Irene's Pov One week na since lumipat ako dito sa condo ni Mico. Nasa kusina ako ngayon at hindi ako makakain dahil ang baho ng amoy ng kanin. Maya-maya'y tumakbo ako at sumuka sa sink. Parang wala namang lumalabas pero naduduwal talaga ako. After kong maghilamos ay narinig kona yung kotse ni Mico sa labas kaya agad akong tumakbo palabas at sumakay na. "Mico bakit may pasa ka sa muka?" tanong ko sa kanya. "A-ah wala lang toh!" Sagot niya at nagiwas ng tingin. "Anong wala eh napakadami mong pasa!" Sabi ko sa kanya. "Napaaway lang ako kahapon sa bar! Pero okay lang ako!" Sabi niya at ngitian ako. Tumango na lang ako at tahimik lang ako sa biyahe dahil parang nahihilo ako. "Irene are you okay?" Tanong ni Mico. "Yeah, I'm fine!" Tipid ko sagot at tumingin na lamang sa labas. N

