Chapter 50 "Bayarang Babae" Nagising si Regine ng mga sandaling iyon. Hindi siya familiar sa kwarto kong saan siya nakahiga. Palinga-linga siya sa kanyang paligid at doon niya napansin na parang nasa loob siya ng ospital. Dahil may nakita siyang isang nurse na kakalabas lang ng kwarto niya. Pinilit niyang bumangon sa kama at may hinahanap na tao na kakilala nito. Pero ibang tao ang inaasahan niyang makita, si doc jerome ang pumasok at nakangiti ito sa kanya. "Mabuti at gising kana. Mataas ang lagnat mo kanina". Panimula nito "Doc, paano ako napunta dito?" Tanong ni Regine. "Si Mariposa ang nagdala sayo dito. Kaso umuwi muna siya kasi hinahanap nadaw siya ng anak niya". Tugon nito "A-a ganoon ba? Baka pwede na akong umuwi? Pakiramdam ko kasi okey naman na ako". "Hindi pa pwede,

