hindi kami click sa isa't-isa? Kasi hindi naman ako yung klase na "ideal girl" na main factor kaya nagustuhan niya si Sheena.." dagdag worry ko "Kung yun lang basis niya, bakit siya nag-confess sayo? Given naman sa mga lalake or even sa atin mga babae na attracted muna tayo sa physical aspect.." si ate Beck "Tsaka kung love mo siya, you will take a risk, diba Beck? Unless wala ka naman feelings din sa kanya.." dagdag ni ate Tess "Ang akin naman, kung saan ka masaya aming "bunso", go! Pero sabi nga "follow your heart but take your brain with you.." remind naman ni ate Chi "Oo, pero sabi naman "your heart knows the things that your mind can't explain"..parang si Brian! Sabi ng isip niya Sheena! pero sabi ng puso niya Ella.." si ate Beck uli "Wow! Ang lalim ng mga yan ah.."biro ko sa kanilang mga advice. Sa kabila ng mga encouragement sa akin ng mga ates ko, nakatulog ako ng may mga "what-ifs pa din na nanunukso sa isip ko.. "Bahala na! Eto na nga ba ang sinasabi ko eh.. distraction! Pero bakit ganon? Sa lahat naman yata ng distraction, eto ang paborito ng lahat---nakaka-addict nga yata ito. **** Bago ako umalis ng boarding house para pumasok...naka-received ako ng text from Tin. "Late na ako nagising! Habol na lang ako, kaya don't wait for me" Dahil dito, hindi ko na dinaanan si Tin sa kanilang boarding house gaya ng everyday routine ko. "Hi! Good morning!" mabilis naman bati ni Brian na naghihintay sa harapan ng kanilang gate. "Morning!" bati ko din with simple smile at derecho ng naglakad. "Si Tin, hindi mo ba hihintayin?" tanong ni Brian "Baka ma-late daw siya--hahabol na lang"maikling kwento ko. Dahil maaga pa naman at tsaka hindi din regular ang klase, para kaming naglalakad lang sa park sa bagal namin. Maya-maya, dumikit sa akin ng maigi si Brian at pasimple niyang inabot ang kamay ko na medyo ikinabigla ko din. "Ano sa tingin mo yang ginagawa mo?" sita ko "Hinahawakan ang kamay mo.." pa-pilosopo niyang biro "Oo nga, at bakit?" balik tanong ko "Ayaw mo ba?"kunwaring nalulungkot na sabi nito Ano nga ba ang isasagot ko?Ayaw ko nga ba? tanong ko din sa sarili ko "Baka may makakita sa atin.."sagot ko instead. "Ayaw mo ba malaman nila?" tanong uli ni Brian na hindi pinapakawalan ang aking kamay "Binigyan na ba kita ng sagot?" Hindi ba ang sabi mo, hindi mo ako mamadaliin?" paalala ko pero hindi naman tumututol sa pagkakahawak niya Pero bago makasagot si Brian ay narinig namin na may tumawag sa kanyang pangalan at siya din pag-pumiglas ko sa pagkaka-hawak ng aming mga kamay Si Jeff--- "Si Tin?hindi ninyo kasabay?" tanong nito na tila confused kaya "Sorry! am I interrupting something yata?" may panghihinala sa tono ng boses nito habang tila nang-uusig makatingin sa amin ni Brian. "Male-late daw siya ng kaunti.." maikling sabi ko tsaka ako nauna ng lumakad. "Wait Ella sabay na kami.." habol ni Jeff Pagdating sa aming room, instead na dumerecho si Brian sa likuran kasama ng ilan sa mga boys at the back---naupo ito sa tabi ko. "Anong ginagawa mo?"mahinang sita ko "Wala pa naman si Tin--para hindi ka mainip, samahan na kita.." katwiran nito "Bahala ka na nga!" tanging sabi ko, dahil nakita ko na palapit muli si Jeff sa amin. "Ok lang ba makaistorbo sandali?" biro ni Jeff Ngumiting aso ako bilang pagtugon.. "Lowbat pala ako eh, -makiki-text nga ako Ella kay Tin if ok lang, baka makalimutan niya dalhin yung naiwan