Pain Laman ng utak ko ang mga sinabi ng kapatid ko sa akin. Hinatid nalang muna namin ito sa school nila lalo na't may klase pa ang dalawa. Hindi ko lubos maiproseso sa utak ko na alam lahat ng magulang ko ang pinaggagawa ko. How did they know all this thing? Naguguluhan talaga ako at masama ang kutob ko dito. "You okay?" Hinaplos niya ang hita ko kaya napatingin ako sa kanya. Tumango ako. Nawala narin sa utak niya na galit siya dahil sa ginawa nung lalake sa akin. Buti naman at naburan na 'yon sa isipan niya. "Okay lang ako pero naguguluhan ako Puti. Paano nila nalaman ang lahat ng ito? At paano nangyaring sila pa mismo ang nagbabayad ng tuition ko?" Puno ng pagtataka ang mukha ko. Kailangan ko itong kumpirmahin sa head ng school. Kailangan kong itanong kung scholar ba a

