With you, without you Nakaupo lang kaming dalawa ni Puti sa upuan namin habang may nakasalampak na headset sa mga tenga namin. Kakatapos lang kasi nung review namin kaya ginugugol namin ang nalalabing oras dito sa upuan namin sa pakikinig ng kanta sa phone niya. Pasimple naman akong napatingin sa kapatid niya. Babad rin ito sa phone niya. Parati naman eh. Iniwas ko rin doon lalo na't nagagalit itong si Puti pag matagal kong tinitingnan yang kapatid niya. Pakiramdam niya may gusto na ako. Ewan ko ba dito sa kanya. Masyado lang talagang possessive. "Nagkaayos na ba sila ni Abbegail?" tanong ko. "Oo. Siguro. Eh hindi yan natulog sa bahay kagabi. Umaga na nga yan umuwi. Kayong mga babae ang hilig magpakipot. Tss." Ba't ako sinisisi niya purket babae ako. Kahapon

