"Grabe, na impluwensyahan ka pa ng isang ‘yon? Pero bakit sa wall pa, ha?” tanong naman ni Harry. “Pwede naman sa pinto parehas din masusundan ka.” Katuwiran pa nito. Nagkatinginan pa ang magkakaibigan nang hindi agad sumagot si Eris. "I don't care," ani nito. “Alam ko na hindi sila pumapasok dito sa dorm natin." "At bakit aber?" Sabay taas ng kilay ni Zem. Napatango pa ang iba kasi ang weird ng naging sagot ni Eris sa kanila. Besides, what is the point para sirain ang pader? May pinto naman. Kinukutuban tuloy sila na may mali sa pagbabalik ni Eris sa pangalawang beses. "Kasi masisira ang plano nila.” Pag-amin naman ng isa na ikinakunot ng noo ng mga ‘to. “May mga kakampi sila rito. May naramdaman akong isa kanina na kasama nila." Bigla tuloy napaisip ang apat sa mg

