Fairytales Nandito na ako sa loob ng starbucks. Umuwi ako kanina pero para lang magpalit ng damit. Wala naman si Mommy. Mukhang nasa kompanya na naman. Laman ng utak ko ang galit ni Sylver sa akin habang hinihintay ko si Jiro. Gusto ko man siyang hagilapin at humingi ulit ng tawad kung ba't galit na naman siya pero napanghihinaan na naman ako ng lakas. Ang rami ko nang nagagawang kasalanan sa kanya. Araw araw palala nang palala ang galit niya sa akin at hindi ko alam kung kaya niya pa ba akong patawarin. Ininom ko ang frappe kong nangangalahati na. Kanina pa ako dito. Tiningnan ko ang phone ko pero walang text doon ni Jiro kaya nagtipa ako ng mensahe. Sa pagkakaalam ko magkatulad lang ang schedule namin. Baka naman hinatid niya pa si Sky sa condo niya? Nandito na ako. W

