Nagising ako at agad ako at ginawa ang daily rituals ko. Habang nagbibihis ako ay biglang nakaramdam ako na maduduwal ako. Agad akong tumakbo sa banyo para sumuka pero wala naman. Lagi kong nararanasan yung morning sickness ko ng hindi niya alam. Kailan kaya babalik ang alaala niya? Sabihin ko na kaya sa kanya? Agad kong inayos ang sarili at lumabas ako. Tumungo ako sa kusina at naabutan ko sila mom,dad at justine. Umupo ako sa tabi ni Mommy kaharap ni Justine. "Good morning mom, dad! At kuya!" Sabi ko at tumingin lang siya sakin. "Hindi kita kapatid!" Cold niyang sabi at napatingin naman sila mommy sakin. "Anak wag mo nalang intindihin yung kuya mo!" Sabi ni Mommy at nginitian ako. "Kailan ba kasi aalis yang ampon niyo?" Galit na tanong niya at inirapan ako. "Justine! Nasa har

