51

2763 Words

Sagad na sagad    Nagkayayaan narin silang maligo. Mas rumami ang butil ng pawis sa noo ko. Lalo na nang hinubad ni Sky ang suot niyang dress at tinanggal ang pagkakatali ng buhok niya. Laglag panga ang mga lalakeng napapasulyap sa kanya. Nagawa niya pang ngumisi pero hindi ko alam kung sino ang nginitian niya. Ang ganda ng hubog ng katawan ni Sky. Para bang sanay na sanay na siyang magsuot ng ganyan. Oo nga pala. Laking ibang bansa.  Tanging pagtitig lang ang ginawa ni Jiro. Blangko lang ang ekspresyon niya. Ano kayang iniisip nito?  "Snow! Maligo na tayo. Dali." Kinaladkad ako ni Julie at Ellie. Nagpatianod lang ako sa dalawa. Natatawa ako habang naglalakad kami sa gilid ng pool at naghahanap ng best na spot para maligo.  "Take that off Snow." sabi sakin ni Cheyenne na ikinatigil ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD