LUNA felt so stupid. Naiinis rin siya sa sarili niya. Pakiramdam niya ay ang bobo niya para makipaglapit sa isang kagaya ni Seymor at gustuhin pa na magkaanak rito. He all had the red flags---kind, gentle and also his disability. Tiniis niya ang lahat pero ngayon lang niya na-realize na nabulag siya. A man like Seymor will of course take responsibility for everything. Hindi nga lang siya handa roon. Kung karamihan sa mga babae ay pangarap na maikasal ay ibahin si Luna sa mga ito. She doesn’t want to get married and be a wife. Naging impulsive man siya sa pagsasabi noon sa harap ni Cato ay nabigla lang siya. She wanted to have a hold on Seymor. Seryoso naman siya rito. Iyon nga lang, hindi sa punto na handa na siyang magpakasal rito. Okay kay Luna ang bumuo ng pam

