Hanggang dulo Ni hindi ako mapakali dito sa loob ng cottage. Nakakapaso na kasi ang tingin niya sakin. Ano na naman kaya yung ikinakagalit niya? Dahil ba sa suot ko? Dahil sleeveless at kita yung legs ko? Bawat gagawin ko ay hindi ko mapigilang hindi maconscious dahil sa tingin niya. Bawat galaw ko ata ay kinakabisado ng mga mata niya. "Snow. Para kang icecream. Tunaw na tunaw kana kasi." Bulong sakin ni Ellie. Namula ang pisngi ko. Napapansin niya sigurong titig na titig sakin si Sylver. Pag itinutuon ko ang tingin ko sa ibang lalake dito sa cottage namin ay naririnig ko ang "tsss" niya na abot hanggang dito sa tenga ko kaya napapaiwas tuloy ako ng tingin sa iba niyang pinsan na nagsasaya o kaya kay Tyra na tumatawa at nakikipag-apiran rin minsan kay Vlad. Hindi ko kasi kayang taga

