Job Kabado ako nang magsimula ang game ng laro nila. Tumatakbo ngayon sa utak ko ang kasunduan naming dalawa. Pag nanalo siya magiging boyfriend ko siya, pag natalo naman siya nasa akin ang desisyon. Ba't parang nakakapressure pag natalo siya? Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Hindi man lang siya nagwarm-up. Yung iba nagkakanda ugaga na sa pag e-stretching pero siya itong kalmado lang. Parang wala lang sa kanya. Blangko lang ang ekspresyon ng mukha niya. I like his outfit. Puti yung kulay ng jersey niya at may 3 sa likod. That's his favorite number I guess. Tapos may pulang bandana pa siyang suot sa ulo niya kaya mas lalo siyang tumingkad. Ni hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. This is my first time watching him. Ayaw kong palampasin ang bawat detalye ng galaw n

