Nakarating na kami dito sa Pilipinas at nakauwi na kami sa bahay. Agad kong tinulungan sila Mommy na maghakot ng mga gamit. Bumalik na din yung dalawa naming maids at tumulong nang maghakot. "Nay Dolores nalinis niyo na po ba yung mga kwarto?" Tanong ni Mommy. Siya pala yung bagong maid. "Opo ma'am malinis na po lahat!" Sagot ni yaya at inakyat na si Kuya sa taas. Pumasok na din ako sa kwarto ko inayos na yung mga gamit ko. *Tok*Tok "Bukas yan!" Sagot ko habang nagtutupi. "Ma'am ready na daw po yung dinner!" Sabi ng isang maid. Dalawa pala sila. "Okay bababa na ako!" Sagot ko at sinara niya na yung pinto. Bumaba na ako at naabutan ko na sila sa baba. "S-si kuya po?" Tanong ko. "Hahatiran ko nalang ng pagkain yubg kuya mo!" Sabi ni Mommy at inayos na yung pagkain. "Ako nalan

