Enjoy reading! Denzel's PoV, "Daddy, hindi po ba natin isasama si mommy?" Tanong ng anak ko. Maaga kasi kaming umalis sa bahay. Siya lang ang dinala ko dahil meron akong surpresa para kay Zaphire. "Hindi, anak. Isu-surprise natin ang mommy mo." Sagot ko. Agad na kaming sumakay sa kotse at umalis. Ilang oras na byahe ay nakarating kami sa Baguio. Tiningnan ko ang anak ko sa tabi ko. Mahimbing ang tulog niya. Agad kong kinuha ang jacket na nasa backseat at pinasuot ito sa kanya kaya nagising siya. Kinusot-kusot pa niya ang kanyang mga mata. "Daddy, saan po tayo?" Inaantok niya pang tanong. "Nasa Baguio tayo. Dapat palagi mong isuot ang jacket mo dahil malamig dito." Sagot ko. Tumango lang siya. "Opo, daddy." Sagot niya. "Let's go." Agad na kaming bumaba ng sasakyan. Kinuha ko mun
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


