Worth the fight Malapit na ang final quarter examination kaya naging busy rin kaming dalawa. Nakasagot naman ako pero may ibang reviews namin pero yung iba ay nahihirapan parin akong kabisaduhin. Iniisip ko pa lang na hindi ako scholar ay parang okay lang kahit na hindi ako makakuha ng malaking marka. Pero mag-aaral parin ako mabuti para makakuha ako ng pasadong marka. Sabi ng prof pag natapos ng final exam ng first sem ay pwede nang hindi pumasok. Kailangan ko nalang asikasuhin 'yong clearance ko. Pero ang sabi ni Puti wag na daw, si Jiro na daw bahala nun kasabay ng kanya dahil mas madali daw iyon. Lahat pala ng clearance ng mga kaibigan niya na girlfriend ng mga pinsan niya si Jiro ang nag-aasikaso. "Pag wala nang pasok pwede na nating gawin lahat. Gusto ko nalang atang matul

