Enjoy reading! Zaphire's PoV, PAGKATAPOS kong maligo at magbihis ay agad na akong lumabas ng kwarto. Habang pababa ng hagdan ay rinig ko ang malakas na tawa ng anak ko. Pumunta ako sa sala at nakita ko roon si Daphzel na may kalaro. Isang babae. Si Elona. Agad akong lumapit sa kanila kaya huminto sila sa paglalaro at napatingin sa 'kin. "Mommy!" Sigaw ng anak ko at tumakbo papunta sa akin at niyakap ako. "Baby, kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya. "Yes, mommy." Sagot niya. "Hello po, ma'am Zaphire." Bati sa akin ni Elona. "Pinapunta ka ba dito ni mommy at daddy?" Tanong ko sa kanya. "Naku hindi po, ma'am. Si sir Denzel po ang nag-utos sa 'kin," mabilis niyang sagot. Napakunot ang noo ko sa sagot niya. Si Denzel ang nag-utos sa kanya? "Si Denzel? Bakit daw?"

