Obsess Walang pasok kaya nakapagdesisyon si Puti na magdate daw kaming dalawa. Si Phoebe naman nandoon daw sa bahay si Yui kaya hindi na pinayagan ng magulang kong lumabas. Doon na pinaglaro ang dalawa. Ang kulit rin kung magkasama ang mga batang 'yon eh. Hindi ko alam kung sino na ang mature sa kanila. Mga 14 years old pa kasi. Pero itong si Yui mature nang tingnan lalo na pag ibablangko ang mukha hindi kagaya ng kapatid kong yumuyuko dahil nahihiya. Nasa gitna na ako ng pagsusuklay ng buhok ko nang magvibrate ang phone ko. Kinuha ko agad ang ito at nakita doon ang mensahe ni Puti. Pasimple akong napangiti. I'm almost there. Don't exaggerate your look again. Hindi na ako nagreply pa at pinagtuunang pansin nalang ang pagsusuklay sa sarili ko. Naglipstick lang a

