Tsss "Hindi ko na talaga matagalan yung pagiging cold ni Sylver sayo. Pang-ilang beses mo na yung sinubukang kausapin pero pa hard to get. Yang magpipinsan na yan ewan ko ba, may saltik sa utak." Nakabusangot na sabi ni EllieKlare habang inaayos ang higaan niya dito sa tabi ko. Ilang araw na siyang natutulog dito kasama ko. Siya na itong super close ko eh. Si Julie naman gusto ring matulog dito kaso nandoon si Sky sa bahay nila. Ayaw niya rin namang iwan. Naalala ko ang mga nagdaan na araw. Yung pagkatapos ng klase na handa akong kausapin siya kaso nilalagpasan lang ako at lumalabas na ng classroom. Hindi na talaga ako magawang kausapin. Hindi kagaya noong pag-aaway namin na may nasasabi pa siya sakin pag kinakausap ko siya. Ngayon hindi na. Masyado nang cold. "Okay lang naman saki

