Bayarang Babae ( Regine Stories) Chapter 49 Parang gusto ng tumakbo palabas ni Regin ng mga oras na iyon. Lalo na at narinig na nito ang boses ni Jerome na kausap si Dyes. Hindi na nga niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya at tinatanong kong ano ang sakit niya. "Heyyy long time no see ah, ikaw si Regine hindi ba? Ang kaibigang matalik ni Mariposa?" Aniya "A-ahh oo ako nga," kiming sagot ni Regine. "At naging pasyente din kita dito hindi ba? Kamusta ang pakiramdam mo? Sabi ni Dyes mainit ka daw lumapit ka dito at titingnan kita". Ani DOC HAVANA. Silang dalawa lang ni doc havana sa loob ng opisina nito dahil naiwan si Dyes sa labas. "Kumain kaba ng almusal?" Maya-maya tanong ni Doc sa kanya. "Nag kape lang po ako Doc". Sagot ni regine "Oh c'mon. Wag mo na akong tawaging

