LUNCH time na at nagtaka si Luna dahil wala pa ang pre-ordered meal niya mula sa business ng Daddy niya. Sa halos isang buwan na nagkaayos sila ng ama ay hindi na niya tinatanggihan ang mga pagkain na pinapadala nito sa kanya. Ang totoo nga ay ni-recommend niya pa iyon sa kakilala niya. Karamihan sa mga empleyado niya na hindi nagluluto ay umo-order na rin sa Daddy niya. Dumami tuloy ang customers nito na nagpasaya rito. Pero hindi niya gets kung bakit wala pa ang sa kanya ngayon. Kung tutuusin, dapat nga ay umaga pa lang na dumarating ang mga pagkain niya. Pero dahil magkasama na sila ni Seymor sa iisang bubong ay madalas na nagluluto na sila ng almusal para sa isa’t isa. Naintindihan naman iyon ng Daddy niya kaya tuwing lunch na lang siya pinapadalhan nito---ang oras na mada

