"Nagsasayang lang kayo ng oras,” komento ko. Tinapunan nila ako nang masamang tingin dahil sa aking sinabi. May point naman kasi ako. Sayang talaga ang oras if halos lahat sila magfo-focus sa isa. Like, duuh! "What?” Parang wala lang na tanong ko. “Totoo naman. Kung nalaman niyo kung sino ang tinutukoy ng taong ‘yon na mamamatay. Kahit hindi niyo masagot at least buhay siya, ‘di ba?” Sabay sandal ko sa upuan. Nagtataka tuloy silang napatitig lahat sa akin. Kahit ayaw kong tumulong sumagot pero isa rin akong malaking panggulo. Bet ko lang gawin. Hindi nila namamalayan na mas lalo ko silang pinapabagal sa pagsagot. Ubos oras. “Huwag mag-focus sa isa,” ani ko. “How sure are you that you will win on this game?" Makahulugang tanong ko pa. Tumayo na ako para umalis. Nagsasay