ko sa kanila kagabi na notebook..ngayon ko lang biglang naalala" favor ni Jeff "Tawagan mo na baka hindi niya mabasa agad kung magmessage ka lang dahil sigurado ako nagmamadali na gumayak yun.." abot ko sa kanya ng cellphone ko "Thanks!" si Jeff after kinuha ang cellphone ko ay lumabas muna ito ng classroom upang tawagan si Tin. Paglingon ko kay Brian, nakapangalumbaba ito na nakatingin sa akin.. "Nagpapa-cute ka ba? " "Oo sana, baka sakali hindi mo na ako sungitan.." "Sorry! Hindi mo ako makukuha diyan sa pabebe mo.." "Ah ganon ba? eh kung ganito kaya baka gumana?" from pa-cute, suplado look ang ginawa ni Brian with kunot pa ng noo Hindi ko naman naiwasan mangiti sa witty side niya "Uy! mas effective pala kapag ganito" si Brian. Tsaka niya tinodo ang suplado look niya na papunta na sa grumpy mode.Dahil doon, pinatitigil ko siya na tila kami nagkukulitan. "Ehem!!" si Jeff "Isasauli ko lang 'tong cp mo Ella..Thanks! Balik na kayo sa ginagawa niyo.." pang-aasar ni Jeff pagka-abot sa akin ng cp ko. Tsaka ko binalingan muli si Brian "Ikaw kasi eh, tingnan mo mukhang nakakahalata na si Jeff. "Bakit may kailangan ba tayong itago?Ayaw mo ba na nakikita nila na close na tayo?" tanong ni Brian "Ayaw ko nga ba?muli kong tanong sa sarili ko Ngunit bago pa ako makaapuhap ng isasagot ko ay dumating na din sa wakas si Tin. "Hmmmm...nini? anong nangyayari?minsan lang akong na-late, mukhang may na-missed akong ganap sa buhay mo na feeling ko napaka-precious.." exaggerated na sabi ni Tin "Ang OA mo.." palusot ko. Bago tuluyang mangulit si Tin ay dumating na aming prof at wala na din itong nagawa, pero nagsulat ito sa papel. "Magku-kwento ka sakin mamaya ha, sa ayaw at gusto mo kung ayaw mong kay Brian ako magtanong.." may pagbabanta sa sulat nito kaya naman tinapunan ko siya ng wry smile. Dahil irregular nga ang klase pero madami kaming assignments at takehome quiz---dating gawi kaming apat --derecho ng library before ang practice ng sayaw sa aming presentation. At gaya ng nakagawian, magkatabi sina Jeff at Tin..ako at si Brian, but this time, mas malapit sa sakin si Brian at mukhang walang pakialam sa sweetness at kakulitan na ikinikilos nito towards sa akin kahit na matamang nakamasid si Tin. Hindi din naman ako tumututol, dahil sa tingin ko mas makakahalata si Tin or ayaw ko man aminin--nagugustuhan ko din ang nangyayari? Habang seryoso at kanya-kanya na kami sa pagbabasa at paggawa ng homework--mabilis na inabot ni Brian ang kamay ko at dinala iyon sa ilalim ng mesa. Tumingin ako sa kanya bilang warning pero pinisil lang niya iyon at hindi na binitawan at kunwari'y busy sa pagbabasa. Maagap akong luminga kina Tin at mukhang hindi naman nila napansin iyon dahil nasa libro lang ang mga atensiyon nga mga ito. Ang hirap talaga kalaban ng sariling damdamin--kahit anong"NO" na sigaw ng isip ko, hindi naman kumikilos ang katawan ko upang bawalin si Brian. May magagawa pa ba ako? Hindi ko akalain na ganito ang epekto sa akin ng simpleng holding hands ko kay Brian. Para akong nakainom ng energy drinks--na-inspire ako sa bilis ng pagsagot ko sa aming assignment. Napaka-gaan at napaka-dali sa akin sagutan ang mga dati'y boring at difficult set of questions. Nakakarinig ako ng musika sa kabila ng tahimik na atmosphere sa loob ng library. Habang nakatagong magka-hawak kamay kami ni Brian ay panaka-nakang kaming tumitingin sa isa't-isa at wala sa sarili kaming napapangiti kahit kunwaring seryoso sa pagbabasa, pagsusulat at pagsasagot. At simula noon--kahit hindi ko pa nasasabi ang matamis na "OO", masasabing may pag-uunawaan na kami. "Actions speak louder than words" sabi nga. Pero hindi kami lantaran pa kung anuman ang meron kami dahil yun ang desisyon ko. Gusto ko maging lowkey anuman meron kami at iwas issue na din muna. Hindi din naman na ako muling kinulit ni Tin, kahit alam ko na nakakhalata na sila ni Jeff. Minsang nasa library kami, pasimple akong niyakag ni Brian patungo sa "Theses Section" kung saan bihira ang mapadpad na mga estudyante sa sem na iyon bukod pa sa ito ang pinaka-isolated corner ng aming library. "Anong ginagawa natin dito?" bulong na tanong ko kay Brian Instead na sumagot ay bigla niyang sinakop ang mga labi ko ng ilang segundo. Mas mabilis iyon kesa sa unang pagkakataon na pagsasalo namin ng halik--pero tila huminto ang oras at parang daig ko pa ang nakainom ng alak dahil sa nakakalasing na dulot ng mga halik niya. Totoo pala ang ganoon na moment--How can this man suddenly makes me feel weak yet lively? Bigla na lamang naglaho ang mga "what ifs" ko dahil mas takot siguro ako sa regrets.. This is it, Ella! No turning back--cheer ng puso ko. Maski sa practice ng aming sayaw--slayed namin ang tinginang malagkit na bilin sa amin ng aming instructor at hindi lang iilang beses na napansin yun.. "Gayahin ninyo sina Mr Domingo and Ms. Esteban! walang kurap-kurap sa pagtititigan..Kailangan yon at ng mas ma-interpret ninyo mabuti yung sayaw." boses ni Mr. Montejo habang nag-oobserve sa aming dance practice. Hindi ko maiwasang pamulahan palagi ng pisngi lalo na at panay din ang ship sa amin ng aming mga classmates. "Mukhang may namumuong "loveteam" ---biro pa ng ilan. Kung dati-rati ay defensive ako at pikon pagdating sa usaping ganito...ngayon ay tahimik lang ako at ngingiti-ngiti lang na gaya din ni Brian--"no deny but no admit" kumbaga. "Artistahin ang peg" sarcastic na bulong ng isip ko May mga pagkaktaon din na obviously binibigyan kami nina Tin at Jeff ng "pagsosolo moment". Yung tipong magkakasama kami pumunta sa library pero mauuna na sila umuwi or magpapa-iwan kuno muna sila. Pati sa tambay moment namin sa canteen ay ganoon din ang ginagawa ng dalawa. Kaya kahit hindi pa man ako nakakapag-open up kay Tin about sa "something" namin ni Brian, ay mukhang meron na siyang hint. Thankful ako na hindi ako naging masyadong nosy dati sa kanya about sa relasyon nila ni Jeff... instead I waited for the right time na magse-share siya sa akin. It seems na ganoon din ang isinusukli niya sa akin. At ngayon ko din mas lubos na nauunawan ang sitwasyon niya with Jeff---kagaya ng mga time na hindi ako kasama sa mga lakad nila specially the less time spend with me. Lalo na kung nagsisimula pa lang umusbong ang relationship---Nanaisin mo pala palagi na i-savor ang bawat segundo na kasama yung tao na nagbibigay sayo ng kakaibang saya at excitement. "Being with him is like heaven on earth, thoughts of him-- bring sweet smile to my face and with his simple touch makes me forget the rest of the world" ilan sa mga nababasa at nilalampsan lang ng mga mata ko dati na mga love quotes pero ngayon, lubos ko ng nauunawaan ang kahulugan ng mga ito dahil in reality nae-experience ko na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD