Prologue
Hapong-hapo na si Nayumi sa katatakbo sa isang masukal na daan. Nagkahiwa-hiwalay sila ng kan'yang mga kaibigan dahil sa takot at pagkataranta. Hawak ang dibdib ay napaupo na lamang siya sa gilid ng isang drum at nagtago. Nanginginig na ang mga tuhod na halong kaba at takot.
"Anong gagawin ko? Saan na ako ngayon magtatagoo nito?" nagbagsakan ang luha sa kan'yang mga mata sa magkahalong pawis na rin dahil sobrang init kung saan siya nakakubli ngayon. Naisip niya ang mga kaibigan lalong-lalo na ang kan'yang mga magulang at kapatid.
Napatakip siya ng kamay sa kan'yang bibig dahil dinig niya ang maraming yabag sa daan. Panigurado nariyan na ang mga panget na humahabol sa kanila kanina. Rinig na rinig niya ang mga mga ito, hindi nga siya nagkamali. Pawang mga gutom ang mga ito at handa manlapa kapag nahuli ka. Nanindig ang kan'yang mga balahibo dahil sa ingay ng mga ito na hindi mo alam kung hayop ba o ano? Isa ang alam niya, demonyo.
Nanalangin na sana ay hindi siya makita at maamoy dahil kapag nangyari iyon. Katapusan na niya!
"Waahhhh..."
Gano'n na lamang ang gulat niya nang biglang tumilapon ang drum kung saan siya nakakubli at tumabad sa kan'ya ang dalawang nilalang na hindi niya naisip na magkakatotoo sa tanang buhay niya.
"Lumayo kayo sa 'kin mga panget kayo! Saklolo!" Dinakma na siya ng isa hawak ang mga balikat niya upang kagatin habang ang isa ay nakikipag-agawan pa kaya at panay rin sipa niya ro'n.
"Aahhh...saklolo!" Nanlalaban pa rin siya dahil hindi niya matanggap na kakainin lang siya ng mga ito nang gano'n-gano'n lang. Gusto niya pa marating ang langit at matikman ang luto ng diyos.
'Hanep, Nayumi! Mamamatay ka na lang iyon talaga ang nasa isip mo!'
Tuloy lang siya sa pagpupumiglas nang mapansing tila wala na siyang nahahawakan at nasasangga. Napatitig siya sa pares ng mga sapatos na nasa kan'yang harapan ngayon. Unti-unti siyang tumingila upang malaman kung sino ito.
"Tsk! Kanina pa tumba iyong dalawang manliligaw mo!" Ang taong iyon ay walang iba kun 'di si Primo.
'Anong sabi niya? Manliligaw ko? Sino? Iyong mga panget na iyon?'
"Hoy! Sinong manliligaw?" Hindi mapigilang bulyawan niya dahil sa inis. Okay lang kahit NBSB siya 'wag lang magka-jowa ng gano'n!
"Sino pa nga ba? Pili ka na lang sa dalawang iyan oh! Pareho naman mukhang patay na patay sa iyo!" natatawang sabi pa ni Primo kaya nagdagdagan lalo ang inis niya sa lalaki
"Excuse me! Anong akala mo sa beauty ko? Pang zombie?! gigil niyang singhal rito at nagpapadyak sa harapan ni Primo.
'Pinapatay na kita ngayon sa isipan ko!'
''Ahmmn... Oo, bagay na bagay." Lumapit pa nang todo si Primo kay Nayumi kung kaya't nalanghap nito ang pabango niya. In fairness hindi umano ito amoy bangkay tulad no'ng dalawang panget.
"Zombey-bie..." mahinang bulong ni Primo sa tenga nito sabay alis.
'Z-zombey-bie?'
Namilog ang mga mata ni Nayumi nsng mapagtanto ang binukong nito sa kan'ya.
"Primooooo! Humanda ka kapag nahuli talaga kita! Bawiin mong sinabi mo!" ngunit humalakhak lamang nang malakas si Primo kaya gano'n na lang ang nais ni Nayumi na mahuli ito upang gulpihin.