Wala sila Mommy ngayon dahil nasa Office sila may meeting. Si kuya naman ay nasa kwarto niya, nakaupo lang ako dito ng makita kong bumukas yung kwaryo niya at lumabas silang dalawa ng babae. "Bye, Babe!" Malanding sabi ng babae at naghalikan sila sa harapan ko. "Okay Babe bukas ulit!" Sagot ni Justine at humawak sa bewang ng babae palabas. Hindi nalang ako nakaimik sa nakita ko, basta ang alam ko lang nasasaktan ako. Sobrang sakit ng puso ko sa tuwing nakikita ko siyang may kasamang iba. Agad na siyang pumasok at dire-diretso at ng mapadaan siya sakin ay agad ko siyang tinawag. "Kuya!" Napahinto siya at dahan-dahang humarap sakin na may nakakapasong tingin. "Don't you ever call me Kuya!" Sigaw niya sakin at aalis na sana pero hinila ko siya sa braso. "Justine! Please pakinggan mo

