Irene's Pov Ilang weeks na din ang lumipas simula ng umalis kami sa pilipinas. Pumunta ako dito para kalimutan ang mga nangyari at may trabaho na din ako dito sa company nila Mico. Pag nakaipon na ako aalis din ako sa bahay nila. Pakiramdam ko kasi pabigat lang ako dito dahil hindi ko naman sila kamag-anak. Mabait sila sakin at parang anak na din yung turing nila pero hindi naman pwedeng habang buhay ako dito. Pababa na ako ng hagdan at papasok na ako. "Oh hija! Let's eat na!" Aya ni Tita sakin kaya umupo na ako sa tabi ni Mico. Habang kumakain kami ay nagring yung phone ni Tita. "Hello, Oh Jenny!" Omg si Mommy. Nagsign naman ako kay tita na wala kaya nagets niya naman. "I'm sorry pero wala dito si Irene!" sabi ni Tita. Halos hindi ako makahinga dahil sa naririnig ko. Hinahanap ako

