"It cannot be seen, cannot be felt, cannot be heard, cannot be smelt. And empty holes it fills. It comes first and follows after, Ends life, kills laughter." Kakatapos ko lang basahin ang inabot sa akin na maliit na papel ni Harry habang nangalumbaba ‘tong nakatingin sa akin. Nagtaka nga ako bakit ‘tong papel na ‘to ang agad na binungad niya sa akin nang makita ako. Walang hello o hi man lang. Basta na lang niyang inabot sa akin ang kaperasong papel na naglalaman ng sulat. Hindi ko na sana kukunin nang bigyan niya ako ng kakaibang tingin kaya inabot ko na lang at binasa ang laman nito. "Anong problema mo?" tanong ko habang nakatingin na rin sa kaniya. Bakit niya inabot sa akin ang papel na 'to? Anong gagawin ko? Nakita ko pa kung paano ‘to napabuntong hininga. Waring problemado

