Hindi ko na napigilan yung sarili ko at binuksan ko yung pinto at sabay naman silang napatingin sakin na parehong gulat na gulat. "Ano po yung totoo!" Seryoso kong tanong. "A-anak wala lang yun!" Sabi ni Mommy. "Ano po yung dapat kong malaman?" Sigaw ko. Napayuko naman sila pereho at hindi makatingin. "Ano pong dapat kong malaman Daddy?" Tanong ko ulit kay daddy at nagtaas naman siya ng ulo at timitig sakin. Magsasalita pa lamang siya ng hinatak ni Mommy yung kamay niya pero pinagpatuloy lang niya. "Hindi ka namin totoong anak!" Nagulat ako sa sinabi ni Dad at hindi makapagsalita. "Inampon kalang namin ng Mommy mo!" Sabi ni Daddy habang umiiyak. Sunod-sunod na patak ng luha ang bumagsak mula sa aking mga mata. Hindi ako makapagsalita at hindi ko alam yung sasabihin ko. Pinahid

