PROLOGUE
Napaiwas na lamang siya ng tingin ng napasulyap sa gawi niya ang kanyang amo. Hindi siya mapakali tuwing ganoon ang amo niya, tibitignan siya habang nanlilisik ang mata na parang may ginawa nanaman siyang masama.
Pasimple siyang umiiwas dito dahil feeling niya masyado itong malapit sakanya kahit may lamesa namang nakapagitan sakanila. Napasinghap siya nang mamataan itong gumalaw. Hindi na ulit siyang napasulyap dito at nagpatuloy sa paglilinis at pagaayos ng isang vase malapit sa TV.
"Aalis ako, hindi ko alam kung anong oras ako uuwi," simpleng sabi nito na parang ang bait-bait dahil nagpaalam pa sakanya.
Tahimik siyang napabuntong-hininga at tanging tango lang ang kanyang tinigon, hindi pa alam kung nakita nito o hindi.
"Wag kang aalis ng bahay, wag mo na ding subukang tumambay sa labas para makipaglandian diyan sa kabit mo--"
"--wala akong kabit," agaran niyang pagputol sa sasabihin nito. Natahimik ito kaya naman halos matunaw na siya sa kaba at nginig ng binti niya. Feeling niya ano mang oras ay maiihi siya sa takot sa pwede nitong gawin sakanya.
Napayuko siya at tinignan ang pasa niya sa braso. Hindi pa ito humihilom at ayaw niyang madagdagan pa ito.
Sa nanlalamig na kamay ay kinuha niya ang picture frame doon, litrato ng kanyang amo at nilinis ito. Binasa niya ang salamin nito at pinunasan ng basahan. Hindi niya lang alam kung natatanggal ba ang dumi doon dahil sa gaan ng pagpunas niya doon dahil pinapakiramdaman niya ang kanyang amo sa likod.
Napalunok na lamang siya at nagdasal na sana ay umalis na ito at wala nang sabihin, pero hindi iyon natupad.
"Kung hindi mo kalandian yoon, ano kung ganoon? What's between you with that boy that you seems to be very close, huh? Boyfriend? Ka-one night stand? Your boy toy?"
Padabog niyang naibaba ang frame na hawak dahilan kung bakit ito natigilan. Hindi siya sumagot o humarap man lang dito. Imbis ay pumikit at iniiwasang mainis sa sinabi nito.
"Anong oras na, baka malate ka pa sa gagawin mo?" Pasimpleng taboy niya dito.
"Bakit hindi mo ako sagutin? Totoo ano? Alin dun sa binanggit ko? Tsk, why do I care anyway?"
Sabi nito bago niya narinig ang tunog ng susi at sapatos nito paalis. Sinadya pa nitong dumaan malapit kahit naman malaki ang espasyo sa buong sala papunta sa main exit ng bahay.
Napatingin na lamang siya nung sumakay na ito sa kotse na nakahanda na sa labas ng gate nila hanggang sa mawala ito sakanyang paningin.
Napabuga siya nang malalim at umupo sa pagisahang sofa doon sa sala habang nakatingin sa labas kung saan nawala ang kanyang amo.
Napaiwas siya ng tingin doon at napatingin sa malaking litrato nila sa bahay na iyon na nakasabit sa itaas ng TV.
"Amo," bulong niya at bahagyang napabungisngis. Walang bakas na saya sa tawang iyon, "more like a slave to you than your wife."
Walang kabuhay-buhay pa din niyang sabi habang nakatingin sa wedding picture nila.
Noon, gusto niya kahit hindi kagandahan ang kasal, basta maikasal siya sa taong gusto niya. Ngayon naman na pinalad sa kayamanan ang asawa niya ay hindi naman nila ramdam ang pagmamahal sa isa't isa.
Alam nilang pareho na naglolokohan lang sila pero patuloy pa din ang takbo ng buhay nilang mag-asawa.
Hindi niya maintindihan kung bakit ayaw nitong pumayag sa alok niya, na parehong makikinabang sana sila at hindi na mahihirapan ng geneto.
Napapikit na lamang at napasandal, habang dinadama ang tahimik na bahay na siya nanaman ang natira at patuloy na nagpapaingay dito. Dahil ang kanyang asawa o amo ay mukhang sa iba nanaman magiingay.