KALAHATING araw na yata na nakangiwi lang si Seymor. Umaga pa lang kasi ay ramdam na niya ang pagka-badtrip ni Luna. Sanay na naman siya na may pagka-bossy ito at mataray. Personality na nito iyon at wala na siyang magagawa para baguhin iyon. But for the past few days, she became extra bossy. Mahaba naman ang pasensya niya kaya nakakaya niya. Kaya lang, nakakahiya dahil kahit ang ibang tao ay napapansin tuloy ang pagka-“under” niya. “Kawawa ka pala sa anak ko `no?” puna ng ama ni Luna. Linggo ngayong araw at wala silang trabaho ng asawa. Ganoon rin ang ama nito kaya binisita sila nito sa bahay. Sa mahigit isang buwan nilang pagiging asawa ni Luna ay normal na ang pagbisita ng ama nito. Pero ngayon lang siya nito nasabihan ng ganoon. Hindi masisisi ni Seymor ang ka

