With me Nagising ako na mukha niya agad ang bumandera sa akin. Nakaupo siya sa sahig katabi ng kama ko habang nakakulob ako at hawak ang pulso ng kamay niya. Siya naman ay nakaub-ob ang mukha sa kama ko habang inuunan 'yong isa niyang kamay lalo na't hawak ko yung isa. Paano siya nakatulog sa ganitong posisyon? Nakaupo lang siya. Hindi rin kasi mataas itong foam ng kama kaya nasandal niya ang ulo niya kahit nakaupo siya. Hindi nalang muna ako gumalaw at pinagmasdan ang natutulog niyang mukha. Napakaamo nun. Napakakinis nga eh. Pasimple kong hinaplos ang matangos niyang ilong. Napahagikhik ako nang wala sa oras. Oras? Teka? Anong oras na ba? Inabot ko ang phone ko at nakita doon ang nakabold na 7:50. s**t! 8:00pm yung trabaho ko doon eh! Mukhang wala na ata akong matatangg

