Nakaupo ako dito sa labas ng room ni Justine. Nandoon kasi sila Mommy sa loob kinakausap si Justine. Nung lumapit ako sa kanya kanina ay pakiramdam ko ayaw niya sakin, nakikita ko sa itsura niya na wala siyang pakialam sakin. Okay na sakin kahit ganyan ang trato niya sakin atleast nagising na siya. Ang sabi ng doctor nagka Amnesia nga siya pero hindi pa daw alam kung kailan babalik yung mga alaala niya at hindi din nila alam kung babalik pa iyon. Bakit ganon? Bakit ba kami nagkakaganito? "Magpahinga ka muna!" Napatingala ako ng biglang may magsalita sa harap ko. "Okay lang ako Mico!" Sagot ko at nginitian ko naman siya. "Hindi ka Okay! Tignan mo naman yang itsura mo, napapabayaan mo na yung sarili mo pati yung baby mo nadadamay!" Sabi ni Mico at umupo sa tabi ko. "Mico hindi niya

