Good Tahimik akong nakinig sa prof kahit na bumabagsak na ang mga mata ko. This is really not right. Wake up Snow! You need to fight that! Pasimple akong humikab. Naramdaman ko naman ang paghaplos ni Sylver sa hita ko kaya naibaling ko sa kanya ang atensyon ko. Pinilig niya ang ulo niya at napanguso. Palihim akong natawa. Nawala tuloy ang kaonting antok na naramdaman ko dahil sa pinaggagawa niya. Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa prof nang makuha ng buo kong atensyon ang isang pahina ng papel na ibinandera niya sa desk ko. May nakasulat doon. Sulat kamay niya. Nyebe... Narinig ko sa utak ko mismo ang boses niya kung paano niya ako tawagin. Kinuha ko ang ballpen ko at nagsulat ng reply doon. Hindi ko na ito nilingon pa. Yes? Pasimple ko ring inusog iyon sa desk niya. Nasa harap ang

