Hard Tutok na tutok ako sa prof na nagsasalita sa harapan. Itong si Sylver naman panay ang lingon sa akin. Minsan ay pumapangalumbaba pa siya sa upuan niya at tititigan lang ako. Nililingon ko siya minsan para balaan na tigilan niya ang pinaggagawa niya. Aayos naman agad siya sa pagkakaupo at ibabalik ang atensyon sa harap na nakabusangot ang mukha. Naramdaman ko sa ilalim ng desk ko ang kamay niyang gumapang sa hita ko at hinuli ang kamay ko. Ipinagdaop niya iyon sa isa't isa at pinaglalaruan niya minsan. Halatang nababagot siya. Kaya ba mas gusto niya nalang natutulog noon? Palihim akong natawa at nilingon siya. Nasa harap lang ang atensyon niya habang yung dulo ng ballpen niya ay itinutusok niya sa labi niya. Nailing nalang ako dahil sa kakulitan niya. "Nakakabagot

