GUSTONG magalit ni Seymor kay Luna pero pinili niyang huwag pangunahan ng masamang pakiramdam. Nahihirapan man siya na i-handle ang sitwasyon ay alam naman niya na hindi siya basta-basta dapat na sumuko sa kabila ng pag-iinarte ng babae. Ilang beses na sinubukan ni Seymor na tawagan si Luna pero kung hindi sinasagot, madalas ay sandali lang rin ito na makipag-usap. Halatang iniiwasan siya nito. Nag-aalala at naiinis tuloy siya. Now that he had her laid a lot of times, there’s a big chances of pregnancy. At kung ganoon man, kailangan niya na pakasalan ito. It’s the right thing to do and he wanted it, too. Hindi papayagan ni Seymor na magkaanak siya ng bastardo. Matigas man si Luna pero susubukan niya na palambutin ang puso nito. At nang hindi na nga matiis ang pambabalewala n

