5

2719 Words
Stay Tiningnan ko ang sarili ko saka itinuon ang atensyon sa mga kagrupo ko sa volleyboll. Mga kaklase ko sila dito sa P.E. Napatingin ako doon sa dalawang babae medyo magkahawig. Sa pagkakaalala ko sa pangalan nila si Julie yung isang may straight na buhok tapos yung medyo wavy yung buhok at brownish ay si Scarlet Gail. Napansin nung Scarlet Gail ang pagtitig ko sa kanya kaya agad ko iyong iniwas. Napatingin ako sa bleachers at nakita doon si Puti, nakahiga.  Itinuon ko rin ang buo kong atensyon sa game. Nagsimula ang laro. Pag sa akin napupunta yung bola ay buong pwersa ko itong hinahampas kaso lumalabas ito ng net and worst sa taas yung punta nito at babagsak sa mga kasama ko. Pati rin 'yong si Julie ay halatang hindi rin gaanong marunong. Ang hapdi na nga ng kamay ko.  Sa gitna ng laro hindi inaasahang dudugo yung ilong nung kalaban namin sa kabilang linya. Nagsagutan sila lalo na't umiyak na iyong babae. Natigil nga ang laro dahil sa eksenang iyon. "Dalawang bagay lang yan. You can hit the ball or just avoid it. I recommend you choosing the latter. Yan ang mangyayari sayo pag binangga mo yung bola kahit alam mong matatamaan ka. I'm telling you this straight. Stop fooling around. Kung ayaw mong masaktan ulit then stop playing with us. I'm not good on this sport but I can play better." Sabi nung Scarlet Gail sa babaeng umiiyak. Napatitig ako doon sa labi niyang kumurba. Ewan ko ba, pero may kakaiba sa ngiti niya. Lalo na ng pinagsasabi niya. Parang ang lalim nun na kailangan mo pang lusungin para malaman ang pinupunto niya.  Nagsialisan rin yung mga pinsan ni Puti habang siya naman itong naiwan sa bleacher. Napapansin ko walang nangangahas na gumising sa kanya. Nilapitan ko siya at inalog ng konte. Ibinuka niya ang mga mata niya na agad sinalubong yung akin. "Yung si Scarlet Gail, napadugo yung ilong ng kalaban namin." Panimula ko.  "Ah, si Sky. Hayaan mo 'yon. Hindi naman yung ilong mo ang pinadugo kaya okay lang." Nanatili siyang nakahiga kaya umupo ako sa may paanan niya. Tapos narin naman lahat ng subject ko. Sandaling may sumagi sa utak ko lalo na't binanggit niya 'yong Sky.  "Teka? Siya ba yung bata noon na umiyak? Yung..." Nakagat ko ang labi ko dahil naalala ko ang araw na iyon.  "Yung tumulak sayo? Oo siya 'yon."  Natahimik ako sandali. Malinaw pa sa utak ko ang umaapoy sa galit niyang mga mata nun habang may umaagos na luha at mariing nakatingin sa akin. It's like she's deeply hurt.  "She hates me." banayad kong sabi.  "You're on her way, aksidente 'yon. Nadala lang 'yon ng emosyon niya kaya niya nasabi 'yon. Nag-away ata sila ni Jiro nang araw na 'yon kaya sayo niya nabuhos ang galit niya. Parati nga silang nag-aaway ngayon eh. Pero di na umiiyak si Sky. Kabahan ka pag nginitian ka ng babaeng iyon." Tumango lang ako. Pero kahit ganoon, yung titig niya kasi sakin ibang iba. Parang galit na galit siya sakin. Nakakuyom pa nga 'yong mga kamay niya. Pero mga bata pa naman kami noon. I think she didn't recognize me. Yung mga pinsan niya nga hindi ako nakilala. Si Sylver lang rin naman kasi ang nakausap ko ng araw na iyon. I've seen a lot of faces, but it was his face I'll never forget. Lalo na yang napakaputi niyang kutis. "Naalala ko. Sa next meeting kayo na pala ang maglalaro. Basketball sa inyo. Diba sabi mo sa akin noon marunong ka? Hanggang ngayon ba marunong ka parin?" Inaninag ko ang mukha niya dito sa kinauupuan ko. Halos mabali ang leeg ko kakatingin sa kanya.  "Yeah. Ikaw babae ka, ang hilig mong pahirapan ang sarili mo." Tumayo siya sa kinahihigaan niya. Akala ko ay mananatili na siyang nakaupo pero nagulat ako nang bigla siyang humiga sa hita ko. Nagtatalo sa isipan ko kung itutulak ko ba siya palayo sa akin o hahayaan ko nalang lalo na't nagsisimula na namang magkagulo sa loob ng tiyan ko.  "There, all you need to do is look down to see my face. No efforts. I should be the one who's making an effort." Ang tingin niya ay nakasentro lang sa mukha ko. Yung isa niyang paa nakapiko habang yung isa ay nakahiga lang. Yung kamay niya naman ay nakalagay sa tiyan niya tapos ako itong nangangatog ang binti lalo na't nakahiga siya sa hita ko. Naiilang ako na ewan. Gusto kong wag itong lagyan ng kahulugan para hindi ako maapektuhan pero yung sistema ko nilalagyan lahat iyon ng ibig sabihin kaya hindi ko mapigilang walang maramdaman. Hindi na ako umimik pa. Sinikap ko nalang pakalmahin ang puso kong hindi na mapalagay at gusto na atang humiwalay sa akin saka magwala dito sa loob ng gymnasium.  Napakurap ako nang hawakan niya ang pulso ng kamay ko at tingnan ito. Napatingin narin ako doon. Namumula ito. Dahil yan sa kakahampas ko doon sa bola ng malakas.  "Nanghahapdi parin?" tanong niya. Umiling lang ako. Hindi na gaano lalo na't natigil na yung laro. "Buti nalang pala at nag-eksena si Sky. Kung hindi natigil yung laro niyo mas lalo itong namula. Di ka marunong." Ibinaba niya ang kamay ko. Pasimple ko nalang pinaglalaruan yung buhok niya. Bahagya ko itong hinahaplos at ipinapasada sa palad ko.  "You're so mean. Dumugo 'yong ilong niya. She even cried. Naaawa ako sa kanya." Naging malungkot ang boses ko. Sa naganap kanina mukhang personal na ata ang away nila.  "That's her fault. Binangga niya si Sky eh." Namutla ako bigla.  "Counted ba 'yong akin?! Siya naman nakabangga sakin diba? Di niya naman paduduguin ang ilong ko?!" Nahawakan ko ang magkabila niyang pisngi at pinisil ito kaya napanguso tuloy siya.  "Hindi literal na binangga. Tss." Huminahon ako at inalis rin ang kamay ko sa magkabila niyang pisngi. Sumagi sandali sa utak ko yung mukha niyang nakangiti kanina. Napangiwi ako lalo na't may epekto iyon sa akin. Ang weird.  "May basketball game. Wanna bet? Pag nanalo ako..." Napayuko ako para makita ang ekspresyon ng mukha niya.  "Pag nanalo ka?" dugtong ko nang mapansin kong natatagalan siyang dugtungan iyon. "If I win then... you'll have me as your boyfriend." Napangisi siya. Napasinghap ako ng makita ang tipid na ngiting iyon. Did he just... he smiled! Natulala ako sa mukha niyang nakangiti parin. Ni hindi ko naipasok sa utak ko ang sinabi niya dahil mas naaagaw ng ngiti niya ang buo kong atensyon. Sa isang iglap ay ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Para itong may sinasalihang race at gustong maabutan ang hinahabol na lap. I was fascinated for a moment.  "Nakikinig ka ba?" Napakurap ako at bumalik sa sarili ko.  "H-Ha?" Pasimple akong lumunok ng laway. Ang lakas parin ng kabog ng dibdib ko. Baka naririnig niya na 'yon.  Bumangon siya at humarap sakin ng buo. Medyo messy na yung buhok niya dahil sa pagkakahiga niya. Pero ang laki parin ng dagdag nun sa hitsura niya. Mas lalo ata siyang gumwapo. Oh God. This is surreal. Am I?  "Snow?" Kumunot na ang noo niya.  "Ah. Oo. Ano nga ulit 'yon?" Pinilig ko ang ulo ko para maituon ko na sa kanya ang buo kong atensyon. "Ang sabi ko, pag nanalo ako. Magiging boyfriend mo ako." Napanguso siya, pinipigilang mapangiti katulad ng nangyari kanina. "Boyfriend? Bawal ako niyan. Alam mong ikaka--"Don't spoil the moment Snow. Ginaganahan akong makipag-usap sayo tapos sisirain mo. Alam kong nagpapakamanhid ka, pero wag mo naman sanang ipamukha sakin." Naging seryoso ang mukha niyang lumiliwanag kanina. Napayuko ako. Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi dahil sa pinagsasabi ko. Nasasaktan ako dahil taliwas sa gusto ko ang nangyayari.  "Kasi Sylver... di talaga pwede. Isang taon nalang... isang taon nalang ipapakasal na nila ako." Narinig ko siyang napabuga ng hininga sa ere. Naramdaman ko ang panghahapdi ng mga mata ko pero sinikap kong hindi maiyak. Tapos na akong umiyak, tanggap ko na, na doon talaga ako papunta kaya nga gusto ko nalang sulitin itong kalayaan ko. Gusto kong maranasang mamuhay na hindi dinidiktahan ng mga magulang ko. "Kaya hindi pwede yang gusto mo." Tiningnan ko ang mukha niyang hindi na makatingin sakin. Nakaigting ang panga niya at may bahid na galit doon. Masyadong malalim ang mata niyang nakasentro sa ibang paligid ang tingin. "Isang taon, isang taon kang malaya. Ba't di parin pwede? Di mo ba naiisip? Oo umalis ka sa bahay niyo dahil gusto mong sulitin ang kalayaan mo... pero sa inaasta mo parang hinahayaan mo parin silang diktahan ka. Isang taon... f**k. I can't believe I'm begging this." Nasuklay niya ang kanyang buhok at binasa ang pang-ibabang labi. "Damn it! I want you. I want you so bad for me. Can I have your 1 year with me? Let's filled it with happiness. I'm willing. Kung sinabi mong itigil na... ititigil natin. Kung ang sarili mo naloloko mong wala kang nararamdaman para sa akin pwes ako hindi. I know you like me." Hinaplos niya ang pisngi ko. Napasinghap ako dahil sa ginawa niya.  "Just try. Malaya ka. Decide. Walang namimilit sayo, walang nagbabawal." dagdag niya.  Napalunok ako ng laway. Naiiyak ako na ewan. Kahit wala akong sabihin sang-ayon ang buo kong sistema sa pinagsasabi niya. Nakakulong parin ako sa gusto ng mga magulang ko. Malaya ako pero para akong isang ibon na kaya namang lumipad ng mataas pero ayaw lang dahil natatakot itong mahulog kahit na alam niyang may pakpak siya.  "Ba't mo ba nasasabi ang mga bagay na 'to sakin? Ba't ako? May sabit ako Sylver. Ba't magtitiis ka sakin? May iba diyan na kaya kang mahalin ng buo. Ako... ako isang taon lang ang maibibigay ko. I'm gonna leave you afterall." Naiyak ako. Naiyak ako dahil ang sakit na sa dibdib ko.  Itinulak niya ako sa kanya at niyakap. Mariin akong napapikit. Tahimik akong humagulhol sa bisig niya.  "I don't care. I really don't care Snow. Ikaw ang gusto ko, wala akong pakialam kung may mas lamang pa sayo. Wala akong pakialam kung may mas karapat dapat pa sayo para sa akin. This is my heart. I know what it wants. I don't f*****g care if you're engaged on that asshole..." Humigpit ang yakap niya sa akin kaya nasiksik ako lalo sa kanya. Amoy na amoy ko ang pabango niya. Nanuot iyon sa ilong ko. Nakatulong ito para tumahan ako sa pag-iyak lalo na sa higpit ng yakap niya sa akin.  Ilang minuto rin kaming tumahimik saka ako kumalas sa pagkakayakap niya. Inaninag ko ang hitsura niyang seryoso parin.  "Pero hindi ba masyadong mabilis?" tanong ko, pinapalis ang aking luha. "Gusto kita. Gusto mo ako. Ba't pa patatagalin?" Sandali akong tumahimik, prinoseso iyon sa aking utak. Pero may punto siya. Lalo na't sa sitwasyon ko ngayon, isang taon nalang ang meron ako. Tumango ako. "O-Okay... Uhm pumapayag na ako doon sa deal mo." Nahihiya akong nag-iwas ng tingin lalo na't ramdam ko ang namumula kong pisngi. I even smiled. "Ang bilis atang magbago ng emosyon mo. Nababaliw kana nyebe. Alam mo bang isa yan sa sintomas pag inlove? Nakakabaliw magmahal. Inlove ka nga sa akin." Tumango tango siya na parang sigurado siya sa pinagsasabi niya. "Ano?! Yabang mo ah." Natatawa kong kinurot ang hita niya.  "Bakit? Totoo naman ah. Inlove ka sakin kaya nababaliw kana." Yabang talaga! "Di ah! Assuming ka." Natawa narin ako lalo na't tumatawa na siya. Nakakahawa iyon. Nakita ko siyang ngumiti tapos tumawa pa siya. How surreal! Sylver Delafuente knows how to smile and laugh. Oh goodness gracious, my heartbeat is unstable right now. Blame this pale-skinned guy. "Dinideny mo ba ang feelings mo sakin?" Naging seryoso na ulit yung tingin niya. Kanina lang tumatawa siya ah tapos ngayon lukot na lukot na ang ekspresyon ng mukha niya. Busangot na busangot. "Itinanggi ko ba?" Nawala narin ang ngiti sa labi ko dahil sa ekspresyon ng mukha niya.  "Edi aminado ka ngang inlove ka sakin. Si nyebe lumalandi." Isang malutong na halakhak ang pinakawalan niya.  "Nakakainis ka! Tigilan mo!" Nakagat ko ang labi ko at gustong pigilan ang tawa ko pero natawa narin ako. I've never been this happy before. Ang gaan ng pakiramdam ko. Malaya ako. Kaya dapat hindi ko bakuran ang sarili ko para maging masaya. Total alam kong darating rin ang araw na iyon ay susulitin ko ito. Susulitin ko ang oras ko kasama siya.  Lumabas rin kami doon sa gymnasium. Nawala ang antok ko eh. Inihatid niya rin ako sa tinitirhan ko. May 2hours nalang ako para matulog. Yung one hour kasi inubos naming magkulitan doon sa gymnasium. Ilang beses rin siyang tumawa. Pag naaalala ko 'yon hindi ko mapigilang hindi mapangiti.  "Nakangiti kana naman. Masyado kang halata na kinikilig." puna niya sa akin. Nakaupo na ako dito sa kama at hinuhubad ang suot kong sapatos habang siya naman ay nandoon sa may pinto, nakasandal habang nakahalukipkip.  "Eh ikaw? Hindi." Natatawa kong sabi.  "Kinikilig ako. May lamangloob sa loob ng tiyan ko ngayon. Parati nga eh." Napanguso siya. Humagalpak ako ng tawa. Baka naman paru-paro. Masyadong literal ang lalaking ito.  "That's butterflies Sylver. Hindi lamangloob." Napahiga na ako sa kama ko habang tumatawa.  "Buksan mo. Nagpapaniwala ka diyan sa pinagsasabi nilang may paru-paro ang tiyan sa tuwing kinikilig. Lamangloob meron sa loob ng tiyan ko, imposibleng mapasukan ng paru-paro. Tss."  Tumawa lang ako habang nakahiga parin. Yung kilay niya magkasalubong na naman. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang pinagmamasdan siya. If he's the guy I'm going to marry then I won't have a say on it. Damn. I would love to be your wife.  "Tigilan mo nga ang kakangiti. Tapos nakahiga ka pa sa kama. Inaakit mo ako." Nafufustrate niyang sabi. Umayos agad ako sa pagkakaupo. Yung buhok ko medyo buhaghag kaya inayos ko. Sumandal ako sa pader kung saan ang hangganan ng pagkadikit nitong kama habang hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Yung ngiti ko hindi ko matanggal. I really don't know. I'm just too happy right now. I think I'm the one who's filled with butterflies right now. "Snow." Nagkasalubong na lalo ang kilay niya.  "Okay okay. Di na ngingiti." I sealed my lips. "Teka, ba't nandiyan ka? Don't you want to sit? Di ka ba nangangalay kakatayo diyan?" Kumunot ang ekspresyon ko. Siya naman itong hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha.  "Umiiwas lang ako. Lalo na't inaakit mo ako. Hihintayin ko nalang siguro na naging boyfriend mo ako. Malapit narin. Maipapanalo ko 'yon eh." Kibit balikat niya. Napangiti ako. Di ko talaga mapigilan. Kinikilig ako. Ewan ko ba. Natutuwa ako sa pinagsasabi niya.  "Pero paano pag natalo ka?" tanong ko. "Then I'll let you decide. I won't force you to be my girlfriend. Kaso desperado ako eh, you'll end up being my girlfriend. You have no choice but to own me." Ngumisi siya sa akin. Tumawa ako at inabot 'yong unan saka ko niyakap. Sinasalanta na naman ni bagyong Sylver ang loob ko kaya hindi na naman ito magkamayaw sa loob. You're making me damn Sylver. Seriously. "Ang yabang ha. Good luck then." sagot ko. "Ganon talaga. Di ka matutulog?" Umiling ako habang nakangiti. Nakasentro ang tingin ko sa mukha niya. Ni halos hindi ko ito inaalis sa kanya. It's like, he's like a precious thing I just want to stare at without blinking an eye. "Ugh... Stop that Snow. You're making it hard... for me." Napatingala siya at napasinghap. Mariin siyang pumikit doon. Humagalpak ako ng tawa. Anong nangyayari sa kanya? "Di ka talaga titigil? Sa oras na makalapit ako diyan malalagot yang labi mo sakin. I'll sealed it with mine." diin niya. Mabilis kong naitikom ang bibig ko. Ayoko na atang magsalita.  "Good girl. Stay like that and I'll stay calm." Umupo siya doon. Nakapiko ang dalawa niyang paa habang nakapatong doon ang magkabila niyang kamay. Yung tingin namin nakasentro sa isa't isa. Sa kalooblooban nalang ako ngumingiti. Ilang minuto rin kaming nakatitig hanggang sa nanlalabo na ang paningin ko at nahuhulog na ang ulo ko pero naibabangon ko rin naman. Nang mapansin niya iyon ay tumayo siya. Inayos niya ang unan ko.  "Sleep now Snow." Humiga ako doon sa unan na inayos niya. Naipikit ko na agad ang mga mata ko lalo na't antok na antok na talaga ako. Naramdaman ko ang kumot na iniyakap niya sa katawan ko. Nang narinig ko ang yapak ng paa niyang papaalis niya ay mabilis kong inabot ang pulso ng kamay niya at hinawakan ito.  "Stay." daing ko habang nakapikit parin ang mga mata ko.  "Oo. Mananatili ako nyebe. Babalik lang sana ako sa posisyon ko kanina." Hindi ko binitiwan ang kamay niya. Ano ba itong ginawa mo sa akin Sylver? Why did I suddenly craved for you? I want you to stay. Stay with me forever. Though it's impossible.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD