Declaration of Feelings

1996 Words
Pagdating ko sa boarding house ay naabutan ko si Ate Beck. "Hi ate..bakit ang aga mo? Wala kang klase?" nagtatakang tanong ko. "Umuwi na ako, kasi may dysmenorrhea ako, buti na lang irregular ang class.." explain niya "Ah..kumusta pakiramdam mo? Ok ka lang ba? " concern na tanong ko dahil mukha nga siyang namumutla. "Ok na ako, eto nga napabili ako ng pang hot compress kasi naiwan ko sa bahay yung gamit ko..tsaka uminom na din ako ng gamot.." kwento niya. Ako naman ay hindi ko malaman ang gagawin..andiyan na uupo--tatayo --at lakad-lakad..--Nag-iisip ako kung tama ba na sinabi kong mag-uusap kami ni Brian..Pero hindi ko alam kung saan.. "Ano ba itong pinaggagawa ko.." bulong ko sa sarili ko. "Ikaw Ella? Ok ka lang ba?" usisa tuloy ni ate Beck. Biglang may naisip akong itanong kay ate Beck ng mapagtanto ko na baka siya ang makakapag bigay sa akin ng great idea about sa pino-problema ko.." "Ahm, ate Beck..diba bawal sa school yung sa inyo ni Sir Galang?" hesitant na tanong ko "Oo, bakit bigla mo naitanong?" curious na saad ni ate Beck "Eh, saan kayo nagde-date? Diba lumalabas kayo? Pano kung may makakita sa inyo?" curious din ako bigla sa tanong ko "Ah..unang-una, hindi kami sabay pumupunta sa tagpuan namin, second,--late na kami magkita-- yung tipong wala na masyadong tao..and third--kakilala niya yung may-ari ng restaurant kaya pinapa-reserved niya kami sa medyo isolated area.." Teka, don't tell me? May date ka na illegal din?" natatawa pang saad ni ate Beck "Hindi ko mako-consider na date kasi mag-uusap lang naman kami, pero kailangan na walang makakita sa amin.." explain ko "Aruy..sino yan?si Brian ba yan? Bakit kailangan niyo magtago kung mag-uusap lang kayo?"tanong niya sa akin "Oo nga, naisip ko din..pwede naman kami mag-usap ng casual lang..haist ako lang ba ang nagpapalala ng issue?". tanong ko din sa sarili ko. Nagbihis ako ng damit pero casual lang, yung tipong presentable lang..pero hindi ko naman maiwasan mag spray din ng cologne kasi bukod sa routine ko na, pinagpawisan din ako sa rehearsal namin. "Oh, nakapag-decide ka na kung saan ang tagpuan ninyo?" tanong ni ate Beck ng makita niya ako na nakagayak na "Parang hindi suitable yung word na tagpuan.." defensive na sagot ko "Naku, naku..! marunong ng magpalusot..basta may utang kang kwento sa akin ha?" pangungulit ni ate Beck "Not interesting naman ang kwento ko, kaya wag mo na asahan.."palusot ko muli bago nagpaalam Habang naglalakad ay nag-pm ako kay Brian "Hi! Babalik ako ng school, I guess doon na lang tayo mag-usap.." simpleng message ko Pagkatapos kong magsend ay nahinto ako sa paglalakad dahil nakita ko si Brian sa harapan ng kanilang gate. "Akala ko, iindianin mo na ako.." "So sa school tayo? Ayaw mo bang kumain na lang tayo sa labas?Pwede din naman tayo mag-usap doon.." suggestion ni Brian "Hindi na kailangan---sandali lang naman tayo mag-uusap diba?tsaka kung tututusin nga pwede na tayo mag-usap dito.." sarcastic na sabi ko "You mean, dito sa gitna ng kalsada?" medyo nangingiti na sabi ni Brian Tsaka ko napansin na nasa gitna nga kami ng kalsada.. "Whatever!" maikling sabi ko tsaka ako lumakad ng nauna. "Ella! wait..sabay na tayo.." habol ni Brian "Alam mo, habang naglalakad tayo..mag-usap na tayo--- Ano ba kasi ang pag-uusapan natin? May itatanong ka ba? Ako kasi wala..kaya kung pwede itanong mo na at ng masagot ko na at ng matapos na ang usapang ito.." pagsusuplada ko "Sa tingin mo wala ba talaga tayong dapat pag-usapan after what happened?"balik tanong niya Bago ako nakasagot ay nagulat na lamang ako at hinila niya ako. May mabilis na dumaang motor. At sa isang iglap, bigla akong kinabahan sa takot ng ma-realized ko na muntik na akong mahagip nito at tila isang dejavu ang nangyari. "Ok ka lang?" tila worried na tanong ni Brian. Napa-buntong hininga ako at parang nanlalambot pa ang mga tuhod ko sa kaba. "Sabi ko sayo, hindi tayo pwedeng mag-usap sa gitna ng kalsada eh.." pagbibiro ni Brian. "Pwede ba na tuldukan na natin 'to? Pareho tayong nakainom that night and big deal na ba ang kiss ?sa generation natin ngayon, normal na yun-- So pwede naman natin kalimutan na lang lahat iyon as if walang naganap na ganon..from there, hindi ka na mag-aalala na masisira ang relationship ninyo ni Sheena.." naiinis na sabi ko pero deep inside parang nasasaktan ako "So, para sayo wala lang iyon ? Nakainom ka lang kaya nagawa mo yun?" Hindi yung relasyon namin ni Sheena ang gusto kong pag-usapan natin..yung sa ating dalawa.." Pwede ba na pumunta tayo sa isang lugar na makakapag-usap tayong mabuti.." pakiusap ni Brian Dahil napalakas ang mga boses namin, nakakuha kami ng atensiyon sa paligid. Bigla tuloy akong na-conscious baka isa sa mga kakilala namin ang makakita sa amin ni Brian. Kaya pumayag na din ako sa idea ni Brian "Ok fine..! Tara na at ng matapos na ito.." tapang-tapangan na sabi ko.. "Pls stay here, I'll be back in a minute.." nagmamadaling sabi ni Brian tsaka tumakbo ng mabilis pabalik sa bahay nila. "Ha?! tanging saad ko Confused man ako, wala na din ako nagawa kundi hintayin siya..yun pala ay kinuha niya ang sasakyan nila Gusto ko na sanang umatras pa pero may magagawa pa ba ako, kundi mabilis na kumubli bago tuluyang sumakay na din sa sasakyan. Pagpasok ko ng sasakyan, bumaling siya sa akin at mabilis akong umiwas.. "Seatbelt lang po Miss suplada, akala mo iki-kiss kita?" biro nito "Asa ka...!" singhal ko sa kanya. "Ang cute mo mag-sungit.." si Brian na todo smile pa Feeling ko mas naging komportable si Brian sa akin after that moment---hindi na siya hesitant mag-joke sa akin at naging generous din siya sa mga ngiti niya. Pero gusto ko pa din lagyan agad ng wall ang pagitan namin dahil mahirap na.. baka tuluyan akong mabitag ng charm niya. "Saan ba tayo pupunta?" pag-iiba ko "Trust me, magugustuhan mo yung place..15 minutes drive lang yun" sagot ni Brian. Pinili kong lumingon na lang sa bintana habang biyahe. Si Brian naman ay nagbukas ng music. "Alam mo ba, may radio station ang university at mga estudyante ang dj?"inform sa akin ni Brian. "Not really, ngayon ko lang narinig yan.." maikling sagot ko Dahil umere na sa radyo ang dj at curious din ako--pinili kong tumahimik at makinig-- na-gets naman iyon ni Brian. "It's quarter after five! And you're all still with me---DJ MariQuiz..." Guys! Have you heard a song that has a distinctive lyric or word that seems to be unusual for a song? What I'm talking about here, is the word "centrifugal" which is the least likely word for pop song lyrics, right? Do you guys agree? Do you know the song?! Well--- before I reveal the title of this song and before kayo maguluhan---- I will share with you some insight.. Based on Google-- Centrifugal means moving or tending to move away from a center! It make sense guys!.... Because this song "This Kiss" --so ayan na nareveal ko na ang title! Sino ba naman sa atin ang naka-experienced ng ating first kiss without the pakiramdam of spinning around? Ayieee! kinikilig na naman ang DJ Mariquiz ninyo--- Here is "This Kiss" by Faith Hill at JWU 88.7 FM Radio.!" "Seriously--This Kiss talaga ang song?! Sinasabotahe ba ako ng mga stars na tanging witness sa naganap sa amin ni Brian? At dumagdag pa itong si Brian dahil nagwi-whistle pa in some parts of the song. Kung hindi lang ba awkward yung mga lyrics eh baka naki-kanta na din ako.. Matapos ang kanta, sakto naman na dumating na kami sa place. Vizencio's ang name ng naturang Garden Restaurant. Niyaya na ako ni Brian na bumaba at pumasok sa loob. "Sir, what name po ang under your reservation?" tanong ng receptionist "Reservation?!" napalakas na tanong ko "Yes Ma'am, reservation based po kasi kami.."kalmadong explain nito "Brian Domingo"singit ni Brian "This way Ma'am and Sir" saad nito, after ma-confirmed ang reservation slot ni Brian Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang humanga sa interior design ng restaurant..pinagsamang modern classic and nature inspired. Sa outdoor dining ang aming puwesto. May mga tao pero maayos ang gap for privacy. May mga puno kung saan nakasabit ang mga led lights na litaw ang ningning nito lalo na at dapit-hapon na. Hindi ko akalain na mas maa-appreciate ko ang bougainvillea na kulay rosas ang bulaklak na mayabong na gumapang sa pergola. Elegante at creative rattan ang furnitures nila. Pagkaupo namin ay lumapit ang waiter kay Brian at bumulong..Kahit curious ako, hindi na ako nagtanong pa.. "Ok lang ba? Nag advance order na ako ng food..but don't worry walang peanuts yung in-order ko.."inform ni Brian "So ibig sabihin pala nito, ine-expect mo na, na mapapapayag mo akong sumama sa'yo dito?" may panunumbat sa tono ng boses ko. "Not really, nagbaka-sakali lang ako..Hindi mo ba nagustuhan yung place?"saad ni Brian Feeling ko tuloy napaka ungrateful ko "Hindi na lang kasi isantabi yung arte.." bulong tuloy ng konsensiya ko. "That's not my point! ang inaalala ko lang din baka may makakita sa atin at mamis-interpret, tapos makarating kay Sheena----naputol ang pagsasalita ko dahil biglang sumingit si Brian. "Wala na kami ni Sheena---"si Brian "Niloloko mo ba ako?Lagi kayong magkasama---na super sweet na malayo sa sinasabi mong wala na kayo.."naguguluhan na sabi ko. "Ok...ang gusto ko sanang pag-usapan natin yung about sa ating dalawa---pero to clear things, I'll tell you what really happened." "Sheena is---bisexual! Yes, she was attracted to me but he only used me to confirm her real feelings--but eventually, she is more into Carol! "Carol?!" singit ko dahil naalala ko yung kasama ni Sheena sa movie marathon namin sa bahay nila Brian. "Yes, si Carol--I believe you met her na and you always see her around lang kasi akala natin lahat bestfriends sila ni Sheena.." Don't get me wrong, I'm not saying this para siraan si Sheena. I mean I was attracted to her too and I thought I was inloved with her.." si Brian "Sa sobrang honest yata ni Brian, may kurot akong nararamdaman--kurot yata ng selos!" "She's gorgeous--everyman's ideal girl kumbaga!"patuloy ni Brian "Pls stop it" bulong ng puso ko. Nasasaktan nga ako, kaya tila lumalabo yata yung pandinig ko at buka lang ng bibig ni Brian ang nakikita ko at hindi ko na naintindihan pa ang mga sumunod na sinabi niya. "Ella? are you ok? I mean, hindi mo naman kailangan bigyan ako agad ng answer..hindi naman kita minamadali, I can wait until sure ka na sa feelings mo.." saad ni Brian na ikinalito ko lalo "Teka! ano nga uli yung sinasabi mo?"ulit ko "I said, I'm sorry kasi I tried so much to resist my feelings for you kasi ang akala ko si Sheena ang ideal girl na para sa akin.." I keep telling myself na you are not my type--not even my kind of girl! Pero my heart tells otherwise! Lalong lumakas ang loob ko na sundin yung puso ko since the kiss---I never felt that way with Sheena..what I'm saying is I'm inlove with you Ella!" confess ni Brian with paghawak pa sa kamay ko. Nawindang yata ang isip at puso ko sa bilis ng mga pangyayari. "Is this a joke or prank?Hindi magandang biro 'to Brian" warning ko "Ella naman eh, magagawa ko ba sayo yun..Alam ko naguguluhan ka or nabibigla ka?Pero huwag mo naman sana isara yung chance na mapatunayan ko sayo na totoo lahat ng sinabi ko.."explain ni Brian. "Ang alam ko lang kasi, nandito tayo ngayon para linawin lang yung nangyari sa atin--na pareho tayong nakainom kaya----" naputol na naman ang sinasabi ko "Do you really think na dala lang alak kung bakit nangyari yun?Ako kasi, kahit nakainom ako..sure ako sa sarili ko na ginusto ko din talaga yun" si Brian Mabuti na lamang ay dumating na ang pagkain dahil parang hindi ko alam ang sasabihin ko. For now, nalilito ako although deep inside alam kong may feelings din ako towards Brian pero hindi ko makuhang aminin sa kanya agad yun ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD