Prologue
"Agent Jeya, malapit na diyan ang target abangan mo na lang at posasan.Parating na din diyan ang backup,sila na ang bahalang magdala at magpaamin sa tarantadong yan" dinig kong sabi ni boss William sa earpiece ko
"Copy boss" sagot ko naman kay boss at matulin na tumakbo sa lugar kung saan niya namataang dumaan ang target
Agad ko itong naabutan at pinaputukan ng baril sa dalawang hita upang hindi na makatakbo, pagkatapos pinosasan ko kahit na malakas itong pumapalag
"Bitawan mo ako babae" sigaw nito sa akin habang malakas na pumapalag
"Ano ako tanga? Nahuli na nga kita pakakawalan ko pa? Aba! Baliw ka yata eh!" paismid na sagot ko sa kanya
"Magkano ba ang kailangan mo babae? Sabihin mo na lang at ibibigay ko, pakawalan mo lamang ako" aba'y tarantado to ah, binabayaran pako akala yata ay madadala ako sa pera niyang galing rin naman sa masama
"Gag* kaba? Kahit bilyon pa ang ibigay mo sa akin ay hindi ako masisilaw sa pera mong galing pa sa masamang gawain!! Tumahimik ka na nga lamang riyan at baka hindi ako makapagtimpi at mabaril ko ang bunganga mong mabaho pa sa imburnal! kadami dami mong pera wala kang pambili ng toothpaste at toothbrush? nangigigil na sabi ko sa lalaking drug lord na ito
"Arghh!! Makatakas lamang ako rito ay papatayin kita babae, ugh!!
"At sa tingin moba ay hahayaan pa kitang makatakas matapos kong malaman na ikaw lang pala ang nangunguha ng mga dalagita para ibenta sa mga dayuhan, huh? galit kong saad rito habang inginungudngod ko sa kalsada ang pangett nitong mukha
" Arghh! hayop ka babae!"
"Talagang hayop ako kaya wag mong sagadin ang pasensya ko at baka maaga kang sunduin ni kamatayan" narinig kong may mga paang papalapit na dito at alam kong ito na sina boss William at ang backup..
"Maliit pa rin talaga ang pasensya mo Agent Jeya!Mukhang kung hindi pa ako dumating ay mapapatay mo na si Mr. Burgos ah" bungad na saad sa akin ni boss William
"Talagang malapit ko nang mapatay ang drug addict na yun kung hindi lamang kayo dumating! Biruin mong sinusuhulan pa ako ng pera niya!! Mabuti na lamang at hindi ako madaling madala sa ganyang lagay, tsk" sagot ko kay boss habang nakangisi nakita ko pa itong umiling at ngumisi rin.. Siya si boss William Smith, ang lalaking nagalok sa aking maging Agent nung panahong nagluluksa ako kay Mom..
"Good job, Agent Jeya! Pwede ka na munang magpahinga ng isang linggo habang wala pa akong binibigay sayong misyon"
"Sigurado ba'yan boss? baka naman wala pang isang linggo ay ipatawag mona kaagad ako?" saad ko rito, nakita ko pa nga itong ngumisi
"Depende Agent, kung wala pa akong ibibigay sayong misyon" wika nito ng nakangisi pa rin, diba toh nangangalay?
"Boss baka naman lumuwang yang bunganga mo kaka ngisi mo riyan at hindi kana sagutin ni Ate Sydney!"wika ko rito at ako naman ngayon ang ngumisi, pero ng nakita ko itong sumama ang tingin sa akin ay nagmamadali akong tumakbo sa motor kong ducati
" Basta isang linggo boss ha?! Sana sagutin kana ni Ate Sydney para naman mag-goodmood ka!!! " hiyaw ko kay boss habang tumatakbo ng mabilis, narinig ko pa ngang sumagot ito
"Sana nga!! Para makapagbakasyon kayo ng isang buwan" rinig kong sabi nito ng makasakay ako sa motor ko, bahagya pang lumaki ang mata ko sa sinabi nito..
Jusmiyo por syete! sana naman po ay sagutin na ni Ate Sydney si boss para naman makapagbakasyon man lamang kami nina Lara,Yanna,at Maxine kahit isang buwan lamang, sila ang mga ka samahan at close kong agent na parang mga bff ko na rin.. 23 sila at 21 pa lamang ako.. nbsb pa yan o NO BOYFRIEND SINCE BIRTH.. 7 years na rin pala simula ng palayasin ako ng mga magulang ko, haysst kamusta na kaya sila?
to be continued.....
_______________
Author's Note
This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are the product of author's imagination or are used on fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead is entirely coincidental.
Do not distribute, publish, transmit, modify, display or any derivative words from or exploit the contents of this story anyway. Please obtain permission first. Thank You!
Disclaimer! Contains foul words and bed scene!
Always remember, plagiarism is a
crime!
All rights reserved!
***
~Author_Jenn