Chapter 7

1729 Words
Halos mapasabunot ako ng sarili kung buhok. Ano kaya ang iisipin sa akin ni Lucas na gusto ko rin ang ginagawa niya sa akin. Hiyang hiya ako sa sarili ko. Buong hapon hindi kami ng imikan. Ginugol ko ang oras ko sa bakuran at naghahalaman. Ayaw ko siyang makasalubong kahit sa paningin manlang. Dapit hapon na akong nakatapos ng paghahalaman at saktong dumating narin ang mga magulang ko galing bukid. Pinagkaabalahan ko ang sarili ko sa paghahanda ng hapunan namin. Narinig ko pang nagbubulungan ang magulang ko kung ano nangyari sa akin. Pero hindi ko ito pinasin. Ang gusto ko lang ay hindi ako kakausapin ni Lucas at ayaw kong maalala ang mga kahihiyan ko. " Ay bulaga!" halos mapatalon ako sa gulat dahil may nabunggo ako bulto mula sa likuran. Napaatras ako dahil saktong kakatapos ko lang magluto. Ngunit mabilis niya akong nahawakan sa baywang upang hindi matumba. Si Lucas. Biglang uminit ang magkabilang pisngi ko. Bakit ako ganito apektado sa presensya niya. Mabilis akong lumayo rito. Tatalikod na sana ako ng natigilan ako, mahinang thank you ang nasabi ko rito at hindi na ako nag abala pang tapunan ng tingin. Saktong pagpasok ko ng sala ay may kumakatok. Abala ang magulang ko sa panonood ng balita. Kaya dumiretso ako ng pintuan. " Lloyd, ?" gulat ko. Tsaka ko napansin 6:00 pm pala ang usapan namin. "Pasok ka" yaya ko sa kanya at saglit pinaupo sa sala. Nakipagkwentuhan ito sa mga magulang ko at ako ay nag ayos. Simpleng dress ang sinuot ko at pinarisan ko ito ng flat sandal. Lumabas ako ng kwarto ng namataan ko silang apat sa sala. Saktong napatingin ako sa gawi ni Lucas. Saglit natigilan ito at seryosong nakakunot noo na matalim ang tingin sa akin. Problema ng lalaking ito? tanong ko sa sarili ko. Nagpaalam ako sa magulang ko nagpaalam narin si Llyod dito. Saktong napasulyap ulit ako kay Lucas ng magkasalubong ang tinginan namin. Bakit iba ang nababasa ko sa mga mata nito. Parang nagbabanta ang mga tingin nito sa akin. Tsk... ang weird.....binaliwala ko iyon. At lumingon kay Llyod. " Tara" yaya ko. He nodded. Nakarating kami sa bahay ni Llyod. Tulad parin ito ng dati. Maraming ilaw ang nagkikislapan dito. At halos ng taga rito ay nandito. Pati mga bata hindi pinagbabawalan ng magulang nito. Nagtatakbuhan ito sa malawak na bakuran nila ni Llyod. "Mia" galak na bati ni Alice. Pinsan ni Llyod at ito ang kaclose ko noon. " Alice?" gulat ko. Dahil ang alam kong nasa America din ito. Mabilis niya akong niyakap. " Oh my God! ,I miss you so much ,Mia?' lalo pang hinigpitan ang yakap nito. " I miss you too, Since when ka nandito? " galak na tanong ko. " Nakakarating ko lang kanina, "sagot nito at bumaling ka Llyod. " Thank you Llyod for warm welcome" wika nito sabay tapik ng balikat ni Llyod. " Lets go inside ang haba ng pagkwekwentuhan natin?" masayang wika ni Alice. Hindi ko ikinaila halos magbestfriend na kami ni Alice. Siya rin ang udyok sa amin ni Llyod noon. Pero magkaiba kamo ng personalidad . Ito sobrang out-going at free spirit samantalang ako. Tahimik at kontento na ako sa mga bagay bagay. " So, you stay here for good?" tanong ko sa kanya na nasa kabilang mesa kami malapit sa gate. " Hmmm.. I dont know yet, if there's reason to stay here for good, Why not".masiglang wika nito. " So.. how's life? I mean how's love life, career, ah,?" sunod sunod na tanong nito . " Hmm.. wala pa,," nahihiyang sabi ko. " OMG!! until now Mia?" malakas na sabi nito. bigla ko itong sinaway buti nalang malayo kami sa karamihan. Napatigil ako ng nakita ko sa gate na may sinalubong ni Lloyd sila Sam,Ellen... at Lucas? Napatayo ako. Bat nandito si Lucas? .Agad kaming nakita ni Sam kaya mabilis na lumapit ito sa gawi namin. Tahimik naman nakasunod ang tatlo. " A-alice ikaw ba yan?" paninigurado ng pinsan ko. "The one and only Sam" maarteng sabi ni Alice at umikot pa ito sabay wagayway ng kanang kamay. "Wow, ganun ka parin." galak ni Sam. "Hi Ellen, " bati nito kay Ellen. Sabay yumakap dito. Napagawi ito kay Lucas kaya kumalas ito ng yakap kay Ellen. "Ulalammm.. Hi.." Malanding ngiti nito kay Lucas sabay lahad ng kamay niya. Napangiwi ako. Hanggang ngayon hindi nagbabago si Alice. Sa tuwing may nagugustuhan parati ito ng fifirst move. Napatingin ako kay Lucas sa akin ito nakatingin at seryoso ang mukha. " L-Lucas, His name is Lucas Alice." singit ni Sam. Biglang napahiya si Alice dahil hindi manlang inabot ni Lucas ang kamay nito.Tipid na ngiti ang tinugon nito kay Alice. Lumapit si Sam sa akin." Nandito kana pala insan balak pa naman namin sa sunduin ka ni Ellen, Nasundo kana pala ni Llyod. Kaya wag kang magalit kung niyaya ko si Lucas" wika nito. Kaya napatingin ako kay Lucas, nakatingin parin sa akin. " Ba't naman ako magagalit. Magkaibigan naman kayo." sabi ko rito. Nahahalata ba ni Lucas na iniiwasan ko siya? Dumating si Llyod. Niyaya nito na kumain ang mga ito. Pumunta sila sa mesang maraming nakahandang pagkain. Naiwan kami ni Ellen sa mesa. " Hindi pa rin nagabago si Alice, nakakita naman ng gwapo" hagikgik na sabi Ellen. Napailing nanlang ako. Pero bakit parang nainis ako ngayon kay Alice sa mga ikinikilos nito. dati rati wala akong pakialam kahit ganito siya. " Paano yan Mia, Mukhang malaki pa naman ang tama ni Lucas sayo" dugtong biro nito. Nabilaukan ako na kasalukuyang umiinom ng tubig.Napaubo ako at bumaling kay Ellen. " Anong pinagsasabi mo Ellen, wala namang akong pakialam sa kanila" wika ko rito sabay punas ng labi ko. Hindi na sumagot si Ellen pero tinawanan lang niya ako. Maya maya lumapit kami ni Ellen sa nag uumpukan. Namataan ko si Sam, Llyod at Lucas sa grupo ng mga matatandang mag iinuman sa di kalayuan. "Mia, pwede ba kitang gawing ninang sa binyag ng apo ko" bungad ni Aleng Nina na kasalukuyang nakikihalubilo kami sa kanila kasama ang iba pang maybahay ng tahanan. " Sure po, Aleng Nina" masayang wika ko. " Sinabi mo yan ah. Ipapalista na kita' paninigurado nito. Kaya natawa ako. " Ikaw talaga Aleng Nina, kelan po ba ?" balik na tanong ko. " Sa makalawa na" sagot nito. Tumanggo ako. Napatingin ako sa gawi nila Lucas.Saglit itong tumayo ngunit bigla itong hinila ng isang dalaga, napalibutan ito ng mga babaeng teenager na naghagikhikan, meron pang nagpapapicture rito. Pati si Alice nandoon rin. Biglang lumapit si Sam at inawat ang mga ito at itinaboy. Niyaya niya ito na bumalik sa mesa nila. Patingin ulit ako rito. He smiled at me and winked. Kaya napairap ako rito. ***** LUCAS POV Kasaluyukang nakaupo ako ngayon sa mga nag iinuman katabi si Sam. Pero kahit sa dami ng tao rito isang lang ang gusto kong makita. Si Mia.Simpleng nakasuot ito ng above the knee dress at flat sandal. Nakaupo ito sa hindi kalayuan.I can't find myself smiling pag sumasagi ito sa utak ko ang maamo nitong mukha. Kanina ko pa napapansin ang panaka nakang tingin nito. She's so innocent and damn pretty. Maamo ang mukha nito na parang bata kainosente na lahat sa kanya bago.. She's so transparent and pure. Iba siya sa lahat ng babaeng nakilala ko, she's like a precious jewel that I can treasure, she's so fragile na dapat iniingat at nirerespeto pero minsan hirap kung pigilan ang sarili ko pagdating sa kanya. I'm alway hunger and craving for her lips. Her innocent eyes na lalong nagpapaamo sa kanya. I never felt this way before, just I'm happy with her and she makes my heart fluster. And I'm type of guy na kinikilig sa kahit konting gesture niya na hindi ko narasanan sa mga past relationship ko.I'm going to take her mine no matter what. Kanina, kung wala lang ang magulang nito kinaladkad ko itong pumasok sa loob at binihisan. I hate Llyod on how the way he look at her. She looked at me. and I winked at her. Napangisi ako sa irap nito Napatingin ulit ako sa kanya ng makita ko itong tumayo at pumunta sa kinaroroonan ni Llyod na kasalukyang may kausap na taga rito rin. Mukhang nagpapaalam na ito. Kaya napatayo ako bigla. Nagulat si Sam. Sinundan nito ang tingin ko. Napailing lamang ito. Saglit ako nagpaalam rito. " Lloyd mauna na siguro ako, Nasaan na ba si Alice magpapaalam lang ako." wika ko kay Llyod. Nagpaalam na ako rito dahil nakaramdam ako ng pagod.Agad kong pinuntahan si Alice nakasunod pala si Lloyd. " Alice, ikaw muna bahala rito hatid ko lang si Mia?" paalam ni Llyod sa pinsan niya. " Sure, insan, Bye Mia.balik ka ulit dito ah" masayang sabi nito kaya nakangiting tumango ako. Nang malapit na kami sa gate ay biglang humarang si Lucas. Madilim ang mukha nito. " Let's go Mia, Hindi mo na kailangang ihatid siya uuwi na kami." seryosong sabi nito na bumaling kay Llyod. Magproprotesta pa sana ako ngunit mabilis niyang hinawakan kamay ko. Lumapit sa amin si Sam. " Cus, sabay kana kay Lucas uuwi na rin siya." singit nito. Bahagya nagtinginan ang dalawa. " Okey, mag iingat ka Mia" madiin na sabi nito at matalim na nakatingin ka Lucas.Napangisi naman si Lucas rito. Tahumik kaming nakauwi ng bahay. Pumasok ako ng kwarto ko. Pero nagulat akong nakasunod parin ito sa akin " What?" takang tanong ko. " Can I sleep here?" malumanay na sabi nito. Halatang inaantok at naglatag na ng higaan nito sa lapag. Kaya lalo akong nagkunot noo. " I can sleep on the floor" maagap na sabi nito. "You should go to sleep " utos nito sa akin. Kaya lalong nairita ako. Hindi ako tumitinag na nakasimangot nakatingin sa kanya. Humarap ito sa akin at hinawakan nito ang nagkabilang balikat ko. "Stop, frowning, hahalikan kita dyan" sabi nito na may halong pagbabanta mukhang hindi nakakikipagbiruan. " I have nothing to do with you. You go to your bed, I'll sleep here" patuloy nito na seryoso ang mukha. Wala akong magawa kasi nakahiga na ito sa higaan niya.Kahit maghimutok pa ako rito wala siyang pakialam.Napabuntong hininga nalang ako. Saglit akong nagpalit ng pantulog ko sa banyo. " Good night , Love" mahinang sabi nito.Hindi ako tumugon haggang sa nilamon ako ng antok ko dahil sa pagod ko maghapon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD