Defensive Escape

1943 Words
It's Monday again! Sabi nila dapat simulan ng goodvibes ang araw na ito para maghatid ng positive energy sa buong week. Pero, eto na yata ang Monday na I'm not looking forward to. Kaya naman, medyo nagpa-late talaga ako sa pagpasok sa first period. Yung tipong kauupo ko lang, kasunod ko na ang aming prof. Isa yan sa mga strategy na naisip ko para sa #oplan erase shameful moments. "Bakit ngayon ka lang?" habol na bulong ni Tin "Sssh.." andito na si prof.." warning ko lang kay Tin na nag-pout lang ng lips. Pero mukhang sasablay yata ang plan ko dahil next week na nga pala ang foundation day ng aming university, binigyan lang kami ng mga kailangan namin i-accomplish before ang masaya daw na celebration ng Foundation Week. At dahil don, hindi pa man nag-uumpisa ang non- academic classes week, happy at excited na ang lahat. Most of our days this week kasi ay igugugol namin sa pagpa-practice ng aming presentation. Wala naman kaso sa akin ang presentation lalo na at pagsasayaw ito..kayang-kaya ko! Kaya lang, feeling ko nag betray sa akin ang buong universe! Sa loob ng dalawang araw na pag-iipon ko ng lakas ng loob at paggawa ng plano para makaiwas kay Brian, kami pa talaga ang magka-partner sa sayaw. At hindi lang basta sayaw..waltz dance with music of Thousand Years ! "Hoy! bakit naman mukhang Biyernes Santo yang mukha mo? Tingnan mo nga ang lahat masaya, bukod tangi ikaw lang mukhang pinagkaitan ng tadhana..." paninita ni Tin "Pwede ba tayo magpalit ng partner?" sagot na tanong ko kay Tin "Bakit? I mean, ngayon ka pa ba naman naiilang kay Brian?" pilyang sagot ni Tin Bigla akong kinutuban sa pahayag ni Tin, may alam ba ito tungkol sa namagitan sa amin ni Brian? Kaya sumimple ako ng pang-uusisa. "Bakit naman ako maiilang sa kanya aber? Ang inaalala ko lang, baka hindi yan mag-aattend kasi diba remember noon acquaintance party, never siya sumayaw.." palusot ko "Pero remember noong birthday party ni Jeff sumayaw siya? I mean kayong dalawa? Yung sweet pa nga diba?remember?" At tsaka iba naman ito, may kalakip na grades ang performance.."sagot ni Tin na may kalakip na pang-aasar. "And speaking, tutal nasa topic na din naman tayo...anong meron sa inyo ni Brian sa garden last Friday? Ihhhh...dali-dali! excited ako sa kwento mo.." mahinang tili ni Tin Lalo akong nag-worry---at what extent ang alam ni Tin? Kailangan ko talaga malaman,kung kailangan mag-deny gagawin ko alang-ala sa kahihiyan ko. "What do you mean? Hello? We went there sa garden kasi naman---bigla na lang kayo naging mga kissing gouramis doon sa pool. Kaya naghanap kami ng place na hindi kami magiging outcast" explain ko... "So, you mean nagkwentuhan lang kayo doon? Walang ibang naganap?" usisa ni Tin "Bakit? Nakita mo ba kami na may naganap?" mataray at lakas loob kong tanong at ng matapos na ang paghuhulihan namin ni Tin "Wait, bakit ang sungit mo?kaya nga kita tinatanong eh.. gusto kong malaman..kasi nakita ko kayong dalawa papunta doon. Kung hindi lang ba ako busy, eh di sana sinundan kita at minanmanan. Hindi na sana ako nagtatanong sayo ngayon.." maktol ni Tin Finally, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib sa mga sagot ni Tin. It's nice to hear na wala itong alam sa nangyari. "How about yung maitim na balak mo kay Jeff, naisakatuparan mo ba?" naalala ko itanong, sakto na din upang mabaling sa iba ang topic. Mahinhing ngumiti si Tin at pigil ang kilig. "Ano na?natuloy ba?" napalakas na tanong ko na nakakuha ng atensiyon sa iba "Sssh" ano ka ba,hinaan mo nga yang boses mo..nakakahiya baka may makarinig!"sita ni Tin "Ayaw mo kasi ako sagutin ng deretso eh..ano na? May nangyari ba?" ako naman ngayon ang makulit. "Parang oo, na hindi.." unsure na sagot ni Tin "Ano?! Ang g**o mo! Oo or hindi lang ang choices sa tanong ko.." inis na sabi ko "Ganito kasi yun.." luminga-linga muna si Tin sa paligid. Since lahat maingay at busy sa kanya-kanyang kwentuhan nagpatuloy na siya sa pag kwento sa napaka-hinang bulong ever. "Yung time na nakita ko kayo ni Brian going to garden..niyaya ko naman si Jeff going to his room.." panimula ni Tin na naputol dahil sa exaggerated kong reaction "Ikaw talaga ang nagyaya?!" napalakas ko na naman na boses "Sshh! Ano ka ba,hinaan mo nga sinabi ang boses mo..tsaka ano ba, magku-kwento ba ako or wala kang gagawin kundi sumingit?" gigil na sabi ni Tin pero halata naman na excited din siya mag-kwento. "Mga babae nga naman, kiss and tell talaga!"Sumingit na bulong ng isip ko pero hindi ako isa sa kanila. Maybe, iba ang sitwasyon namin ni Tin. Siguro nga kung official girlfriend ako, baka excited din ako gaya ni Tin na magkwento. That thought hits me hard, na nag-reflect yata sa mukha ko. "Uy! Nakikinig ka ba?parang ang lalim ng iniisip mo.."sita sa akin ni Tin "Oo, naman...tapos ano na nangyari?" palusot ko "Yun na nga, pagdating namin ng room....nini I never thought na may wild side ako, maybe nakainom din ako kaya ganon" ---"relate ako sa nakainom!" singit ng isip ko "Then, ayun na nga, I kissed him first then noong una passionate lang..tapos alam mo na, naging aggressive kami pareho------" "Wait, need ko ba i-kwento in details?parang ang awkward na friend.." putol na kwento ni Tin. May point naman siya--agree ng isip ko "Ang gusto ko lang naman kasi malaman kung may nagyari ba sa plano mo..ikaw lang kasi yung magulo.." bweltang biro ko "Sabihin na lang natin na virgin pa din ako there-----pero in some parts hindi na.."nahihiya pero kinikilig na pag-amin ni Tin sabay kurot pa sa aking tagiliran. "landimoore ka!"singit ko sa beki language na natutunan ko kay Lester. "Kasi naman, remember yung eksena na love triangle? Yung confrontation ng girlfriend versus kahalikan fling ni--- ano na nga name ng kabarkada ni Jeff na yun.." pumipitik pitik pa si Tin habang pilit na nire-recall ang name ng lalake na involve sa awayan ng dalawang babae. "Ayun! Si Dennis! kung hindi siguro nangyari yung basagan ng bote at lakas ng sigaw ni ate girl, hindi mauudlot yung moment namin ni Jeff..baka tuluyan ko ng naibigay ang ultimate gift ko.." kwento ni Tin "So, pareho pala kami..pero yung sa akin ikino-consider ko na saved by the bell ako ng awayan na yun..Kung hindi nangyari yun, malamang kahit hindi birthday ni Brian, nakapagbigay din ako ng ultimate gift" bulong ko sa isip ko. "Eh after ng eksena,bakit hindi niyo itinuloy?" habol tanong ko "Ewan ko ba, parang nawala na kami sa momentum kasi naman bukod sa inaantok na din kami dahil nakainom kami pareho..parang napagod din kami sa pag-entertain ng mga guests...Tsaka doon nga sana ako matutulog sa room natin kasama mo dahil inaalala kita, pero pinag-locked mo naman ako ng pinto.."inform ni Tin "Iniisip ko nga baka may kasama ka din sa loob---" "Excuse me!" madiin na tanggi ko sa sinasabi ni Tin na may kasamang pagroll ng eyes "Ay! Defensive naman masyado nini.." pang-aasar ni Tin Hindi na ako kumibo para hindi na mas humaba pa ang usapan, knowing Tin baka mamaya niyan may hint pa ako na maibigay sa kanya. "Tara sa library..gawin na natin yung ilan sa mga homework natin at mamayang 3pm start na ng practice ng sayawan natin.." yaya ni Tin Sakto naman palapit sina Jeff at Brian. Biglang kumabog ang dibdib ko..yung effort ko na hindi tapunan ng tingin si Brian sa ilang oras na klase namin ay mapupunta na naman sa wala. Kaya naman panay ang remind ko sa sarili ko "Chill Ella--remember, wala kang naalala or kung meron man, no biggie deal diba?" paulit-ulit na bulong ko sa aking sarili. "Saan ang punta ninyo?"tanong ni Jeff na nakatingin lang kay Tin at tila may puso pa ang mga mata. "Sa Library kami.." biglang singit ko para kay Jeff ako tumingin. Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na pilit hinuhuli ni Brian ang mga tingin ko. "Sama kami" bigla namang sabad ni Brian at dahil don at nawala sa isip ko na mapalingon sa kanya. "Let's go" sabi naman ni Tin sabay hawak sa braso ni Jeff.. Super extra sweet sina Jeff at Tin habang naglalakad kami going to Library. Ganon yata talaga at ibang level na ang relasyon nila. Kami naman ni Brian ay parehong tahimik at nakikiramdam sa isa't-isa. Umabot ng library na walang kibuan na naganap sa amin ni Brian. Sa gitna na aming tahimik at sari-sariling paggawa ng homework, tumayo ako at naghanap pa ng libro na reference ng ilang homework ko. Napa-igtad ako ng may bigla na lang umabot sa libro na struggling ako sa pagkuha. Pagharap ko---(s**t!sigaw ng isip ko) walang iba kundi si Brian. Na-corner na ako, pero hindi ako makapapayag na mapunta sa wala ang effort ko. "Thanks!" maikling sabi ko "Ella, Can we talk about what ha-----" naputol na sabi ni Brian Alam ko na kung saan mapupunta ang usapan kaya naman iwas ako to the maximum level. "Ay wait---! Mukhang tinatawag ako ni Tin..tara! baka kakain na, may practice pa din kasi tayo.." pagkasabi ko ay mabilis na akong umalis patungo sa kinaroroonan ni Tin. Bago pa makasunod si Brian, niyaya ko na si Tin na kumain at ni-remind ang oras. Walang nagawa si Brian dahil totoo din naman na kailangan na namin kumain para hindi kami magahol sa oras ng practice.. ********** Time of rehearsal---- 1---,2----step, 1---,2 ---step Focus on your partner! Eye to eye contact! Malakas na sigaw ng Dance Instructor namin na si Sir Montejo--- kasabay ang pag-tap ng hawak nitong stick. "Ella, pls?pwede ba tayong mag-usap" si Brian "Brian, pwede ba magfocus muna tayo dito sa ginagawa natin? Nakasalalay ang grades natin dito kaya pls itigil mo muna yang personal matter .." pakiusap ko sa kanya sa gitna ng aming pagsasayaw. "Just say yes na mag-uusap tayo after this, I will stop na sa pangungulit" dagdag ni Brian Hindi ako kumibo, instead lumingon ako sa iba para iwasan ang tingin ni Brian. "Tokk--tokk! Tunog ng stick ni Mr Montejo "Eye Contact!" remind niya sa akin habang umiikot at nag-oobserve sa aming lahat sa pagsasayaw. "I'm trapped again!" naisip ko,ng ibalik ko ang tingin kay Brian. Wala sa sarili na napangiti si Brian dahil dito... kaya naman napairap ako ng todo sabay simpleng kurot sa tagiliran niya. Dahil hindi iyon inaasahan ni Brian ay nawala siya sa tiyempo ng sayaw. Hindi iyon pinalampas ni Mr Montejo kaya nilapitan kami. "Both of you, mamaya na yang flirting ninyo after this practice ok?" Istriktong sabi ni Mr Montejo na hindi nakalampas sa tenga ng mga classmates namin. "Uuuyyyyyy!" Sabay-sabay nilang cheer, at numero uno na si Tin! Gusto kong lamunin na lang ng lupa o kaya kuhanin na lang ng alien---makawala lang sa sitwasyon. Ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko. "You're blushing" dagdag gatong pa ni Brian Mabuti na lamang---Mr Montejo call all our attention and continue his dance counting. I'm relieved dahil don at hindi na din nangulit si Brian..na akala ko ay tuloy-tuloy na! Natapos ang rehearsal ay mabilis kong kinuha ang bottled water from my bag. Nauhaw ako sa pagsasayaw at natuyo yata ang lalamunan ko sa pagkapahiya kanina. At eto na naman si Brian, palapit sa akin. Sa tingin ko baka maulit na naman ang nangyari kanina kung hindi ko kakausapin si Brian, na siguradong mangungulit...kaya bago pa man siya makapag-salita ng lumapit siya---- "i-pm na lang kita kung saan tayo magkikita..I guess kailangan nga natin mag-usap, dahil ayoko na maulit pa na mapagalitan at masita ni Mr Montejo." pagkasabi ko ay mabilis na akong lumabas ng gym ng hindi din pinapansin ang pagtawag ni Tin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD